STORY #25: Lockdown Diary

4.5K 331 117
                                    

DEDICATED TO: TheHorrorFanBoy (Toto)

DEDICATED TO: TheHorrorFanBoy (Toto)

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

DAY 1
My name is Toto. First day ng lockdown sa buong Pilipinas dahil sa COVID-19. Bawal ang lumabas ng bahay. Kahapon ay binigyan ang mga tao ng chance para makapag-grocery o bumili ng mga kailangan nila. Magbibigay naman daw ng ayuda gaya ng mga bigas at pang-ulam ang gobyerno. Hindi na rin ako umaasa sa ayuda na sinasabi nila. Saka marami din akong stocks ng pagkain dito sa aking condo unit. Masaya din ako na kasama kong na-lockdown ang ang aking girlfriend sa aking unit dahil may kasama ako. Kung wala ay baka masiraan na ako ng ulo ngayon pa lang. Ang swerte ko dahil sa girlfriend ko.

DAY 7
May nagbigay ng grocery sa amin. Three kilos of rice, dalawang delata. Isang sardina at corned beef, isang dosenang itlog at dalawang pakete ng instant noodles. Itinabi pa rin namin ng girlfriend ko kahit hindi kami kumakain ng ganoong brand. Marami pang laman ang ref. Wala kaming ginawa maghapon kundi ang matulog, magharutan at mag-Netflix. Nakakatuwa kasi pwede daw huwag munang magbayad ng bills dahil sa lockdown at pandemic. Sana ay magtagal pa ito.

DAY 13
Nag-away kami ng girlfriend ko. Inubos ko kasi iyong paborito niyang SPAM fried rice. Kaya ang ginawa ko ay ipinagluto ko siya ng creamy carbonara. Nagustuhan niya. Thanks to Youtube. Natuto akong magluto niyon. Lockdown pa rin. May dumatin ulit na grocery kanina mula sa gobyerno. Puro tungkol sa virus at ang mabilis nitong pagkalat ang balita sa TV. Puro negative. Mabuti na lang at kasama ko ang girlfriend ko. I am so lucky. Sana ay tumagal pa itong lockdown.

DAY 30
One month na ang lockdown. Wala pa ring vaccine hanggang ngayon. Nang magtapon ako kanina ng basura sa ibaba ay narinig ko ang usapan ng dalawang gwardiya. May nag-positive daw sa COVID-19 sa building na ito. Mag-asawa. Walang travel history at hindi rin lumalabas ng bahay. Inisip ko, baka mahina ang immune system nila. 'Buti na lang at palagi akong pinapainom ng girlfriend ko ng vitamins kaya hindi siguro ako tatamaan ng virus na iyan. Ako pa ba? Si Toto—malakas yata ito. Chineck ko ang bank account ko sa app. Six digits ang laman. Ang swerte ko. Sana ay tumagal pa itong lockdown. Masarap ang buhay na nasa bahay ka lang.

DAY 79
Lahat na yata ng series at movies sa Netflix ay napanood na namin ng girlfriend ko. Mahigit dalawang buwan na ang lockdown. Ganoon pa rin. Walang vaccine at patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Hindi na yata ito matatapos. Bawal pa rin lumabas. Sarado pa rin ang mga malls at iba’t ibang lugar na dati ay pinupuntahan ng mga tao. Sa Facebook, puro pagsisisihan ang nakikita ko kaya nag-deactivate muna ako. Dito na lang muna ako sa aking notebook na ginawa ko nang diary. Atleast, dito, wala akong kaaway. Speaking of away, nag-away kami ng girlfriend ko kanina. Ewan. May dalaw yata. Ang init ng ulo. Gustong umuwi sa kanila. E, lockdown nga. Kapag lumabas siya ay huhulihin siya ng mga militar. Nilambing ko na lang hanggang sa lumamig ang ulo. After ng lambingan ay nakangiti na ulit. Ang sarap ng ganito. Pakiramdam ko ay magtatagal pa ito. Sana nga…

DAY 100
Marami na ang nabawas na pagkain sa ref at sa cabinet. Ang bigas ay kakaunti na lang din. May dumating na ayuda kahapon pero dalawang kilong bigas na lang. Maya’t maya ang pagkawala ng power kaya ang init. Nakaka-miss na rin ang lumabas. Madalas na kaming nag-aaway ng girlfriend ko. Kahit maliit na bagay ay pinag-aawayan namin. Gaya ng kung ano ang uulamin, bakit hindi ko binabaliktad ang shampoo sa banyo kapag kaunti na at kung anu-ano pang mababaw na bagay. Pero kahit ganoon ay maswerte pa rin ako na kasama ko siya. Magtatagal pa kaya itong lockdown? Sana… Confident ako dahil may pera pa ako sa banko.

DAY 290
Tatlong araw na walang power. Nabulok ang lahat ng karne sa ref namin. Ang pwede na lang naming kainin ay ang mga gulay na lanta na. Pero hindi na namin iyon maluluto dahil ubos na ang gas. Wala nang apoy sa lutuan. Isang linggo nang walang nagbibigay ng ayuda. Wala nang balita sa TV. Hindi na namin alam ang nangyayari sa labas. Sa Facebook, mas lalong nagkakagulo ang mga tao. Marami na ang namamatay sa gutom at virus. Sana ay magkaroon na ng lunas ang COVID-19. Ngunit maswerte pa rin ako na may kasama ako dito sa unit ko. Kailan kaya ito matatapos?

DAY 376
Mahigit isang taon na ang lockdown dahil sa mas matindi na ang virus. Merong namamatay agad kapag tinamaan o nahawaan. Depende siguro sa katawan ng isang tao kung paano nito tatanggapin ang virus. Meron na daw vaccine pero itinatago lang. Sa loob ng isang taon ay pumalo na sa mahigit isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Tipid na tipid kami sa pagkain. Isang beses na lang kami kumakain sa isang araw. Madalang pa sa patak ng ulan sa summer ang ayuda. Iyong gas stove namin dito ay ki-nonvert ko para maging kalan na ang gatong ay uling. May nagbebenta sa ibaba ng uling, e. Habang isinusulat ko ito ay nakatulala ang girlfriend ko habang nakatingin sa bintana. Nami-miss na daw niyang mag-samgyupsal at mag-milk tea. Nagsasawa na raw siya sa pagmumukha ko. Ang swerte niya kaya na si Toto ang boyfriend niya.

DAY 400
Isinarado ang ika-anim na floor dito sa building. Lahat daw ng nakatira doon ay merong virus. Lahat ay naka-home quarantine dahil wala nang mapaglagyan sa mga ospital. Puno na. Ang iba ay nagsarado na lalo na ang mga private hospitals. Nagkaroon ng kuryente kahapon pero saglit lang. Sapat na para ma-full charge ang mga cellphone namin. Nakita ko sa Facebook na malapit nang magdalawang milyon ang kaso dito sa Pilipinas.

DAY 437
Nakakatakot. Kahapon ay nag-test ng vaccine para sa COVID-19 sa China. Sampung tao na infected ng COVID-19 ang tinurukan ng vaccine pero kakaiba ang naging reaksiyon niyon sa mga ito. Naging bayolente sila. Nang-atake ng ibang tao. Nangangagat. Mukhang hindi maganda ang reaction ng vaccine sa tao. Magkakaroon na ba ng zombies? Huwag naman sana. Sana ay matapos na ito dahil wala na kaming makain ng girlfriend ko.

DAY 500
Tatlong araw nang puro tubig ang inilalaman namin ng girlfriend ko sa aming tiyan. Nakahiga na lang kami nang madalas dahil nanghihina na kami. Wala nang pagkain. Mas magulo na ngayon sa labas. May mga taong lumalabas at nagnanakaw ng pagkain. Walang awa silang binabaril ng mga militar. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa itong lockdown pero sana ay matapos na…

DAY 538
Isang linggo nang hindi nawawalan ng kuryente dito sa building namin. Salamat naman. Pero wala na kaming pagkain. Wala nang tubig na tumutulo sa gripo. Malaki na ang ibinagsak ng katawan namin ng aking girlfriend. Nanginginig na rin ang kamay ko habang nagsusulat. Nakita ko ang girlfriend ko na nakahiga sa kama. Tinawag niya ako: “Toto, gusto ko ng samgyupsal. Nagugutom na ako…” Paos ang boses niya. Laway na lang ang bumabasa sa aming bunganga at lalamunan.

DAY 540
Nabalitaan ko sa Facebook na umabot na sa kalapit na bansa ng China ang zombie outbreak dahil sa vaccine na inakalang gamot sa virus. Nakakatakot na baka pati dito sa Pilipinas ay makarating iyon. Ang sabi, kahit sa mga ibon ay kumakapit ang mutated na version ng virus. Kaya may chance na makalabas talaga sa China ang mutated virus. Tiningnan ko ang girlfriend ko na nakahiga sa sahig. Tumatawa siya mag-isa. Nababaliw na yata. Nag-iimagine na may kinakain siyang lechon.

DAY 600
Puno na ng laman ang freezer ng aking ref. Puro karne. Mabuti na lang at hindi na nawawalan ng pagkain. May tubig sa gripo pero kulay kalawang. Ayos na iyon kesa wala. Hanggang dito na lang muna. Lilinisin ko pa ang dugo sa sahig.

Sana ay matapos na ito. Gusto ko nang matapos itong lockdown. Natatakot ako na baka kapag nagutom na naman ako at walang makain ay isunod ko iyong nag-iisang babae na nakatira sa katapat ng unit ko.

Sana ay matapos na ito…

THE END

100 Tales Of HorrorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum