STORY #88: Secret Admirer

3K 245 53
                                    


DEDICATED TO: Miss_Keyl (Camille)

DEDICATED TO: Miss_Keyl (Camille)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







“CAMILLE, baka pwedeng dalawin mo ang Tita Blessy mo sa bahay niya sa Bicol. Alam mo namang paborito ka niya. Baka lumakas siya kapag nakita ka niya…” Nang sabihin iyon sa akin ng mother ko ay hindi na ako nag-second thought na puntahan ang panganay na kapatid ng aking nanay na si Tita Blessy sa Bicol.

Mag-isa lang siya sa ancestral home ng family nina mama doon. Kay Tita Blessy ipinamana ang bahay nang mamatay sina lolo at lola dahil ito lamang ang hindi nakapag-asawa sa kanilang magkakapatid. Sa madaling salita, tumandang dalaga si Tita Blessy.

If I’m not mistaken ay sixty years old na siya next year. May sakit si Tita Blessy. Cancer sa ovary at may taning na ang buhay niya. May nag-aasikaso naman sa kaniya doon na nurse pero iba pa rin kapag may pamilyang dumadalaw siyempre.

Ewan ko ba, aaminin ko na napabayaan ng family namin ang paborito kong tita. Kahit ako ay binalewala siya simula nang magkaroon ako ng sarili kong buhay. Mas binigyan ko ng atensiyon ang aking mga kaibigan at trabaho. This is the perfect chance para makabawi ako sa kaniya—kay Tita Blessy!

Bakit nga ba walang asawa si Tita Blessy? To be honest, siya ang pinakamaganda sa magkakapatid. Puro kasi sila babae. Naikwento sa akin ni mama na pila daw talaga ang manliligaw ni Tita Blessy noong nasa kolehiyo ito. Sana all, 'di ba? How to be you po, Tita Blessy?

Seriously, marami din ang nagtataka kung bakit hindi nakapag-asawa ang tita ko sa kabila ng kagandahan niya. The answer? Malas daw sa pag-ibig si Tita Blessy. Lahat daw ng lalaking iniibig nito ay minamalas or worst… namamatay! Ang creepy!

Iyong first boyfriend ni Tita Blessy ay nalunod sa ilog habang naliligo sila kahit hanggang beywang lang ang lalim ng tubig. Ang second boyfriend naman ay nasagasaan ng truck sa tapat ng puno ng balete na madadaanan kapag papunta sa bahay ni Tita Blessy. Ayon daw sa driver ng truck ay hindi nito nakita ang lalaking iyon. Imposible kasi umaga nang mangyari ang aksidente. Third boyfriend ni Tita Blessy ay nagtatrabaho sa isang ice plant. Aksidente daw na pumasok ang isang paa nito sa gilingan ng yelo pero nabuhay. Iyon nga lang, naputol ang isang paa. Ikakasal na sana si Tita Blessy sa pangatlo niyang boyfriend pero sa mismong araw ng kasal nila ay namatay ito. Pababa na daw kasi iyong lalaki sa hagdan ng bahay ng mga ito. Nagmagaling daw na kayang bumaba kahit walang alalay. 'Ayon, nahulog sa hagdan at nagkabali-bali ang leeg at binawian agad ng buhay.

Simula daw niyon ay hindi na nag-entertain si Tita Blessy ng manliligaw. Nagbago na rin ang ugali niya. Ang dating masiyahin ay naging tahimik at palaging gustong mag-isa hanggang sa umedad na siya. Naiintindihan naman namin siya kasi sa dami at tindi ng trauma na pinagdaanan niya, kahit ako ay baka magbago din ang ugali.

'Eto pa ang trivia. Sa mga pamangkin daw ni Tita Blessy ay merong nag-iisang nakamana ng ganda nito. Walang iba kundi… ako!

Aba, hindi ako may sabi niya, ha. Sila. Anong magagawa ko kung iba na ang nagsabi, 'di ba? Kamukhang-kamukha ko daw si Tita Blessy noong kabataan nito.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now