29 - Tip No. 1

13.8K 388 21
                                    

Napahikab ako habang nakaupo sa sofa at nanunood ng tv. Nakakaantok naman. Ang boring pala mag-isa. Tapos wala pang magandang palabas sa tv. Wala naman akong ibang mapagkaabalahan. Tapos na akong maglinis dito sa dorm. Tapos na rin akong magluto ng dinner. Ang boring tuloy. Wala na akong magawa.

Nakaalis na kasi sina Patty at Kite. Yung GALAXY naman ay nasa practice room nila ngayon. Ewan ko ba kung bakit nagpapractice pa sila. Nandun na rin si Hiro kaya dun na sila dumiretso. Iniiwasan nya ba ako? Saan nga kaya talaga sya galing? Pag nakita ko sya mamaya, sisimulan ko na yung mission ko. Susundin ko na ang mga tips ni Kei. Ayoko ng mag-aksaya ng panahon. Hindi ko na dapat patagalin to.

Ang boring talaga. Ano kayang gagawin ko? Tawagan ko nalang kaya ang mga pinsan ko? Tama.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Patty. Sigurado naman akong nakauwi na rin yung dalawang yun eh.

"Sam!!!" Inilayo ko sa tenga ko yung cellphone dahil sa lakas ng sigaw nitong dalawa. "Kelangang sumigaw?!"

[Witchilet mama!] sabi ni Kite. Ano daw? Nag alien language na naman kasi sya.

"Huh?"

[Ui Sam. Napatawag ka?] si Patty. Siguro nakaloud speaker yung phone.

"Ah kasi--"

[Thanks God talaga! Buti nalang talaga tumawag ka.]

"Huh? Bakit?" Bigla akong kinabahan. "May problema ba? May nangyari ba kay nanay? May--"

[Ang OA mama!] Kite

"Eh anong problema?"

[Uh kasi....Kite sabihin mo na.] Patty

[Iiiihhhh...Ikaw na.] Kite

[Nahiya ako eh.] Patty

[Kaloka! Dapat maging confidential ka sa selfie mo!] Kite

[Gaga! Anong confidential? Baka maging confident?] Patty

[Witchilet! Pareho lang yun. Kaya gora na. Push mo na yan!] Kite

[Wow ah! Hiyang-hiya naman ako sayo. Sino ba ang may kailangan sa atin? Ikaw diba? Kaya ikaw gumawa.] Patty

[Diba cousins tayetch? Akala ko ba tutulungan mo aketch?] Kite

[Oo nga. Tinutulungan na nga kita diba? Pero iba ung TUTULUNGAN kesa sa AKO ANG GAGAWA. Gets?] Patty

[Whatever!] Kite

Napabuntong-hininga nalang ako habang pinapakinggan ang pagtatalo nilang dalawa sa kabilang linya. "Ibababa ko na ba to? Nakalimutan nyo na bang nandito pa ako?" Tsk. Kinalimutan na naman ako ng dalawang to.

[WAG! Wag mo muna ibaba!] sabay nilang sigaw.

"Ano ba kasing problema?"

[Uh kasi...]

"Kasi ano?" Kinakabahan na talaga ako sa dalawang to. Ano bang problema nila?

[Ahh kasi...alam mo na. Genius ka diba? Kaya ka nga nakapasok sa PAU eh. Hehe.] Kite

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako genius. Kaya lang naman ako nakakuha ng scholarship ay dahil sa talent ko at dahil sa tulong ni Shan diba? Kung hindi dahil dun sa foundation ng PAU at kung hindi ako nirecommend ni Shan, malamang wala naman ako dito noh."

[Whatever.] Ang arte talaga ng baklang to.

"Oh tapos?" Hindi pa kasi ako diretsuhin eh.

[Ahh kasi...magrereport ako.] Parang nahihiyang sabi ni Kite.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon