STORY #82: Crashed

2.6K 193 34
                                    


DEDICATED TO: kath_angeles28 (Kathlyne)

DEDICATED TO: kath_angeles28 (Kathlyne)

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.










KANINA pa hinihintay ni Kathlyne sa kotse ng boyfriend niya ang nobyo niya. Nasa backseat siya. Naka-park iyon sa harapan ng isang motel ng gabing iyon.

Pauwi na siya kanina mula sa trabaho habang sakay ng jeep nang makita niya ang kotse ng boyfriend niya. Nagtaka siya kung bakit iyon naka-park sa harapan ng motel kaya pumara siya at bumaba. Hindi naka-lock ang pinto sa likuran ng kotse kaya nakapasok siya.

Halos dalawang oras na siya doon na naghihintay kaya nagkakaroon na siya ng hinala na may ginagawang kababalaghan ang boyfriend niya kung nasa loob man ito ng motel na iyon. Pero hinihiling niya na sana ay wala sa loob ang boyfriend niya… Sana ay nasa ibang lugar ito at doon lang nito na-i-park ang kotse.

Makalipas ang halos tatlong oras na paghihintay sa loob ng kotse ay nakita na niyang lumabas ng motel ang boyfriend niya. Ang nakakagulat pa ay hindi babae ang kasama nito kundi isang lalaki!

Sweet na sweet na nakaakbay ang boyfriend niya sa lalaki. Nag-kiss pa sa lips ang mga ito bago naglakad palayo ang lalaking hindi niya kilala.

“Mga walanghiya!” gigil na bulalas ni Kathlyne.

Hindi siya tanga. Hindi siya bulag. Alam niya ang kaniyang nakita. Bakla ang jowa niya! Binuksan ng boyfriend ni Kathlyne ang pinto sa may driver’s seat at nag-drive na ito. Humiga siya para hindi makita. Pasipol-sipol pa ito at halatang masaya. Hindi pa rin siya nito napapansin.

Hanggang sa nagdesisyon na siyang magpakita dito. Umupo siya at tinawag ito. “Hoy! Ano 'yong nakita ko?!” Malakas na turan ni Kathlyne.

Napatili na akala mo’y babae ang boyfriend niya sa gulat. “K-kathlyne?! Paano ka napunta diyan? Anong ginagawa mo dito?!” Biglang naging malaki ang boses nito nang makita siya sa rearview mirror. Patuloy ito sa pagmamaneho.

Mabilis siyang lumipat sa upuan sa unahan. “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! Anong ginawa mo sa motel na iyon kasama ang isang lalaki?!” Mangiyak-ngiyak niyang tanong. Alam na niya ang sagot pero mas nais niyang manggaling mismo sa bibig nito iyon.

“Ano iyon… classmate ko. Gumawa kami ng thesis!”

“Liar! Tapos ka na ng pag-aaral. Nagta-trabaho ka na! Umamin ka na lang kasi!”

“Ano bang gusto mong aminin ko?!”

“Ang totoo! Na bakla ka!”

Tumiim ang bagang ng boyfriend niya. Tila nag-iisip ng malalim.

“Ano?! Sumagot ka!” Hinampas niya ito ng bag sa braso. Wala siyang pakialam kahit nagda-drive pa ito.

“Oo na! Bakla na ako! Ginamit lang kita para hindi ako paghinalaan ng parents ko!”

Tuluyan nang sumabog ang luha ni Kathlyne. “Sinasabi ko na nga ba! Bakla ka! Ginawa mo lang akong cover girl!” Iyak niya. Napakasama ng loob niya sa kaniyang nalaman.

“You are right, girl! Kaya break na tayo!” Mataray na turan ng boyfriend niya.

“W-what?! Anong ikaw ang nakikipag-break? Ako ang makikipag-break sa iyo. Bakla ka ng taon!”

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, wala na akong pakialam!”

“Stop the car! Bababa na ako!” Hindi na niya kayang makasama pa ang manloloko niyang boyfriend. Ex-boyfriend pala.

“Maghintay ka! Bawal magbaba dito—”

“No! Nandidiri ako sa iyo kaya ibaba mo na ako. Stop this fucking car!”

“Ayokong makulong! Maghintay ka hanggang makarating tayo sa—”

“Itigil mo na sabi ito—" Hindi na nagawang tapusin ni Kathlyne ang sasabihin nang masilaw silang dalawa sa ilaw ng truck sa unahan nila.

Hindi na iyon napansin ng kasama niya dahil sa may nakatuon ang atensiyon nila sa pag-aaway. Huli na para umiwas ito dahil malakas nang bumangga ang kotse ng ex-boyfriend niya sa unahan ng truck. Nayupi ang unahan ng kotse at pumasok iyon sa ilalim ng truck. Tila nawalan ng preno ang truck. Mabilis sila nitong kinaladkad hanggang sa pumailalim na rin sila sa truck. Kinain sila niyon ng walang kahirap-hirap.

Wala nang nagawa pa si Kathlyne nang maipit siya sa ilalim ng truck…

-----ooo-----


“SHIT!” Napasinghap si Kathlyne nang magising siya mula sa panaginip na iyon.

Nasa backseat pa rin siya ng sasakyan ng boyfriend niya na naka-park sa harapan ng isang motel. Hinihintay niya pa rin na lumabas doon ang boyfriend niya na napanaginipan niyang bading!

“OMG! Hindi kaya… ipinakita sa panaginip ko ang mangyayari?!” Kinikilabutan niyang sabi.

Kung ganoon ay kailangan na niyang lumabas sa kotse ng jowa niya bago pa iyon mangyari. Napakaswerte niya dahil ipinakita sa kaniya ang mangyayaring hindi maganda. May pagkakataon pa siya para baguhin ang mangyayari!

Ayaw pa niyang mamatay. Saka na niya aawayin ang boyfriend niya.

Kinuha niya ang bag at nagmamadaling lumabas ng kotse.

“Fuck you, death! Hindi ko pa oras ngayon!” Pinakyu niya ang kotse. Feeling niya ay nagtagumpay siya ng oras na iyon.

Sa pagharap niya sa likuran para tumawid ay nagulantang siya nang makita sa gilid niya ang isang truck na isang dipa na lang ang layo sa kaniya!






THE END

100 Tales Of HorrorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz