STORY #36: Let Me In

4.2K 274 38
                                    

DEDICATED TO: Mrs_Inductivo (Angelica)

DEDICATED TO: Mrs_Inductivo (Angelica)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







MALAKAS ang ulan sa labas ng gabing iyon. Sinasabayan pa iyon ng malakas na pagkulog at pagkidlat. Galit na galit ang hangin na para bang may paparating na malakas na bagyo.

Nasa salas si Angelica habang umiinom ng alak. Nakatulala siya habang hawak ang isang bote ng whiskey. Nakatayo siya sa gitna at tila wala sa sarili. Magulo ang kaniyang buhok. Madumi ang suot na bestida at may putik ang mga kamay. May luhang natuyo sa kaniyang magkabilang pisngi. Bagaman at malamig ang panahon ay tagaktak ang pawis sa mukha at leeg niya.

Tumungga siya ng isa sa bote.

Pumikit siya pero agad din na iminulat ang mga mata nang makarinig nang magkakasunod at malalakas na pagkatok sa pinto.

Nagulat si Angelica. Nabitawan niya ang bote at nabasag iyon nang bumagsak sa sahig.

"Sino 'yan?!" sigaw na tanong niya sa kumakatok.

Sino ba ang pupunta sa bahay niya ng ganitong oras at panahon?

Patuloy ang pagkatok. Natatakot na siya.

"Sino sabi iyan, e?!" Mas malakas na ang pagtatanong ni Angelica.

"Angelica... anak..." Namilog ang mata niya nang makilala ang boses ng babae sa kabila ng nakasaradong pinto.

Paano ba niya hindi makikilala ang tinig ng sarili niyang ina?

"Anak, nilalamig na ako dito. P-parang awa mo na. Papasukin mo na ako..." samo nito sa nanginginig na boses.

"Hindi! Diyan ka lang! Hindi ka pwedeng pumasok!" Tinakbo niya ang pinto at sumandal doon. Nangangamba siya na baka magawang buksan ng nanay niya ang pinto at makapasok ito. Mabuti na ang sigurado siya kaya hindi siya aalis sa pagkakasandal sa pinto hanggang hindi ito umaalis.

Narinig niya ang paghikbi ng ina. "Ang lamig dito, anak. M-magkakasakit ako. Ang lakas ng ulan at hangin-"

"Wala akong pakialam! Umalis ka na! Kahit anong sabihin at gawin mo ay hindi kita papapasukin!"

"Maawa ka sa akin, anak. Ang lamig... H-hindi ko na kaya!" Umiiyak na ito.

Mas lalo siyang nagalit nang muli itong kumatok nang malakas.

"Ano ba?! Tumigil ka na! Umalis ka na!" Sinasabayan pa iyon ni Angelica ng pagpadyak.

"Anak... Angelica, 'wag mo naman akong tiisin. P-pangako, h-hindi na ako dudumi sa kama. Pipilitin ko nang pumunta mag-isa sa banyo para hindi ka na mahirapan sa paglilinis. Papasukin mo na ako. Pakiusap..." Humahagulhol na ito.

Nanghihinang dumausdos ang katawan ni Angelica hanggang sa mapaupo siya habang nakasandal pa rin sa pinto. Umiiyak na siya.

"Tigilan mo na ako, mama! Umalis ka na. Hindi ka makakapasok dito!"

"Angelica, m-mamamatay ako dito sa lamig-"

"Patay ka na, mama! Tigilan mo na ako! Patay ka na!!!" sigaw niya sabay yakap sa sarili habang patuloy sa pagluha.

Alam ni Angelica na multo na lamang ng kaniyang ina ang nasa labas dahil sigurado siyang wala na itong buhay nang ibaon niya sa ginawa niyang hukay sa likod ng kanilang bahay.

Pagod na pagod na siya sa pag-aalaga sa ina niyang hindi na nakakaalis sa kama. Tumigil na ang mundo niya dahil dito. Hindi na niya maasikaso ang sarili niyang buhay dahil palagi niya itong inuuna. Kaya nagdesisyon siyang kitilin ang buhay nito para maging malaya na siya sa pag-aalaga dito.

Pero mukhang hindi naman siya papatahimikin ng kaluluwa ng nanay niya. Kahit multo na lamang ito ay nagpupumilit pa rin itong pumasok sa kaniyang buhay.








THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now