STORY #26: Unplugged

4.3K 296 44
                                    

DEDICATED TO: Lablyyyyyy (Lovely)

DEDICATED TO: Lablyyyyyy (Lovely)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




MASAYANG inilagay ni Lovely ang airpods sa magkabila niyang tenga. Nabili niya ang naturang wireless earphone ng sobrang mura. Halos one fourth ng original price niyon ang presyo kaya masaya siya. Tapos original pa. Nabili niya iyon sa marketplace sa Facebook.

Naghahanap kasi talaga siya ng murang airpods dahil halos lahat ng ka-work niya ay ganoon na ang gamit—wireless earphone.

Hindi iyon mapagkakamalang seconhand dahil mukhang bago pa.

“Good bye regular earphone!” aniya sabay tapon ng lumang earphone sa basurahan na nasa labas ng kanilang maliit na bahay.

Madaling araw na kaya pagdating niya ay tulog na ang lahat ng kasama niya sa bahay. Nagpalit lang si Lovely ng pambahay at naghilamos bago humiga sa kaniyang kama.

Excited siyang gamitin ang airpods na nabili.

Muli niyang inilagay sa tenga ang airpods. Bago matulog ay nakasanayan na niyang makinig ng mga audio books na dina-download niya sa isang website. Pli-nay na niya ang bagong download. Pumikit na si Lovely. Mas nafi-feel niya kasi ang pinapakinggan kapag nakapikit hanggang sa antukin siya at tuluyan nang makatulog.

“Mamamatay ka… bukas!” Iyon ang unang narinig niya sa audio book. Nagtaasan ang balahibo niya. Nakakatakot ang bahaw na boses ng babaeng nagsasalita. Pabulong. “Sasakay ka sa isang pampasaherong jeep. Wala kang kamalay-malay na iyon na ang huling araw mo sa mundo. Isang batang lalaki ang hahablot ng isang gamit na importante sa iyo. Tatakbo siya pababa ng jeep at hahabulin mo siya. Tatakbo ka nang mabilis dahil nais mong makuha sa kaniya ang bagay na kinuha niya sa iyo hanggang sa… hanggang sa… isang rumaragasang sasakyan ang bubundol sa iyo.”

Napakunot ng noo si Lovely. Bakit ganoon ang naririnig niya? Sa pagkakatanda niya ay isang romantic-comedy na audio book ang dinownload niya. Bakit parang horror ang naririnig niya?

“Magkakabali-bali ang buto mo sa katawan at—”

Bumukas ang mata ni Lovely. Inalis niya ang airpods sa tenga.

Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at nagtaasan ang balahibo niya nang makitang hindi naka-open ang bluetooth ng cellphone niya. Ibig sabihin ay hindi pa naka-connect ang airpods doon!

Kung ganoon, paanong may narinig siya sa airpods kahit hindi pa iyong nakakonekta sa kaniyang cellphone?

Nahihintakutang tiningnan niya ang hawak na wireless earphones. May lumabas na malapot na dugo sa dulo niyon kaya malakas siyang napasigaw. Nabitawan niya ang airpods ngunit nang tingnan niya ang airpods ay wala naman iyong dugo.

Tinapik-tapik ni Lovely ang magkabilang pisngi. Namamalik-mata lang ba siya?

“Puyat ka lang, Lovely! Puyat ka lang!” aniya pa sa sarili.

Pinulot niya ang airpods at inilagay iyon sa lalagyan niyon. Marahil ay nananaginip lang siya kanina. Imposibleng may marinig siya doon kahit na hindi iyon naka-konekta sa kaniyang cellphone.








THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now