STORY #19: Black Ribbons

5.1K 320 106
                                    

DEDICATED TO: Prinsxepe (Carl)

DEDICATED TO: Prinsxepe (Carl)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







UNANG beses ko pa lang na kita sa kaniya ay agad na akong nabighani sa taglay niyang ganda. Mula sa makinis at maputi niyang kinis hanggang sa mukha niyang akala mo ay isang anghel na bumaba sa langit.

Nakita ko siya habang palabas ako ng restaurant matapos kong pirmahan ang annulment paper para maging legal na ang paghihiwalay namin ng aking asawa. Matapos ang halos limang taon na pagsasama ay nagdesisyon kaming maghiwalay na lang. Aaminin ko na nasasaktan ko kasi siya ng pisikal sa tuwing nag-aaway kami.

Balik sa babaeng nakilala ko. Nagkabanggaan lang kami. Tinanong ko ang pangalan niya pero hindi niya sinabi.

Parang itinadhana ng langit na magkakilala kami. Simula ng gabing iyon ay parang sinasadya na magkita kaming dalawa. Sa parke, sa mall, sa kalsada at kahit sa labas ng aking bahay. Kaya sinabi ko sa sarili ko na sa oras na muling mag-krus ang aming landas ay makikipag-kaibigan na talaga ako sa kaniya.

At nangyari na ang pinaka hihintay ko.

Nagkita kami. Alas dose ng gabi. Pauwi ako sa tinutuluyan kong bahay mula sa pakikipag-inuman sa aking mga kaibigan. Nagkasalubong kami sa kalye. Dahil sa nakainom ay mas malakas ang aking loob na kausapin siya. Inaya ko siya sa aking bahay at doon ay inihayag ko ang pagkagusto ko sa kaniya.

“Gusto rin kita, Carl…” tugon niya sa mapang-akit na tinig. Malambong ang kaniyang mga mata na para bang may nais siyang ipahiwatig sa akin.

Nag-init ang aking katawan. Dinala ko siya sa aking kwarto. Wala siyang pagtutol.

Paghubad ko ng kaniyang damit ay may nakita akong mga itim na ribbon na nakatali sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan. Meron sa leeg, sa magkabilang pulso, sa mga binti, sa isang braso at sa kaniyang tiyan.

“Ano 'yan? Bakit may mga black ribbons kang nakatali sa katawan mo?” Nagtataka kong tanong.

“Importante pa ba iyon? Halika na…” Nauna na ito sa paghiga sa kama.

Pumikit siya habang nakabuyangyang sa aking harapan ang kaniyang kahubdan. Ang ganda ng katawan niya. Sexy!

Kaya lang nakaka-distract ang mga itim na ribbon na nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero hindi ko gusto. Mas okay kung wala talaga siyang kahit na anong nakalagay sa katawan habang magtatalik kami.

Ano kaya kung alisin ko na lang ang mga ribbon sa katawan niya?

Hindi naman siguro siya magagalit. Ribbon lang naman ang mga iyon, e.

Inabot ng kamay ko ang ribbon sa kaniyang leeg. Tinanggal ko iyon. Hindi siya umangal. Nakapikit pa rin siya. Isinunod kong alisin ang ribbon sa may mga pulso niya at sa isang braso. Wala pa rin siyang imik. Mukhang okay lang sa kaniya. Hanggang sa naalis ko na rin ang ribbon sa mga binti at tiyan niya.

“Mas maganda ka kapag wala ang mga ribbon,” pakli ko.

Bumukas ang mata niya. Ngumiti siya. Nagulat ako nang may gumuhit na pula sa mga pinag-alisan ko ng ribbon hanggang sa mapasigaw ako nang sabay-sabay na naputol ang mga parte ng katawan niya na may nakataling ribbon!

Ang gumuguhit na pula pala ay dugo. Bigla iyong sumambulat na parang bomba. Napuno ng dugo ang buong katawan ko maging ang kama.

“Hindi mo dapat inalis ang mga black ribbon, Carl! Iyon ang nagdudugtong sa parte ng katawan ko na pinaghiwa-hiwalay ng aking asawa na si Reno!” aniya at tumawa pa siya ng malakas kahit putol-putol na ang ilang bahagi ng kaniyang katawan.









THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon