STORY #98: How To Cheat Death?

2.5K 212 81
                                    


DEDICATED TO: lizlovess (Liezl)

DEDICATED TO: Kazahana_Katsuki (Gallerie)

DEDICATED TO: Kazahana_Katsuki (Gallerie)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






NAGPASAMA ako sa kaibigan kong si Gallerie sa Quiapo para maghanap ng manghuhula. May sariling kotse kasi si Gallerie para hindi ako ma-haggard sa pagko-commute.

“Seryoso ka ba sa gagawin mong ito, Liezl?” tanong sa akin ni Gallerie nang makahanap na siya ng lugar kung saan pwedeng mag-park malapit sa pwesto ng mga manghuhula.

“Yes na yes! Wala na itong atrasan. Desperada na talaga akong malaman kung sino ang hayop na bitch na kabit ng boyfriend ko!” May kahalong gigil na sagot ko.

E, paano ba naman ay nahuli ko na may katawagan ang boyfriend ko na isang babae. Nang tanungin ko kung sino ay kapatid daw niya. Sinapak ko nga nang bongga! Ginagago ako, e. Paano siya magkakaroon ng kapatid? Only child siyang gago siya! Magsisinungaling na lang ay hindi pa ginalingan!

Almost one week na akong nag-iimbestiga pero magaling magtago ang hinayupak at ang makati niyang kabit kaya naisipan kong humingi na ng tulong sa isang manghuhula. Kahit hindi ako hundred percent na tiwala sa kanila ay wala na akong pakialam. Desperada na ako!

Kumibit-balikat si Gallerie. “Okay. Fine. Ikaw ang bahala, Liezl… Anyway, ikaw na lang ang maghanap ng manghuhula, ha. Nagugutom na ako. Maghahanap naman ako ng food somewhere. Ikaw ba? Ibili din kita?” aniya.

“Sige, sige. O, baba na ako, ha!” Nag-beso muna kami bago ako bumaba ng sasakyan niya.

Nagpunta ako sa hanay ng mga manghuhula na halos lahat ay may baraha sa kanilang harapan. Iisa ang nakita kong may bolang kristal. At ang kakaiba pa ay dalawa ang bolang kristal niya na magkatabi. Sa gitna ay may mataba at mahabang kandila na kulay itim. Dahil sa kakaiba ang manghuhula na iyon ay sa kaniya ako lumapit. Medyo may edad na siya. Tipikal na damit ng manghuhula ang suot niya at mataba siyang babae.

“Hello po. Manghuhula po kayo?” tanong ko.

“Hindi. Labandera talaga ko. Trip ko lang na magsuot ng damit ng manghuhula!” Sumimangot siya sa akin. “Char lang. Malamang manghuhula ako. Obvious ba?”

Inirapan ko siya. Medyo intrimitida. Nagtatanong lang, e. Pinilit kong maging mabait dahil ako ang may kailangan. “Nakakatawa po.” Kahit poker face ang mukha ko. “Magpapahula po ako. Magkano?”

“Limang daan. Pero dahil ikaw ang buena mano ko ay may discount ka!”

“Talaga po?! Magkano?!”

“Ang original price na five hundred ay magiging fou hundred ninety nine na lang!”

Napangiwi ako. “Wow. Big discount!” Kumuha ako ng buong limang daan sa wallet ko at inabot sa kaniya. “Keep the change na lang po.”

Pagkakuha niya ng bayad ko ay tumirik ang mata niya at hinawakan ang dalawang bolang kristal. Hinimas-himas. “Ako si Madam Munya! Ang pinakamahusay na manghuhula dito sa Quiapo! Hindi ka nagkamali ng iyong nilapitan, ineng!” Kinuha niya ang isa kong kamay at tiningnan iyon. “May nakikita ako sa palad mo, ineng!”

“A-ano po iyon?!” Kinakabahan kong tanong.

“May nakikita ako!”

“Ano nga po?!”

“May… may libag ka, ineng! Hindi ka naghuhugas ng kamay mo!”

Mabilis kong binawi ang kamay ko. “Playtime kayo, ha! Bawiin ko na ang bayad ko!” Nakakainis na kasi.

“E, sa iyon ang nakita ko. Teka, ano ba ang papahulaan mo?”

“Manghuhula ka, 'di ba? Bakit hindi mo hulaan kung ano ang ipapahula ko sa iyo?”

“Ah… Hinahamon mo ako, ha!” Tinitigan niya ako ng matiim habang himas ang dalawang bolang kristal. Titig na titig siya sa akin na para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko. “Alam kong niloloko ka ng jowa mo. May iba siyang babae.”

Napahawak ako sa dibdib. “Hala! Ang galing ninyo, Madam Munya!”

Nagpatuloy siya. “Gusto mong malaman kung sino ang babae ng jowa mo. Tama?”

“Tama po! Tama!”

“Magiging tapat ako sa iyo, ineng. Wala sa kakayahan ko ang makita kung sino ang babae ng jowa mo. Pero!”

“Pero ano?!”

“Kaya kong malaman ang hinaharap na may koneksiyon sa babae ng jowa mo.”

Napalunok ako ng laway sa kaba. “M-may nakikita po ba kayo, Madam Demonya?”

Sumimangot siya. “Madam Munya kasi!” Pagtatama niya.

“Ay, sorry. Madam Munya whatever. Sabihin mo na po kung ano ang hinaharap ko?”

Sumeryoso ang mukha niya. Titig na titig pa rin siya sa akin. “Ang jowa mo at ang babae niya… May masama silang gustong gawin sa iyo, ineng. At nakikita ko na ang kikilos ay ang kabit ng jowa mo! Ngayong araw na ito mangyayari ang iyong kamatayan!” Nanlalaki ang mga mata na sabi ng manghuhula sa akin.

“Kamatayan?! Ngayon?!”

“Oo, ineng! Ngayong araw ang iyong kamatayan mo. Pero!”

“Pero ano po?”

“Magagawa mong makaligtas sa kamatayan kung susundin mo ang aking sasabihin sa iyo.” Pinakinggan ko ng mabuti si Madam Munya. “Upang makaligtas ka sa kamatayan mo ngayong araw na ito ay ang kailangan mo lamang na sabihin ay: Ayoko. Busog pa ako…” Sinamahan pa niya iyon ng pag-iling.

“Ha?”

“Tandaan mong iyon ang sasabihin mo!”

Hindi ko na tuloy alam kong maniniwala ba ako sa sinabing iyon ng manghuhula pero tinandaan ko pa rin ang sinabi niya. Umalis na ako at bumalik sa sasakyan ng aking kaibigan. Pagpasok ko ay nandoon na siya at kumakain ng spaghetti na binili niya sa Jollibee.

“O, kumusta ang pagpapahula mo? Nalaman mo na ba kung sino ang kabit ng boyfriend mo?” tanong ni Gallerie.

Umiling ako. “Hindi nga, e…”

“Haay… Hindi naman kasi totoo ang mga manghuhula na iyan.”

“Pero may sinabi siya sa akin.”

“Mamaya na iyan.” Inabot sa akin ni Gallerie ang isang spaghetti na nakabukas na. “Ang mabuti pa ay kumain ka muna. Alam kong gutom ka na. Sige na, kainin mo na iyan.”

Kinuha ang inabot na spaghetti ng friend ko. Nanghingi ako ng tinidor at kumain na. Nagugutom na rin kasi ako. Nangangalahati na ako sa kinakain ko nang may naramdaman akong kakaiba. Parang sumisikip ang lalamunan ko. Parang lumiliit ang daluyan ko ng hangin. Nahihirapan akong huminga!

“G-gallerie…” Hirapan na tawag ko sa kaibigan ko.

Kahit hirap na hirap na ako ay parang wala lang sa kaniya. “O, bakit, Liezl? May problema ba?” Relxa na relax niyang tanong.

“T-tulungan mo ako—”

“Bakit? Hindi ka ba makahinga?” At ngumisi siya na parang isang demonyo.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Gallerie. Nanlamig ang buong katawan ko nang maalala ko ang sinabi ng manghuhula sa akin para makaligtas ako sa kamatayan: “Upang makaligtas ka sa kamatayan mo ngayong araw na ito ay ang kailangan mo lamang na sabihin ay: Ayoko. Busog pa ako…”






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now