STORY #42: The Adopted

3.8K 289 60
                                    

DEDICATED TO: SherleneSoledad (Sherlene)


DEDICATED TO: SherleneSoledad (Sherlene)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




“SHERLENE, meet your new baby brother—Markus!”

Sumimangot ako nang ipakilala sa akin ni mommy ang batang lalaki na inampon nila mula sa isang bahay-ampunan. Payat at medyo maliit ang bata na may malalaking mata at makapal na kilay. Sa pagkakaalam ko ay eight years old pa lang siya.

Hindi ko maintindihan sa parents ko kung bakit kailangan pa nilang mag-ampon, e, nandito naman ako. Tunay pa nila akong anak. Tutol kasi talaga ako sa pag-aampon nilang iyan. Biruin ninyo, mag-aalaga sila ng isang bata na hindi namin kadugo at wala kaming idea sa pinanggalingan. Pero wala na akong magagawa dahil tinuloy pa rin nila ang gusto nila.

Hindi ako umimik at padabog akong nagpunta sa aking kwarto. Masama ang loob na dumapa ako sa ibabaw ng kama. Rumehistro sa utak ko ang mukha ni Markus. Mas lalo akong nainis dahil mainit kaagad ang dugo ko sa kaniya.

Hindi ko siya gusto na maging kapatid!

Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto.

“Sherlene, alam ko na nagtatampo ka dahil itinuloy namin ang pag-aampon,” boses iyon ni mommy. Umupo siya sa gilid ng aking bed. Hindi ko siya sinagot. “Naisip kasi namin ng daddy mo na aalis ka na next month dahil sa Manila ka na mag-aaral ng college, right? Ang gusto sana namin ay may kasama kami dito na ituturing namin na anak. Malulungkot kasi kami kapag umalis ka na.”

“Pero kahit na! Feeling ko tuloy ay hindi na ako only child ninyo!” Pagtatampo ko.

“Ikaw pa rin ang nag-iisa naming anak. Si Markus ay dagdag lang sa pamilya natin—”

Bigla akong tumihaya sabay upo. “I don’t like him, mommy! Unang tingin pa lang ay mainit na ang dugo ko sa Markus na iyon. Kung gusto niyo siyang maging part ng family natin ay kayo na lang. Pero ako? Hindi ko siya kayang ituring na kaptid ko!” Mariin kong sabi.

-----ooo-----

THE next day, pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay napasigaw ako sa gulat dahil nakatayo sa harapan niyon si Markus.

“What the—anong ginagawa mo diyan?!” Feeling ko ay matagal na siya doong nakatayo na para bang hinihintay niya talaga ang paglabas ko.

“Laro tayo, Ate Sherlene.” Nag-smile siya. Ang creepy ng ngiti niya.

“Ayoko! Hindi na ako bata para maglaro. At saka pwede ba huwag mo akong tinatawag na ate! Hindi tayo magkapatid. Ampon ka lang!” Mataray kong sabi sa kaniya.

“Pero ang sabi nina mommy at daddy ay tawagin kitang ate.”

“Ayoko, sabi! Kapag tinawag mo pa ako ng ganiyan ay sasaktan na talaga kita!”

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now