23 - Confused

14.6K 443 17
                                    

"Class dismissed."

Naglabasan na ang mga kaklase ko. Nahuli ako kasi inayos ko muna ang mga gamit ko. Pagbukas ko ng bag ko nakita ko agad yung gamot ni nanay na nakalagay sa brown na bote. Inayos ko yun baka kasi mabasag. Dadalhin ko yun kapag dumalaw ako kay nanay. Sa ngayon nakalabas na sya ng ospital. Dun na ulet sya kina Auntie. Buti nalang ang bait nila.

Sinuot ko ang backpack ko at saka lumabas. Habang naglalakad sa hallway, isang pamilyar na grupo ang humarang sa daan ko. Ang talim ng tingin nila sakin.

"B*tch!"

Ang ASTRA. Nanlilisik ang mga mata ni Joyce habang nakatingin sakin pati na rin yung dalawa nyang kasama na sina Rose at Cess. Nakakagulat ang expression ng mga mukha nila. Bakit ganyan sila makatingin sakin? May nagawa ba akong masama sa kanila? Sa pagkakatanda ko nakipag-ayos na sila sakin nung huli naming pag-uusap. Nag-apologize pa nga sila eh. Pero bakit parang kakaiba ang aura nila ngayon?

Pero teka, ako nga kaya ang tinitingnan nila? Ah baka naman hindi. Ang alam ko talaga nagsorry na sila eh. Tumingin ako sa paligid. May mga PAUnians sa paligid pero may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. Mukhang wala naman silang tinitingnan sa likod ko eh.

"Pano ka kaya nakasurvive sa ginawa namin last time? Diba dapat wala ka na sa PAU ngayon?" nakataas ang kilay na sabi ni Joyce.

Tumingin ulet ako sa paligid. "Ha? A-Ako ba?" tinuro ko pa ang sarili ko.

"Stupid province girl!" sagot nya. Teka, diba line yan ni Hiro?

"Hindi kita maintindihan. Galit ka ba? Diba okay na tayo?" naguguluhan kong tanong.

"Okay? At kelan tayo naging okay?"

"Nakalimutan mo na? Diba nag-apologize ka na--"

"Stupid ka talaga! Do you really think that's genuine? Huh? Pathetic idiot!" pinaikot nya pa ang eyeballs.

Hallelujah. Sinasabi ko na nga ba eh. Buti nalang at hindi ako lubusang nagtiwala sa mga to. Isa pa ayoko rin naman talaga silang maging kaibigan eh.

"Okay." nagkibit-balikat nalang ako. Wala namang kaso sakin kung sincere man o fake lang ang apology nila eh.

"Anong okay? Ganun-ganun nalang yun?"

Hindi ko na sya sinagot. Tinalikuran ko nalang sila kesa naman makipagtalo pa sa kanila. Hindi ko alam kung ano na naman ang problema nila sakin eh.

"B*tch! Wag na wag mo kong tatalikuran when I am talking to you huh!" Bigla nya nalang hinila ang bag ko kaya natigilan ako sa paglalakad. Muntik pa akong matumba buti nalang nakontrol ko ang katawan ko.

CLANG

Lahat kami naistatwa nang may bagay na nahulog mula sa bag ko. Lahat kami ay hindi nakakilos at tanging mata lang ang gumagalaw habang sinusundan ng tingin ang bagay na yun. Nagpagulong-gulong ito sa sahig. Nanlaki nalang ang mata ko nang malaman kung ano yun. Yung gamot ni nanay!!! Pupulutin ko na sana kaya lang naunahan ako ni Joyce.

"Oh! What's this?" sabi nya habang tinitingnan yung bote.

"Akin na yan." sinubukan kong bawiin pero itinaas nya lang ito. Hindi ko naman maabot kasi bukod sa mas matangkad sya kesa sakin ay nakaheels pa sya. Mga 5 o 6 inches pa ata ang taas nun eh.

"Akin na yan Joyce." sinubukan ko ulet kunin pero humarang na yung dalawa nyang kasama. Binuksan nya yung bote para tingnan yung laman.

"Medicine huh? Are you sick?" bigla syang ngumisi. Isang nakakakilabot na ngisi. Hindi. Hindi nya naman siguro gagawin yung binabalak nya diba?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon