15 - Breath of Life

14.3K 505 28
                                    

"Are you ready? Roar!!!"

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"

Pinagsasampal ko ang mukha ko! Hallelujah! Anong klaseng imagination yun? Pano pa nagawa ng utak kong mag-imagine ng ganung bagay sa kabila ng mga nangyayari??? Anong klaseng utak ba meron ako? Hinahabol na ako ni Hiro at lahat-lahat pero nanaginip pa ako ng gising? Ay pechay! Ganito ba ang side-effect kapag tumakbo ka ng walang pahinga? Naghahallucinate?

Humihingal akong lumingon sa likuran at nakita ko si Hiro sa di kalayuan. Patay! Kapag nanatili pa akong nakatayo dito, tiyak na maabutan nya ako.

Tatakbo na ulet sana ako pero agad din naman akong nahinto nang makita ang anim na lalaki na dadaanan ko. Kainis naman! Bakit ba kasi napadpad pa ako dito sa shower at locker room ng varsity? Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. Kasalanan nila yun noh! Kung hindi sila half-naked, hindi madudumihan ang utak ko.

Muli akong lumingon sa likuran. Shemay! Nandyan na sya at dinig na dinig ko ang paghingal nya habang tumatakbo! Wala na akong choice. Bahala na si Super Hiro--I mean kung sino mang Super Hero!

Tumakbo ako at nakipagsapalarang dumaan sa gitna ng anim na lalaki. At nakaramdam ako ng relief nang hindi nila ako pinansin. Ni hindi nga nila ako tiningnan nang dumaan ako eh. Phew. Masyado lang siguro akong paranoid kanina kaya pati sila na wala naman ginagawa ay nasali sa 'imagination' ko.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Alam kong nakasunod sya sakin. Alam ko ring malapit na nya akong maabutan. Naisip ko na 'Wala na bang katapusan ang habulan naming to?' Pero agad ko din namang binawi iyon dahil ngayong maabutan na nya ako, sana nga ay wala nalang tong katapusan at patuloy nalang kaming maghabulan kesa maabutan nya ako!

Parang may sariling utak na ang mga paa ko. Kusa na itong tumatakbo makalayo lang. Hindi ko inaasahang makakarating ako sa pool area ng PAU. Malaki ito pero hindi ko alam kung anong floor ba ito. Nung orientation lang kasi ako nakarating dito eh. Tahimik ang lugar dahil walang tao kaya hindi ko alam kung safe bang dito kami napadpad.

Pareho kaming napahinto. Parehong hinihingal at hinahabol ang paghinga. Naitukod ko ang mg braso ko sa tuhod ko dahil na rin sa sobrang pagod. Sa ngayon ay iilang metro lang ang pagitan naming dalawa habang tinitingnan namin ang bawat isa. Kahit na huminto na sya sa paghabol sa akin, hindi pa rin ako naging kampante dahil base sa napakatalim nyang tingin ay hindi pa rin sya sumusuko at naghihintay lang ng tamang pagkakataon.

"GIVE. THAT. BACK!!!" sigaw nya na nag-echo pa sa tahimik na lugar.

"Gaya ng sabi ko, bawiin mo ang sinabi mo kanina! Bawiin mo ang lahat ng masasamang sinabi mo tungkol sakin!" mariin kong tugon pero hindi sumigaw. Hindi ko na kelangang makipagsigawan sa kanya dahil unang una ay tahimik ang lugar. Pangalawa, magsasayang lang ako ng boses at pagod.

"REMEMBER THIS STUPID! ORAS NA MAABUTAN KITA, PATAY. KA. TALAGA. SA. AKIN!!! DO YOU F*CKIN' UNDERSTAND???!"

"HINDI KO MAINTINDIHAN!!! Narinig mo? HINDI KO MAINTINDIHAN!" nagulat ata sya sa biglaang pagsigaw ko. "Hindi ko alam kung ano ba ang matinding kasalan ko sayo at galit na galit ka sa akin!!!"

"Hindi mo alam?!" pinandilatan nya ako. "HINDI MO ALAM NA ISA KANG MAGNANAKAW??! YOU STOLE MY THINGS! AT SA TINGIN MO HINDI AKO MAGAGALIT???!"

Mariin akong napapikit para kontrolin ang emosyon ko. "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Hindi lang ito tungkol sa nangyayari ngayon! Laging mainit ang ulo mo sakin! Lagi kang galit kahit na wala naman akong ginagawang masama! Sabihin mo nga, kasalanan ko ba kung magkapareho kami ng pangalan ng kung sino man yang babaeng nang-iwan sayo?!"

Nakita ko ang pagsasalubong ng kilay nya na parang nagtataka at nagulat sa huling sinabi ko. "What?! WHAT THE HELL DID YOU SAY?!"

Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kaya dapat ko na sigurong ilabas ang sama ng loob ko sa kanya para na rin matapos na to. "Sam. Sam rin ang pangalan nya diba? Iniwan ka nya ng wala man lang pasabi sayo kaya galit na galit ka sa kanya. At sa ngayon, sakin mo ibinubuntong ang galit mo sa kanya dahil lang kapangalan ko sya? Wala akong---"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon