Chapter 1

3 1 0
                                    

Heara's POV

This is such a lonely day. Well, lagi naman eh. Pero sanay na ako. Sa loob ng almost twenty years hindi pa ba ako masasanay? Anyway, The name is Heara. And uhm, I.. Ewan, di talaga ako sanay magsalita hehe.

Samahan niyo nalang ako. Papasok ako ngayon sa new university ko. It's BU, Bangtan University. Actually I'm new here. My Dad decided to leave me in this place. Sabi niya maiwan nalang ako dito mag isa. Aakalain niyong he's a good dad, but I don't feel that way. Hindi na kami nagkakausap ng matino simula mawala si Mama. Di na siya yung kilala kong Dad, and uhm, the rest is history.

Naglalakad ako ngayon sa school. Malapit lang din naman kasi yung school sa bahay namin, walking distance lang.

Wait baka akalain niyong mayaman ako. Haha baka magkamali kayo dahil di kami mayaman kahit university for elites yung pinasukan ko. Actually, I was offered this scholarship na bihira lang ibigay ng BU. And luckily napasa ko yung exam na bigay nila. If I graduate in BU, malaking effect ang magagawa nito sa future ko.

Manghang mangha ako ng makapasok ako sa gate palang ng school. I was like, Grabe! Sobrang ganda! Mapapanganga ka na lang sa sobrang ganda at lawak ng lugar.

Nabalik ako sa reyalidad ng nakarinig ako ng malalakas na tili ng mga babae. Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig yung mga tilian pero wala eh, sa sobrang dami nila imposible ng makita kung bakit sila nagsisigawan. If I just know, group of guys na naman yan and those crazy girls are their fangirls.

Instead na maki chismis pa, umalis na agad ako. Maaga pa naman kaya iikutin ko muna yung lugar. Habang naglalakad ako mas lalo kong na aappreciate kung gaano kaganda tong university na to.

Inside the building nakita ko ang canteen, hindi ata to canteen kasi mukhang resto. Note to self: Lagi nalang magbaon. Mukhang di kakayanin ng budget eh. Next stop is the.. Wait, bakit parang lobby ng hotel to?

And the hell, bakit may elevator sa kanan ko!

Shit. May escalator naman sa baba.

Huhu. Anong klaseng school ba tong napasukan ko? Haist. Mukhang di ako bagay dito.

Chineck ko nalang ulit yung schedule ko. Mamaya pang 8 A.M yung first class ko which is Literature. Hmm, not bad. Tinignan ko rin ang time, fudge, 7 A.M palang. San ako magpapalipas ng oras nito?

Library.

Yan unang place na pumasok sa isip ko. Kung ganito kaganda sa school na to, pano pa kaya yung library?

So ayun, hinanap ko yung library pero di ko mahanap sa sobrang lawak ng lugar. Bakit ba kasi naiwan ko yung University Map sa bahay eh.

Lumabas nalang muna ako ng School building. Sa labas na lang muna ako. Hindi narin ako mamromroblema mamaya dahil sa kakaikot ko nakita ko na rin kung saan yung first class ko.

My feet led me sa likod ng school. Wow. May garden din pala dito. And another good thing is that, walang tao rito compared sa loob. At last tahimik na lugar.

Inikot ko muna yung garden. Tapos I stopped sa gitna at tumigin sa fountain. I can clearly see myself sa reflection ng tubig. I was lost in thoughts until may marinig at mapansin akong gumalaw sa malapit na puno.

Nilapitan ko yun, pero wala namang takong nakitang tao. Baka hayop lang yun. Umupo nalang ako after nun at di ko namalayang nakatulog ako.

I woke up dahil sa sinag ng araw. Mapapangiti na sana ako, dahil ang surreal sa feeling ng magising ako sa garden ng may maalala ako.

Damn this shit!

8:15 na! Super late na ako my goodness!

Tumakbo ako agad papunta sa classroom ko. Hingal na hingal ako pagkadating ko sa harap ng classroom door. Huminto muna ako at nagdalawang isip.

Papasok pa ba ako? But I hate attention. Pero yung nasa agreement for scholarship. No absences less than 3 time. Ughhh!

Fine, aalis nalang ako. Sa next subject nalang ako papasok.

Maglalakad na sana ako paalis ng bumukas ang pinto ng classroom.

Napalunok nalang ako ng makita ko ang professor sa harap ko.

Napadako rin yung tingin ko sa loob ng classroom at napansin kong halos lahat sila natatawa.

"Miss, Do you need anything? Kanina ka pa kasi nakatayo dito sa pintuan."

"Huh?"Yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Tinuro niya sa akin yung parang mini screen at nakita ko yung sarili ko. Napatingin ako sa taas ng bandang right ko. Fudge, may CCTV! "I'm doomed." Bulong ko sa sarili ko.

Ngayon alam ko na kung bakit sila natatawa habang nakatingin sa amin. Napakagat nalang ako ng labi ko dahil sa kahihiyan.

"Are you lost?"The professor asked.

"No Mam, I.. I'm in the right place. This is my first class."

"Is that so, go inside then."

"I'm sorry mam I'm late." Paumanhin ko.

"Papalagpasin ko to since it's the first day. But I won't tolerate it next time."

"Yes Mam. Thank you."

At dali dali akong naghanap ng vacant seat. And yes! May bakante sa dulo sa tabi ng window.

Dali dali akong pumunta duon. At mas lalo kong binilisan ng marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Bakit ba to nangyayari sa akin?

Huminto nalang ang lahat ng magsalita ang guro."Okay Class. As I was saying, I am Ms. Peters and I will be handling your Literature Subject."

Nakikinig ako sa professor ng may magsalitang lalaki sa gilid ko.

"Don't worry, late din si prof kanina."Sabi niya ng nakangiti."One minute bago ka dumating, kakarating din niya."Pagpapatuloy niya at natatawa.

"Sayang kung dumating sana ako ng 8:13 di sana ako late."I mumbled to myself.

Napaharap ulit ako sa katabi ko. "You're kinda weird."sabi niya habang napailing pero natatwa parin.

"Huh?"

"Wala."

Napahinto nalang ako ng maramdaman akong mga taong nakatingin sa akin.

Some girls are glaring at me. Iniwas ko nalang yung tingin ko and nag focus nalang kay Mam.

"Okay. I need you to formally introduce yourselves."

Shit. I hate these stuffs.

BTS: BATTLING TO SUCCEEDWhere stories live. Discover now