43 - Men In Black

11.2K 353 59
                                    

Papalubog na ang araw at nasa kalagitnaan na kami ng byahe pabalik sa PAU. Nakatanaw lang ako sa labas. Tahimik ang lahat. Hindi ko alam kung bakit sila tahimik. Basta ako ay nalulunod sa sariling pag-iisip dahil sa nangyari kanina.

Hindi na namin sinugod si Hiro sa ospital. Nagtawag nalang ng doktor si Rain at saka pinainom siya ng gamot. Kaya sa ngayon maayos na siya. May mga pantal pa rin sa katawan niya pero hindi na gaanong halata.

Pero napapaisip pa rin ako dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Hiro nung tinanong siya kung bakit siya inatake ng allergy.


"Nahawakan ko yung mga pesteng cupcakes kaya ako inatake! Tang*na nyo hindi ko kinain ang lason na yun!"

"Eh bakit mga bakas nalang ng icing ang nakita namin sa kwarto?" tanong ni Kian na mala-detective ang dating. May dala pa syang microscope, test tubes, lab gown, face mask, injection, gunting na pang-opera sa tao, etc. Pero syempre biro lang yun. Walang ganun sa resort no! Maladetective lang talaga siya.

"Fucksh*t! Hindi ko nga kinain! Tinapon ko!"

"Saan mo tinapon?"

Nanlisik ang mga mata niya. "Fvck. You." sagot niya na kasing lamig ng yelo.

Nanatili nalang akong tahimik. Nasaktan talaga ako nung makita ko kung paano niya binaboy yung cupcakes sa harapan ko pa mismo. Grabe yung effort ko doon. Pinaganda ko pa ng husto para lang magustuhan niya. Tapos gaganunin niya lang? Nakakaasar!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Susuko na ba ako o magpapakatatag at lalaban? Kapag ba sumuko ako marerealize niya kaya ang kahalagahan ko? Siya kaya ang kusang lalapit sa akin? Kapag lumaban ba ako mananalo ako? Pero sa nakikita ko ngayon mukhang ayaw niyang magpatalo. Gagawin at gagawin niya ang lahat para hindi ako magtagumpay.

"Aish! Ba't ba ang tahimik nyong lahat? Nakakailang." Pagbasag ni Rain sa katahimikan.

"Shut your big mouth, Rain." saway sa kanya ni Kian na nagbabasa ng libro dun sa tinatawag nilang iPad. Sinilip ko. May logo na letter w na kulay orange. Tapos yung title ng libro ay How Can I Say I Love You If I'm Voiceless. Mirahpat ang pangalan ng author. One shot story lang yun. Ayokong magbigay ng magandang comment kasi hindi ko pa naman nababasa yun eh. (Simpleng promotion. Haha)

"Nakakabingi kaya ang katahimikan. Ano kayang magandang gawin?" Inilagay niya ang hintuturo sa ilalim ng baba niya at saka nag-isip.

Maya-maya ay parang biglang may bumbilyang umilaw sa ulo niya. Naghalungkat siya sa bag niya. Tapos ay inilabas niya ang isang...teka. Ano yun? Electrical tape?

Gumupit siya ng isang mahabang piraso. Idinikit niya ito sa ilalim ng mata niya pababa sa pisngi niya. Diniktan niya ang magkabilang bahagi ng mukha niya. Nakakatawa lang tuloy ang itsura niya. Fake tears!

"Ano na namang pakulo yan, Reynaldo?" Iritang tanong ni Kei na nagmamaneho.

Binatukan niya si Kei. "Wag kasing Reynaldo! Bad yun!"

"Leche ka! Mamaya ka sakin!" Masamang tingin lang ang naiganti ni Kei sa kanya dahil hindi niya magawang bitawan ang manibela.

Ginaya-gaya naman siya ni Rain. "Nye nye. Mamaya ka sakin. Mamaya ka sakin. Nye nyeh."

"Pucha! Bakla!"

"Manyak ka naman!"

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Mabuti na ring maingay sila. At least hindi na nakakailang ang paligid.

"Sam," tawag sa akin ni Shan. Katabi ko siya sa upuan. "Hayaan mo nalang yang dalawang yan. Makinig ka nalang ng music." sabi niya at saka inabot sa akin yung cellphone niya na may kasamang earphones. "143.44. Yan ang favorite radio station ko. Sa tingin ko makakatulong yan sayo ngayon."

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon