STORY #83: Friendly Neighborhood

2.7K 194 29
                                    


DEDICATED TO: bethania_methapor (Karen)

DEDICATED TO: bethania_methapor (Karen)

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.










BAGONG lipat ako sa apartment na tinitirahan ko sa ngayon. Umalis na ako sa boarding house na dalawang taon din akong nag-stay. Hindi na kasi kami magkasundo ng landlady namin doon. Naging mainit na ang ulo niya sa akin nang isang beses akong ma-late ng bayad sa kaniya dahil hindi ako sumahod ng buwan na iyon. Ang babaw niya, 'di ba? Akala mo ay napakalaki ng utang ko sa kaniya!

Nagkaroon kasi ng problema sa accounting ng company kung saan ako nagtatrabaho bilang clerk. Saka hindi ko na rin gusto ang mga estudyanteng kasama ko sa boarding house. Maiingay lalo na sa gabi kung kailan ako matutulog. Kesa sa makasapak ako ng maiingay na bunganga ay umalis na lang ako.

Atleast, ngayong nasa apartment na ako ay mag-isa na ako. Wala na akong ka-share. Kung magkakaroon man ay makakapili ako. Unlike sa boarding house na kung sino na lang ang ipasok ng landlady kapag merong bakante.

Dalawang araw pa lang ako dito. Nasa second floor ang aking unit.

Maaga akong nagigising dahil maaga ang pasok ko. Eight o’clock ay dapat nasa office na ako. Medyo mahaba ang biyahe. Isang oras siguro. Mas tatagal pa kung traffic. E, mabagal ako kumilos kaya inaagahan ko ang gising para hindi ako ma-late.

Ala-singko ay gising na ako. Nagkakape na ako niyan. Kaunting exercise tapos maliligo na. Matagal ako maligo. Pero mas matagal sa paglalagay ng make up. May crush kasi ako sa office kaya dapat ay maganda ako palagi.

“Magandang gabi, Karen!” bati sa akin ng landlady ko sa apartment. Medyo bata pa siya. Siguro ay nasa thirty pa lang. Maaliwalas ang mukha at mukhang mabait.

“Good evening din po, ate!” Naka-smile kong bati. Kakauwi ko lang mula sa work at sinalubong niya ako ng bati nang pumasok ako sa gate. O, 'di ba? Ang bait niya!

“Ang ganda mo ngayon!” Puri niya.

“Ito naman si ate! Ako lang ito, ha!” biro ko.

Dumiretso na ako sa second floor at pumasok sa unit ko matapos akong bolahin ng aking landlady. Binuksan ang medyo malaking bintana. Favorite spot ko ang tabi ng bintana. Dito din ako nagkakape sa umaga habang nakamasid sa labas.

------ooo-----

GAYA ng nakasanayan ay nagtimpla ako ng kape pagkagising ko ng ala-singko ng umaga. Dumungaw ako sa bintana. Napatingin ako sa bahay na katapat ng apartment building na kinaroroonan ko. To be honest, ngayon ko lang nabigyan ng pansin ang bahay na iyon. Two-storey house at ang akala ko ay walang nakatira. Patay kasi palagi ang ilaw doon kahit gabi.

Pero iba ng umagang ito. Bukas ang ilaw sa isang kwarto sa itaas at may isang babaeng sa hula ko ay matanda na ang nakadungaw.

Kulay itim ang buhok niya na mukhang mahaba. Pati ang suot niyang blouse ay itim din.

Kumaway siya sa akin. Siyempre, kumaway din ako at baka sabihin ay maldita ako.

Natapos ako sa pagkakape nang hindi umaalis ang babae sa bintana. Ewan ko kung nakatingin ba siya sa akin o nakadungaw lang siya kagaya ko. Nakakailang tuloy dahil feeling ko ay pinapanood niya ako.

Nang sumunod na umaga ay nakita ko na naman ang babaeng nakasuot ng itim sa bintana sa katapat na bahay. Kumaway na naman siya sa akin na ginantihan ko din ng kaway. Awkward kasi hindi ko siya kilala. Tuwing ganitong oras ko lang siya nakikita.

Medyo… weird na. Ako kasi, kung hindi ko kakilala ang isang tao ay hindi ko iyon kakawayan.

Gaya kahapon ay nasa bintana pa rin siya. Kumaway siya ng matagal sa akin. Tapos mabagal pa paggalaw ng kamay niya. This time ay parang nakangiti na siya. Parang nakikita ko na ang ngipin niya, e. Kahit napipilitan ay kinawayan ko pa rin siya. Hindi ko pa tapos ang kape ko pero umalis na ako sa bintana.

Pagbaba ko ng apartment unit ko para pumasok na sa trabaho ay naabutan kong nagwawalis sa harapan ang aming landlady. Naisip kong tanungin sa kaniya iyong babaeng nakatira sa bahay sa tapat namin.

“Ate, may itatanong pala ako,” panimula ko.

“Ano iyon, Karen?” Tuloy lang siya sa pagwawalis.

“Kilala niyo po ba 'yong babaeng nakatira diyang sa bahay sa tapat?”

Napahinto siya sa pagwawalis. Kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. “S-sinong babae, Karen? Nakasuot ba siya ng kulay itim at mahaba ang buhok?”

“Opo, ate. Tuwing gigising ako ng umaga at nasa bintana ako ay nakikita ko siya. Kinakawayan pa nga niya ako, e.”

“H-hindi bahay ang nasa tapat natin kundi abandonadong apartment!”

“Abandonado? E, may tao nga po—”

“Hindi tao ang kumakaway sa iyo kundi kaluluwa ng isang taong matagal nang namatay! Kilala ko ang tinutukoy mo. Si Roma. Pinatay siya ng nobyo niya sa apartment unit niya ilang taon na ang nakakalipas.”

“Ate, 'wag ka namang magbiro ng ganiyan!” Mahina akong tumatawa pero sa loob ko ay natatakot na ako.

“Hindi ako nagbibiro. Inabandona na ng may-ari ang apartment sa tapat natin dahil walang tenant na tumatagal. Palaging ginagambala ng hindi matahimik na kaluluwa ni Roma ang mga umuupa! Simula ng wala nang tumira diyan ay ang mga tao sa labas ang ginagambala ng kaluluwa ni Roma. Kumakaway siya mula sa bintana. At may nakapagsabi na kapag kinawayan ka niya ay huwag kang gaganti ng kaway. Magiging daan iyon para magkaroon siya ng koneksiyon sa iyo! Magkakaroon na siya ng kakayahan na lapitan ka at gambalain dahil pinansin mo na siya. 'Kaya ikaw, Karen, kahit anong kaway sa iyo ni Roma ay huwag na huwag kang kakaway!”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ng aming landlady. Ngunit habang nagsasalita siya ay nararamdaman ako na meron akong katabi. Nakangiti siya ng malaki habang may mga salitang ibinubulong sa aking tenga…






THE END

100 Tales Of HorrorМесто, где живут истории. Откройте их для себя