STORY #18: Eyes Wide Open

5.1K 333 48
                                    

DEDICATED TO: PSYCHOARTIST4 (Michael)

DEDICATED TO: PSYCHOARTIST4 (Michael)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.














"PWEDE ka nang umuwi today. Ihahatid ka ng ambulance kung gusto mo. Your mother called at sinabi niya na hindi ka nila masusundo. Emergency daw." Iyon ang narinig ni Michael mula sa lalaking doktor na kasama niya sa hospital room na kaniyang kinaroroonan ng umagang iyon.

Halos tatlong buwan din siyang nanatili sa ospital dahil sa samo't saring injury na nakuha niya mula sa car accident na kinasangkutan niya kasama ang kaniyang nobya.

Sa kasamaang palad, hindi nakaligtas sa aksidente ang girlfriend niya. Ito ang nagda-drive ng kotse niya at hindi pa ito nakasuot ng seatbelt. Kaya nang bumangga sa poste ng ilaw ang gitnang unahan ng kotse ay tumalsik ito at tumilapon. Naunang bumagsak sa semento ang ulo nito at dahil doon ay nabasag ang buo nito.

Siya naman, sa kabutihang-palad ay naka-seatblet ngunit naipit ang mga paa niya dahil sa nayupi nang husto ang unahan ng kotse. Ngunit ang pinaka malala niyang nakuha ay ang pagkabulag ng kaniyang dalawang mata. Nang mabasag ang salamin sa unahan ng kotse ay maraming maliliit na bubog ang bumaon sa mga mata niya na naging sanhi ng pagkawala ng kaniyang paningin.

"Dok, paano itong mata ko?" Wala nang benda ang mga iyon. Nakasuot lang siya ng shades para maitago ang naging pinsala sa mga mata niya.

"Maganda ang sign na ipinapakita ng mga mata mo, Michael. Kung naaalala mo, hindi ko na itinuloy ang eye transplant dahil malaki ang chance na makakita ka kahit walang operasyon. Magaling na ang sugat mo kaya one of these coming days ay baka bumalik na ang paningin mo. Pero unti-unti lang. Just give me a call kung may tanong ka pa. Okay?" Tinapik siya ng doktor sa kaniyang likod.

"Thank you po, dok!" Kulang na lang ay maiyak si Michael sa sobrang tuwa dahil sa sinabi ng doktor sa kaniya.

Maya maya ay dumating na ang isang nurse. Handa na daw ang ambulansiyang maghahatid sa kaniya. Isinakay siya nito sa wheelchair para mabilis siyang madala doon. Excited na rin siyang makauwi. Gusto na niyang makasama ulit sa bahay nila ang kaniyang nanay, tatay pati na ang dalawa niyang kapatid. Ang kaniyang nakakatandang ate at bunsong babae.

-----ooo-----

HALOS isang oras din ang naging biyahe ni Michael bago huminto ang ambulansiya. Inalalayan siya ng isang nurse na lalaki sa pagbaba at pag-upo sa wheelchair. Inihatid din siya nito hanggang sa loob ng kanilang bahay. Sinasabi nito kung nasaan na sila kaya kahit wala siyang nakikita ay alam niya kung nasaan siya.

"Surprise! Welcome back, Michael!" Nagulat siya nang may biglang sumabog at sumigaw.

May mga tila maliliit na piraso ng papel siyang naramdaman na naglaglagan. Confetti yata ang mga iyon kung hindi siya nagkakamali.

May mga lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Daddy? Mommy? Ate? Bunso?" Nakangiti pero lumuluhang turan niya.

Nakakalungkot lang na hindi niya pa nakikita ang mga ito.

"Nandito kami, anak. Masaya kami sa pagbabalik mo. Naghanda kami ng kaunting salu-salo," boses iyon ng mommy niya.

-----ooo-----

ISANG linggo na ang nakalipas simula nang bumalik si Michael sa kanilang tahanan at sa loob ng araw na iyon ay marami siyang ipinagtataka lalo na sa mismong bahay nila.

Kahit hindi siya nakakakita ay parang ang daming nagbago sa kanilang bahay. Mula sa kwarto niya na parang hindi na niya kabisado hanggang sa mga upuan, lamesa, appliances at iba pang kagamitin. Lahat ay parang nalipas ng pwesto kaya mas nahihirapan tuloy siyang kumilos.

Oo, tatlong buwan siyang nawala doon pero imposibleng hindi siya maging pamilyar sa bahay kung saan siya lumaki.

Maging ang pamilya niya ay parang nag-iba ang ugali. Pakiramdam niya tuloy ay parang ibang tao ang kasama niya. Hindi lang niya sinasabi at baka ma-offend ang mga ito. Inaalagaan na nga siya ng mga ito tapos magsasalita pa siya ng ganoon. Nag-aaral at nagtatrabaho ang mga ito kaya malaking sakripisyo talaga para sa mga ito ang pagbabantay sa kaniya lalo na at bulag siya. Ibang klase ng pag-aalaga ang kailangan niya. Dapat pa siyang alalayan sa bawat kilos niya at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

Hanggang isang umaga, nagulat si Michael dahil nakakaaninag na siya. Malabo pa ang paningin niya na parang may ulap sa paligid pero labis na siyang nasiyahan. Ibig sabihin ay bumabalik na ang paningin niya!

Hindi muna niya iyon sinabi sa pamilya niya dahil ang plano niya ay isorpresa ang mga ito.

Sa bawat araw na gumigising siya ay palinaw nang palinaw ang kaniyang mata. Hanggang sa tuluyan nang bumalik sa normal ang paningin niya! Nakikita na niya ng malinaw ang lahat!

Hindi tuloy siya makagalaw mula sa pagkakahiga niya sa umagang iyon. Manghang-mangha siya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kamay.

Biglang bumukas ang pinto at isang mataba at maitim na babae ang pumasok. Malaki ang mata at kulot ang maikli at makapal nitong buhok. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya ito kilala. Kasambahay ba nila ito? Pero hindi niya naaalala na meron silang kasambahay.

Tatanungin sana ni Michael kung sino ito pero naunahan na siya nitong magsalita.

"Good morning, anak! Halika, magbe-breakfast na tayo!" ani ng babae habang papalapit ito.

Kaboses siya ng mommy ko! Pakli ng utak ni Michael.

Inalalayan siya nito na makaupo sa wheelchair at itinulak na papunta sa dining area.

"Naghanda ako ngayon dahil birthday ng daddy mo, Michael. Special breakfast natin ngayon!" anito pa. "Nandito na tayo sa dining table. Haaay... sana ay nakakakita ka, anak, para nakikita mo ang handa natin sa ating lamesa. Kumpleto tayo. Nandito ang daddy mo at dalawa mong kapatid."

Sino ang mga ito? H-hindi sila ang pamilya ko! Halos sumabog ang ulo ni Michael sa sobrang gulat nang makita na ibang mga tao ang kasama niya sa bahay nila. Doon lang din niya nakita na nasa ibang pwesto na ang mga kagamitan nila kaya pala hindi na talaga siya pamilyar sa sarili niyang bahay.

Pero ang mas lalong gumimbal sa kaniya ay nang makita na ang pugot na ulo ng mommy at daddy niya ang nakahain sa lamesa. Sunog ang mga iyon na parang niluto sa malakas na apoy!

Pinigilan ni Michael ang umiyak at magwala. Hindi dapat malaman ng mga hayop na ito na nakakakita na siya. Kailangan niyang magpanggap na bulag pa rin siya para na rin sa sarili niyang kaligtasan!

Anong ginawa ninyo sa pamilya ko?! Sigaw pa ng utak niya.






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now