Chapter 29

1 0 0
                                    

J-Hope's POV

Sobrang pagod na kami sa practice, it's almost 7 pm. And twice lang kami nagpahinga. We need to easily remember all the steps, medyo gahol na rin kasi kami sa oras. Nahahati ang time namin. We have the rehearsals and the schooling. Sa totoo lang ang hirap pagsabayin.

And nandito nalang sa room ay si Yeon Woo at yung ilang production staffs. Si Joy umuwi kanina pa. Sabi niya may gagwin siya eh. Ewan ko dun, pagbalik nila ni Namjoon kanina ang tahimik niya na.

Haist, okay lang kaya si Joy?

"Tara guys, magdinner muna tayo."Sabi ni Jin habang pagod na pagod din.

"Tara na sa resto sa baba, dun nalang tayo kumain."Ani Namjoon.

Tumayo na ang lahat agad agad, Lahat kami dito gutom na hahahaha.

"Sino manlilibre?"Tanong ko nang nakakaloko.

"Aba KKB to oi!"Sabi ni Jimin.

"Oo nga! Wag kang abuso!" Sabat ni Jungkook.

"Ako libre nalang kita."Alok ni Yeon Woo.

"Kyaaaa! Talagaaaaaa!?"Sabi ko habang excited nang kumain.

"Oo naman. Yun lang eh. Basta mamaya ha?"Sabi niya nang nakangiti.

"Haha! Oo ba! Tara na!"Sigaw ko at nauna ng bumaba papunta sa bahay ng mga pagkain.

Yah! Sa wakas!

[fastforward]

Kumakain na ang lahat. Sarap na sarap ako sa ramyeon na nilibre ni Yeon Woo. Tapos may Grilled steak pa. Ya! Ang sarap kumain hahahaha.

Sarap na sarap ako habang kumakain. Naisipan kong icheck ang phone ko.

Then I saw a message from Joyie.

From: Twin Joyie

Hopie, Can you meet me at the park we usually go to back when we are kids? I have something very important to tell you. I'll be waiting.

Received 6:03 PM

To: Twin Joyie

Joyieeeee! Anjan ka pa ba? Stay there, I'm on my way.

Ya! Bakit di ko chineck tong phone ko kanina? Mag aalas otso na oh. Patay, baka kanina pa naghihintay si Joy duon.

"Haist." Sabi ko sabay kamot.

Napahinto ako sa pagkain ko. Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin sa ganitong oras. At bakit dun pa sa park?

Haist! Di ba niya alam na delikado na sa ganitong oras?

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at agad na akong tumayo. "Guys, alis muna ako. May gustong sabihin si Joy eh, importante daw."

"Teka, ubusin mo muna pagkain mo."Sabi ni Jin.

"Hindi na, kanina pa pala naghihintay si Joy eh. Kailangan ko na siyang puntahan."

"Ah Yeon Woo, pwedeng next time nalang yung sasabihin mo? Urgent lang kasi."Sabi ko kay Yeon Woo na katabi kong kumakain.

"A..Ah.. Sige sure."She said."Sige na go ahead. Ingat ka."

"Sorry talaga. Promise, libre kita sa susunod."

Tango ang naging sagot nito.

"Sige guys, balik agad ako mamaya."

Nagmadali akong lumabas nang building. Napatingin ako sa kalangitan at napansin kong hindi maganda ang panahon. No stars, mukhang uulan to.

Hiniram ko muna yung kotse ni Jungkook na nasa basement. Wala kasi yung van, dala ni manager, may meeting.

Pinaharurot ko ang sasakyan nang mabilis. Sana huwag pang umulan. Open pa naman yung park.

Hindi pa ako nakakalayo nang magsimula ng umulan. Damn, baka walang payong yun. Haist!

Ten minutes nang makarating ako dun sa park na sinabi ni Joy. I searched in the darkness habang bumubuhos ang ulan.

At ayun si Joy, nakaupo sa swing sa gitna ng ulan.

"Joyie!"Sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya. Bahala na mabasa na kung mabasa.

Lumingon siya sa akin. "Hopie! I knew you'd come. She said while smiling in the middle of the rain.

"Bat di ka man lang naghanap ng masisilungan? Bat di ka na rin nagreply dun sa text ko? Alam mo bang alalang alala ako sayo?"Sunod sunod kong tanong.

"Sorry na. Hehe. Nalowbatt kasi yung phone ko, kaya ayun. At saka hayaan mo, miss ko na rin naman maligo sa ulan eh."

"Haist. Pag ikaw nagkasakit Joyie ha."Pangaral ko sa kanya. Minsan matigas din ang ulo nitong si Joy.

"Teka, ano ba yung sasabihin mo? Tara na sumilong muna tayo dun sa kotse."Sabi ko sabay patayo sa kanya pero nagpumiglas siya.

"No Hopie, gusto kong sabihin sayo yun dito."Joy said at naging seryoso na ang paligid.

"Ano ba yun Joy? Pwede mo namang sabihin sakin yan anytime eh."haist palakas nang palakas yung ulan. Baka magkasakit kami neto.

"No. I want this place to be a witness."She said tapos huminga siya nang malalim.

Hindi ko namalayan, napigil ko na rin ang paghinga ko.

The look on Joy's eyes. It's pure sadness and uncertainty.

"What's the matter Joy?"

And the next words she said rocked everything inside of me.

BTS: BATTLING TO SUCCEEDOnde histórias criam vida. Descubra agora