STORY #48: Unfound

3.5K 274 35
                                    

DEDICATED TO: Yanchanme (Ariane)

DEDICATED TO: Yanchanme (Ariane)

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.







NAKITA ko ang isang babae at isang lalaki na estudyante sa school kung saan ako nag-aaral na papalapit sa lugar na paborito kong tambayan. Likuran iyon ng isang classroom na hindi na ginagamit dahil kinain na ng anay ang maraming bahagi. Luma na kasi ang classroom na iyon tapos karamihan sa dingding ay yari sa kahoy. Sa likod ay medyo mataas at makapal ang damo. May balon na sa sobrang lalim ay hindi mo na makikita ang pinaka ilalim kung dudungaw ka.

Ako nga pala si Ariane. Grade 10 na ako sa paaralan na ito at isa ako sa pinakamagagandang student dito. Yes, promise. Walang halong ka-echosan!

"Sure ka ba na walang makakakita sa atin dito, babe?" tanong ng babae. Mukhang kinakabahan.

"Wala, babe. Walang nagpupunta dito," tugon ng lalaki. Nakaupo ako sa gilid ng balon at nakatingin sa dalawa.

"Pero paano kung may biglang pumunta, babe?"

"Uwian na kaya, babe. Saka bibilisan lang natin."

"Kinakabahan ako, babe."

"Ano ka ba, babe? Ngayon ka pa ba aatras? Ito na ang perfect time na hinihintay natin."

Ngumuso ang babae. "Natatakot din ako na baka... mabuntis ako, babe. Papanagutan mo ba ako, babe?" Pabebeng sabi ng babae. Nakakairita ang kaartehan niya.

"Oo naman, babe. Papanagutan kita. Promise!"

"Okay, babe..."

Hashtag marupok.

Nanlaki ang mata ko nang isinandal ng lalaki ang babae sa tabi ng classroom at naghalikan sila. Itinaas ng lalaki ang palda ng babae sabay baba ng kaniyang pantalon. Naghalikan ulit sila ng matindi.

"Wait, wait, babe!" Medyo itinulak ni girl ang lalaki. Suminghot-singhot siya.

"Bakit?"

"Parang... parang ang baho, babe." Muntik pang maduwal ang babae.

"Wala naman, a!"

"Suminghot ka kasi, babe!"

Sinunod ng lalaki ang babae. "'Tang ina! Oo nga! Ang baho!" Muntik na rin itong mapasuka.

"Nawalan na ako ng gana, babe. Ayoko na! Tara na!" Paduwal-duwal na umalis ang dalawa.

Ako ba ang naamoy nila? Inamoy ko ang sarili ko. Ako pa ba? Si Ariane? E, palagi akong may baon na cologne sa bag ko everytime na pumasok ako sa school!

Kanina nang nakatambay ako dito ay may pumuntang janitor. Susunugin niya sana iyong mga basura pero umalis din siya kasi ang baho daw.

Haaay... Kung matatagpuan na kasi ang katawan kong nabubulok sa loob ng balon ay wala na sana silang maaamoy na mabaho. Halos isang linggo na rin kasi ang nakakalipas nang aksidente akong mahulog sa balon nang umupo ako sa gilid.

Sana ay makita na nila ako.

Ayoko na dito.








THE END

100 Tales Of HorrorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum