AUTHOR'S NOTE

5.3K 327 25
                                    

Hello, guys! Nasa third Friday night na tayo ng 100 TALES OF HORROR at gusto kong mag-thank you sa mga nagbabasa ng stories na inilalagay ko dito...

Sa mga nagsasabi po ng BITIN, ganoon po talaga. Short stories lang po kasi ito. Saka connected po ang ibang stories dito kaya bitin talaga kasi yung maiiwan na question sa isang story ay pwedeng masagot sa ibang story.

Sa mga nagrereklamo naman po kung bakit di ko sila napipili na maging character... Pasensiya na. Medyo marami ang nagko-comment at hindi lahat ay kaya kong piliin. Minsan, kapag yung comment ay nakita kong binasa talaga ay yun ang napipili ko. Or mas madalas na random lang talaga.

Kaya wag sana kayong magtatampo kasi imposibleng mapili ko kayong lahat. Pero sana ay magpatuloy pa rin kayong magbasa kasi hindi ako titigil hangga't hindi nakukumpleto ang isandaang kwento.

At kung sakali man po na mapili ko kayo ay wag naman po sana kayong magtatampo kung sa sobrang ikling story ko kayo nailagay...

Maraming salamat sa pang-unawa at pagsuporta!

-Kuya Soju

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now