01 - First Mess

37.5K 766 39
                                    

[REVISED]

Nasaan ako? Anong lugar to?

Luminga-linga ako sa paligid. Pamilyar sa kin ang lugar pero hindi ko alam kung nasaan ako. Pano ba ako napunta rito?

Nakita ko ang isang batang babae na pumasok sa gate. Sino naman tong batang to?

"Oi bata! Excuse me." lumapit ako sa kanya pero hindi nya ako pinansin. "Excuse me. Alam mo ba kung nasaan ako?"

Pero parang wala syang narinig. Mas pinagtuunan nya ng pansin yung hawak nyang bond paper. Ngumiti pa sya mag-isa nang tingnan nya ito. Ang saya-saya ng itsura nya habang tinitingnan yung kung ano mang meron sa papel na yun.

Nacurious naman ako kaya lumapit ako para tingnan kung anong meron dun.

Isang stick drawing ng isang pamilya. May nakalagay sa ibaba ng drawing na 'Tatay, Sam, Nanay."

Natigilan ako bigla. "Umm, bata. Sam ba ang pangalan mo?"

Pero hindi nya pa rin ako pinansin. Nakakainsulto na to ah. Invisible ba ako? O baka naman bingi lang ang batang to?

"Ang ganda naman ng drawing mo. Alam mo bang mahilig din ako magdrawing?" kinausap ko sya. Pero hindi nya pa rin ako pinansin. "Oi bata! Hindi mo ba ako naririnig ha?" tapos pumunta ako sa harapan nya at winagayway ang kamay ko. "Yoohoo!"

Napahinto ako nang mapansin kong mukhang hindi nya rin ako nakikita. Nakatingin lang sya ng diretso sa pintuan ng bahay.

At unti-unti, ang kaninang masayang mukha ay nawala.

"TAMA NA!!!" at kasunod ay may kumalabog at parang may nabasag. Malakas na sigawan ang narinig namin sa loob ng bahay. Bigla tuloy akong kinabahan lalo pa sa nakita kong expression ng mukha nung bata.

"NAY!"sumigaw sya gamit ang maliit nyang boses. Nangigilid na ang mga luha nya at parang takot na takot. Bigla nalang syang tumakbo papasok sa bahay.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nakakatakot ang mga ingay sa loob ng bahay. May babaeng sumisigaw at umiiyak. Meron ding maraming boses ng lalaki sa loob. May bigla nalang kakalabog at may mababasag na kung ano man.

"Bata! Sandali lang!" hinabol ko sya. Hindi maganda kung papasok sya sa loob.

"UWAAAHHH!" bigla syang nadapa bago pa makarating sa pintuan. Siguro nasa two or three years old lang sya. Nagkandagusot-gusot pa nga yung drawing nya dahil nadaganan nya.

"Dahan-dahan kasi." lumapit ako para tulungan syang bumangon.

Pero sobra akong nabigla nang... teka, ano to? Bakit ganito? Hindi ko sya mahawakan. Tumatagos lang sa katawan nya ang kamay ko. Bakit ganito?

Agad naman syang bumangon. Pinunasan nya ang luha at pinulot yung papel na gusot na.

May sugat sya sa tuhod. Dumudugo pa ito. Kawawa naman. Kaya siguro iyak sya nang iyak.

Bigla nalang kaming nakarinig ng putok sa loob. Hindi ako sigurado kung ano yun pero hindi ako pwedeng magkamali. Putok ng baril yun.

"Nay..." nagtuluy-tuloy sya sa loob ng bahay habang sinasambit ang 'nay'.

Nacucurious talaga ako. Bakit ba kasi ako nandito?

Sa di malamang dahilan, sinundan ko yung bata. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang hindi ko to mahawakan. Tumatagos lang ang kamay ko rito.

Walang tigil ang sigawan sa loob. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pumasok ako sa loob ng bahay...

Napatakip ako ng bibig sa nadatnan ko. Umiiyak ang batang babae habang nakayakap sa nanay nyang nakahandusay sa sahig at duguan.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon