STORY #01: Glory Hole

18.7K 728 570
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







“'ETO na ang susi para sa unit mo, Earl.” Nakangiting inabot sa akin ng mataba at matandang landlady ng apartment na iyon ang dalawang susi. Isa ay para sa unit ko at isa ay para sa gate.

Pagkaalis niya ay isa-isa ko nang inilabas sa kahon ang iilang gamit na dala ko. New apartment, new life! Siguro naman ay hindi na ako masusundan dito ng taong pinagtataguan ko. Mabuti na lang din at home-based ang work ko bilang online tutor sa mga batang Japanese kaya kahit magpalipat-lipat ako ng tirahan ay ayos lang.

Inabot na ako ng gabi sa pag-aayos ng aking mga gamit. Saka ko lang si-net-up ang pocket wifi at desktop computer ko para sa aking trabaho.

Sakto lang ang laki ng studio-type apartment na ito. May single bed na sa kaliwa ay may bintana. May sariling banyo. Iyong computer ay inilagay ko malapit sa kama. Ang hindi ko lang gusto ay ang wallpaper na ang design ay kulay pink tapos may mga petals ng bulaklak. Babae daw kasi ang huling umupa doon at iyon ang naglagay ng wallpaper.

Wala na akong balak na palitan iyon. 'Di rin naman ako magtatagal dito, e.

Sa pagsapit ng gabi, pagkatapos kong magtrabaho ay kumuha ako ng isang bote ng beer sa mini ref. Pampaantok lang. Umupo ako sa pang-isahang upuan sa harap ng telebisyon.

Pagkabukas ng TV ay may narinig akong parang kumatok mula sa kabilang unit. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalam ko ay yari sa semento ang dingding. Pero ang tunog ng pagkatok ay parang tunog ng kahoy.

Binitawan ko muna ang beer at remote. Idinikit ko ang tenga sa dingding na nasa kanan ng kama. Doon ko narinig ang pagkatok. Kumatok ako ng isa at doon ko na-realize na hindi semento ang parteng iyon ng dingding. Sa tingin ko ay parang makapal na plywood lang.

May nakita akong parte ng wallpaper sa dingding na iyon na nakaangat. Halos katapat lang ng pusod ko. Mababa lang ng kaunti.

Out of curiosity ay pinilas ko ang nakaangat na wallpaper. Isang bilog na butas na kasinglaki ng lata ng sardinas pala ang nasa ilalim ng wallpaper sa parteng iyon. Sumilip ako. Nakita ko ang kabilang unit. May mga gamit at bukas ang ilaw. Kung ganoon ay merong umuupa doon.

Babawiin ko na sana ang mata ko dahil baka mahuli ako ng nakatira doon pero hindi ko nagawa dahil may nakita akong babaeng naglalakad palapit sa butas. Ang ibabang bahagi ng katawan niya lang ang nakikita ko sa butas. Akala mo ay merong magnet ang babae at hindi ko maialis ang mata ko sa butas.

Nang malapit na malapit na siya sa butas ay doon ko lang inalis ang mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik na ako do’n, a!

“Ilagay mo sa butas ang titi mo…” Isang mapang-akit at malamyos na boses ng isang babae ang narinig ko sa kabilang unit.

“Sige na. Kaya kitang paligayahin.”

Pinagpawisan ako ng malapot. Sa pagsilip ko sa butas ay nakita ko ang labi niyang may kulay pulang lipstick. Ang ganda ng hugis ng lips niya.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now