21 - Sketch

12.3K 462 23
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa hinihigaan ko. Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Parang may kung anong nangangati sa katawan ko kaya hindi ako mapakali. Naiinis na nga ako eh. Kahit anong pikit ang gawin ko sa mata ko, kahit anong talukbong ang gawin ko, hindi pa rin talaga ako makatulog. Waaah. Nakakainis! Ano bang nangyayari sa kin? Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko naaalala ko lang yung nangyari sa Nova Café. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang saya ko eh kung tutuusin dapat nga ay umiiyak na ako ngayon dahil sa kahihiyang inabot ko eh. Pero bakit iba ang nararamdaman ko?

Napabangon ako dahil sa sobrang inis. Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Kinagat ko yung unan ko. Binalot ko ang sarili ko sa kumot. Waaah. Gusto ko ng maiyak. Parang mababaliw na ako. Ano bang gagawin ko?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Nakita ko yung mga drawing materials ko sa study table. Ah tama! Magdo-drawing nalang ako baka sakaling antukin ako.

Kinuha ko yung sketch pad at yung pencil. Nilagay ko ang dulo ng pencil sa ilalim ng baba ko habang nag-iisip ng gagawin. Ano kaya ang magandang idrawing?

Tumayo ako sa kama at tumanaw sa bintana. Wow. Ang daming stars. Tanaw na tanaw ko din ang buong PAU. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Mabuti pa kumain nalang muna ako baka sakaling makatulog na rin ako pagkatapos.

Lumabas ako ng kwarto dala ang sketch pad at dumiretso sa kusina. Madilim kaya binuksan ko ang switch ng ilaw. Ang tahimik na ng dorm. Siguradong tulog na ang lahat.

Nagtimpla ako ng isang basong gatas at kumuha ng cookies saka naupo. Nakatitig lang ako sa sketch pad habang kumakain. Hinawakan ko ang lapis at nangsimulang gumuhit. Wala lang. Kung anu-ano lang ang ginawa ko. Mga linya lang, curves, at mga simpleng strokes lang. Walang concrete idea ang pumapasok sa utak ko. Parang may sariling utak nga yung kamay ko eh kasi kusa syang gumagalaw.

Lumutang na naman bigla ang utak ko. Naalala ko yung nangyari kanina sa Nova Café. Parang natutuwa ako na naiinis. Bukas nga pala pinapabalik ako ni Mr. Chong Go at pati na rin ni Ms. Sue Nget. Bakit kaya? Mareregular na kaya ako o tuluyan na akong matatanggal? Wag naman sana. Pero may chance din naman siguro ako kasi maganda ang kinalabasan nung performance diba? Nagkagulo nga lang sa umpisa pero dumating naman ang GALAXY para i-save ang gabi. Nakakatuwa talagang isipin yun. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Gising ka pa pala. And you're smiling alone."

Agad akong nag-angat ng tingin at nakita ko syang papalapit sakin. Nakita nya pala akong nakangiti. Baka isipin nya nababaliw na ako. "Ah eh...bakit gising ka pa?"

"Nagutom ako eh." Kumuha sya ng fresh milk sa ref at saka naupo sa tabi ko. Hinayaan ko lang sya at ipinagpatuloy nalang ang sketch na ginagawa ko.

"Pengeng cookies ah."

"Sige lang Shan." sagot ko na hindi man lang sya tinitingnan dahil nakafocus lang ako sa pagdadrawing.

"Mukhang busy ang bestfriend ko ah." narinig kong sabi nya.

"Hindi kasi ako makatulog eh."

"Gusto mo ng ice cream sandwich?"

Umiling lang ako.Ayan na naman sya sa pagkain ng tinapay na may palamang ice cream. Drawing drawing lang...

"Pupunta ka ba ulit bukas sa Nova Café?"

Tumango ako. Ah dapat medyo dark sa parteng to.

"Mukhang busy ka ah."

Nginitian ko lang sya. Ayan, malapit ng matapos.

"Ano bang dinodrawing mo?"

"Ah ito ba? Kahit ano la--WAAAHH!" agad kong pinataob yung sketch pad nang makita kung ano yung inisketch ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko man lang namalayan na yun na pala ang ginagawa ko? At saka pano ko nagawang idrawing yun?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon