42 - Cupcakes

10.8K 380 46
                                    

"Mama! Laro tayo!" sabi ni Miggie na patuloy ang pagkalabit sa akin. Umalis ako doon sa may bintanang kinatatayuan ko habang tinatanaw ko ang GALAXY sa may pool area. Naliligo kasi sila.

Oy hindi ako namboboso ah! Nanonood lang ako kung paano sila magswimming!



Binalingan ko si Miggie. "Laro tayo? Sige ba. Bored din naman ako eh."


Proooooooooooot!


"Miggie!" Napatakip ako ng ilong. Pambihirang bata to.

"Nyahaha. Utot ako. Hihi." At tuwang-tuwa pa sya ah. Pasaway!

"Miggie!" Dumating naman si Manang Gie. "Ikaw talagang bata ka kung saan-saan ka pumupupu! 'Lika nga rito!"

Binuhat nya si Miggie palayo. Kaya pala ang baho eh. Hindi lang pala utot yun.

Anyway, wala na si Miggie. So mag-isa nalang ako. Lahat sila may pinagkakaabalahan. Ako lang ang wala. Nagbobonding sa swimming pool ang GALAXY. Ayoko namang makisali sa kanila dahil maoOP lang ako. Pero teka, nasaan si Shan? Napansin ko kasing wala siya doon eh.

Pumunta ako sa kusina. Sakto namang nakita ko siya doon.

"Shan, anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba sumama sa kanilang magswimming?" tanong ko sa kanya.

"Ah hindi na. May gagawin pa ako eh." Nakangiti niyang sabi saka siya kumuha ng itlog sa ref.

Sinundan ko siya ng tingin. "Ano naman ang gagawin mo? Parang napakabusy mo ata?"

Dinala naman niya yung itlog sa mesa. May nakita akong flour, sugar, butter, cream, milk, chocolate, nuts, at kung anu-ano pa.

"Naisipan kong magbake ng cupcakes bago tayo bumalik sa PAU mamaya. May natutunan ako dun sa pinapanood ko eh. Tapos gusto ko ikaw unang makatikim." sagot nya. Nag-scoop siya ng flour at inilagay sa bowl. Oo nga pala. Mamaya na pala kami babalik sa PAU.

"Talaga? Sige ba!" Natuwa naman ako doon. "Mahirap ba gumawa nyan?"

"Hindi. Madali lang basta alam mo kung pano gagawin."

"Talaga? Tamang-tama gagawan ko na din si Hiro." sabi ko. Naisip ko kasi na kapag naging successful ito at natuwa si Hiro ay maki-clear na ang mission ko.

Kumunot ang noo niya. Parang nagbago ang expression ng mukha. "H-Huh?"

"Para sa mission ko. Magandang idea ang cupcakes. Sa tingin ko matutuwa siya dun. Diba? Diba?" Ewan ko ba pero hindi mawala ang ngiti ko nung maimagine ko na tuwang-tuwa si Hiro kapag binigyan ko siya ng cupcakes lalo pa kapag home-made.

Ibinaling ni Shan ang tingin niya sa bowl saka ngumiti ng matipid. "O-Oo naman."

Natuwa naman ako sa sagot niya. Parang lumakas ang loob  ko. "Turuan mo ko, Shan. Pano ba yan?"

Nagbigay siya ng mga instructions sa akin. May guide din kasi siyang sinusunod mula doon sa libro.

"I-separate mo yung egg whites at egg yolk. Ganito oh." Pinakita niya sa akin kung paano gawin yun. Sinubukan ko namang sundan.

"Ganito ba?" tanong ko habang ginagaya siya.

"Tama. Ganyan nga. Tapos batihin mo gaya nito. Hayaan mong maging fluffy. Magiging icing yan.".

"Wow talaga?" Hindi ko alam yun ah. Akala ko nga nung una gawa sa gatas yun eh.

Sinunod ko naman ang sinabi nya. Ginamit ko yung egg beater. At hindi nagtagal, naging icing nga yung egg whites!

"Mukhang okay na yung first batch." Pumunta sya sa oven at saka inilabas yung isang tray ng cupcakes.

"Wow! Ang bango!" Umuusok pa yung cupcakes nung inilabas nya tapos amoy masarap.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon