STORY #68: When He Saw My Face

3.2K 233 57
                                    

DEDICATED TO: MaeCarpio3 (Rodna Mae)

DEDICATED TO: MaeCarpio3 (Rodna Mae)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






HINDI ako makapaniwala na sobrang gwapo ng lalaking naka-meet ko kahapon ng umaga. Mukha siyang Brazilian model pero nagsasalita ng Tagalog. Matangkad, maganda ang katawan at kulay brown ang mata!

Akala ko talaga ay poser siya kasi ang gwapo ng pictures niya. Nag-alangan pa akong makipag-meet kasi baka kapag nakita ko siya in person ay malalaman kong chaka pala siya! Pero I was wrong. Ang gwapo niya!!! Grabe!!! Laglag ang panty at bahay-bata ko sa kaniya. Ang bango-bango pa niya. Isang bote yata ng pabango ang inubos niya bago nakipag-meet sa akin.

Hmm… Nagpapa-impress ba siya sa akin?

Ayokong umasa, ha!

Nakasuot siya ng white polo shirt at black pants. Pati ang shoes niya ay black din. Sa likod niya ay may nakasukbit na bag na pahaba. Hindi ko alam ang laman. Siguro ay kung ano lang. Baka engineer siya or architect tapos nandoon iyong mga gamit niya sa work niya.

Nag-meet kami sa isang restaurant sa loob ng mall. Sabi kasi nila, kapag makikipag-meet ka sa taong nakilala mo online ay sa public place kayo unang magkita. Iyong maraming tao para kung may gagawin siyang masama ay mag-aalangan siya. Pero sa gwapo ng ka-meet ko ay parang gusto kong may gawin siyang masama sa akin! Char lang! Dapat ay dalagang Pilipina pa rin. Hinhin-hinhinan muna.

At hindi lang siya gwapo at mabango kundi galante rin. Aba, siya ang nagbayad ng kinain namin worth two thousand pesos. Ang dami nga naming natira na food at gusto kong ipabalot kaya lang nahiya na ako.

After namin mag-lunch ay namasyal muna kami sa mall. Ibinili niya ako ng isang dress na sexy ang style. Kulay red.

“Sa tingin ko ay bagay sa iyo ang pula, Rodna…” sabi pa niya sa akin na talagang nagpakilig sa akin. Ang ganda din kasi ng boses niya. Buo. Lalaking-lalaki. Pang-romansa kumbaga.

Nanood din kami ng movie sa sinehan. Pagkatapos ng pelikula ay madilim na sa labas. Nag-take out kami sa isang fastfood restaurant at inaya niya ako na mag-check in sa isang hotel.

“Anong gagawin natin sa hotel?” Mahinhin kong tanong.

“Gusto sana kitang makilala pa ng husto, Rodna Mae.” Mas kinilig ako dahil sinabi niya ng buo ang aking first name.

Wait. Ganoon ba talaga kapag gustong makilala? Sa hotel talaga? 'Di ba, pwedeng sa coffee shop? Hmm… I smell something fishy!

“Okay. Ako din naman, e. I want to know you better!” Itinago ko ang kilig at baka isipin niya na easy girl ako, 'no.

May car pala siya na naka-park sa parking lot ng mall. Sumakay kami doon at dinala niya ako sa isang hotel na medyo tago ang location. Pumasok pa kasi kami ng mahabang kalsada bago kami nakarating doon. Hindi ko nga alam na meron palang hotel doon.

Tahimik sa lobby. Ang tao lang ay ang babaeng receptionist. Umakyat na agad kami dahil doon pala siya naka-stay.

Sa elevator ay kinakabahan ako. Ano ba kasi ang gagawin namin dito?

Hala! Inosente ka, girl?!

Okay. May idea ako pero ayokong umasa.

Thirteenth floor. Bumaba kami ng elevator. Naglakad ng kaunti hanggang sa marating na namin ang kaniyang hotel room.

Room number 1313.

Wow, ha. Nice number.

Ako ang pinauna niyang pumasok matapos niyang buksan ang pinto. Ang gentleman!

May kaguluhan ang kwarto niya, ha. Nagkalat ang mga damit niya sa sahig. May dalawang pares ng rubber shoes malapit sa patungan ng flat screen TV. Wala sa ayos ang bedsheet. Pero kahit ganoon ay hindi iyon nakabawas ng kagwapuhan niya para sa akin. Okay lang. Kapag jinowa niya ako ay ako na ang mag-aayos ng gulo at kalat niya.

Inilapag na namin ang mga pagkain na in-order namin kanina. Inaayos ko na iyon nang hilahin niya ako sa kamay at iniupo sa ibabaw ng kama. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan nang maigi ang aking mukha.

“Bakit? May problema ba?” Nagtatakang tanong ko.

Umiling sila. “Wala, Rodna Mae. Gusto ko lamang makita ng malapitan ang iyong mukha.” Hinaplos niya ang aking kanang pisngi.

Iyong uri ng titig niya sa akin ay para bang gandang-ganda siya sa akin. Well, maganda naman talaga ko.

“Nakakahiya. Magaspang yata ang pisngi ko—”

“I will be the happiest man when I saw your face…” sabi niya sa malalim at seryosong boses.

Teka. Parang mali ang grammar niya.

Will be?

Bakit ‘will be’? Nakita na niya ako, 'di ba?

Dapat yata ay ganito: I am the happiest man when I saw your face.

Tama ba?

Naku, ha. Mali ang grammar niya.

Pero okay lang. Kaya kong palampasin iyon. Gwapo naman siya, e!

Makalipas ang ilang sandali ay nalaman kong tama pala ang grammar niya. Iyon ay nang ilabas niya ang isang makalawang na lagari sa bag na nasa likuran niya kanina pa. Dahil kitang-kita ko ang walang kapantay na ligaya niya habang nilalagari niya ang aking mukha gamit iyon…

Dama ko ang paghiwa ng hindi pantay na mga talim ng lagari sa aking mukha habang tumatagos iyon sa aking balat habang naririnig ko ang malakas niyang pagtawa.

Tama nga ang kaniyang sinabi. Siya ang pinaka masayang lalaki when he saw my face…





THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now