STORY #10: Talking Doll

6.3K 365 88
                                    

DEDICATED TO: kuyacris (Christopher)

DEDICATED TO: kuyacris (Christopher)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







FINALLY! Nakauwi na rin ako sa bahay. Kakagaling ko lang sa 16-hour duty sa ospital kung saan ako nagtatrabaho bilang isang ward nurse. Isang buwan nang ganito palagi ang pasok ko. Kulang na kasi kami sa nurses. Hindi ko alam pero isa-isang nagre-resign ang nurse sa ospital na iyon. Siguro, nakakahanap sila ng ospital na nagpapa-sweldo ng mas malaki o kaya nag-a-abroad iyong iba.

Bahala sila. Hindi ko naman kasi kailangan ng malaking sahod. May kaya ang pamilya ko kaya hindi ko masyadong magpakasubsob sa trabaho. Ang gusto ko talaga ay makatulong sa aking kapwa sa pamamagitan ng pagiging nurse.

Madilim pa nang ako ay umalis ng bahay. Five ng umaga. Tapos nakauwi ako ng madilim pa rin. Eleven ng gabi na ngayon. Antok na antok na ako.

Pagpasok ko sa salas ay naabutan ko ang mommy ko. Eksaktong kakapatay lang niya ng TV.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

“Nagugutom ka ba, Christopher? Ipaghain kita,” sabi ni mommy.

“Hindi na po. Busog pa ako, mommy. Iinom na lang ako ng gatas. Kayo po ba? Aakyat na sa taas?” Nahagip ng mata ko ang isang porcelain doll na nakaupo sa pang-isahang upuan. Bigla tuloy akong napatingin sa manika.

Nakasuot iyon ng isang kulay dark green na dress. Ang buhok ay kulay brown na may malalaking kulot. Siguro ay two feet ang taas niyon. Medyo malaki. Tapos iyong mata ay malalaki na para bang palaging nakatingin sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay Victorian porcelain doll ang tawag sa ganoong manika. Nagkokolekta kasi ng dolls ang nag-iisa kong kapatid na babae. Meron siyang isang kwarto kung saan nakalagay lahat ng manika niya.

“Actually, aakyat na ako sa taas. Kaya mo na bang ikaw na ang magtimpla ng gatas mo?”

“Yes, mommy. Magpahinga na po kayo.” Itinuro ko ang manika. “Kay bunso ba iyon?”

Tiningnan ni mommy ang manika. “Oo. Dagdag daw niya sa collection niya. Naiwanan siguro nang umakyat sa room niya. Ewan ko ba sa kapatid mo, Christopher. Bili pa nang bili ng manika, e, ang dami na niya niyan.” Iiling-iling na turan ni mommy.

Medyo natawa ako. “Hayaan mo na po. Kesa sa boys ang inaatupag, okay nang manika muna.”

Nagpaalam na si mommy sa akin. Pagkaakyat niya sa kwarto nila ni daddy ay inilapag ko ang bag sa sofa. Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Habang kumukuha ako ng baso ay may narinig akong parang mabilis na tumakbo sa salas na sinasabayan ng matinis na paghagikhik. Akala mo ay isang batang babae.

Kumunot ang aking noo. Walang tao sa salas. Maliban na lang kung hindi ko napansin na bumaba ang bunso kong kapatid para kunin iyong manika niya. Pero bakit kailangan pa niyang tumakbo at tumawa na akala mo ay duwende.

“Bunso, tinatakot mo ba ako? Sorry. Sanay na ako sa ganiyan!” Tawa ko. Walang sumagot.

After magtimpla ng gatas ay umalis na ako ng kusina. Sa kwarto ko na sa itaas iinumin itong gatas. Paakyat na sana ako sa hagdan nang makita ko pa rin iyong porcelain doll sa upuan. Mukhang hindi nagalaw kaya nakakapagtaka. Ang akala ko ay bumaba ang bunso kong kapatid para kunin iyon dahil sa yabag at tawa na narinig ko kanina.

'Di ko alam pero parang may kung anong energy na humila sa akin papunta sa manika. Inilapag ko muna ang gatas sa center table. Dinampot ko ang manika at tiningnan iyon nang mabuti.

“Hello! My name is Belladonna! I want to play hide and seek!”

“Whoa!” Muntik ko nang bitawan ang manika nang bigla na lang iyong nagsalita. Hindi ko naman kasi alam na talking doll pala ito.

Tiningnan ko tuloy ang nahawakan kong parte niya at baka may napindot ako kaya bigla siyang nagsalita. Wala akong nakita. O baka may sensor or something itong manikang ito.

Kung ganoon, ang astig nitong doll na ito. Mukha luma pero high tech!

“Please play with me! My name is Belladonna!”

Natigilan ako nang marinig ko sa pangalawang pagkakataon ang pagsasalita ng manika. Katunog niya iyong narinig kong hagikhik nang nasa kusina ako kanina. Katimbre niya, e. matinis na akala mo ay isang batang babae. Ganoon na ganoon.

Pero parang imposible naman 'yon. Ano 'to? Siya rin ang tumakbo? Mukhang hindi naman ito walking doll.

Ibinaba ko na ang manika sa upuan. Kinuha ko na ang gatas at nang paakyat na ako sa hagdan ay nagsalita na naman siya. “I want to play! Play! Play! Play! Hide! And! Seek!” Kinilabutan ako dahil parang may isang halimaw na sumasabay sa pagsasalita ng manikang si Belladonna. Para na itong nagwawala at nagagalit.

May kaunting takot na tiningnan ko ang manika nang halos isang minuto. Hindi na siya nagsalita. Pagod at antok lang siguro ako kaya kung anu-ano na ang naririnig ko.

Inalog ko nang kaunti ang aking ulo at tuluyan nang umakyat sa itaas…

-----ooo-----

THE next day. Late na akong nagising. Rest day ko kasi. Pagbaba ko ay eleven na ng umaga. Naabutan ko ang kapatid ko na nakasalampak sa sahig sa salas habang sinusuklayan ang porcelain doll na nakita ko kagabi.

“Ayos 'yang doll mo, a. Astig!” sabi ko sa kaniya.

“Right, kuya! Nabili ko ito kahapon doon sa bagong bukas na antique shop sa labas ng subdivision. Ang sabi sa akin no’ng owner ng shop ay 1940 pa itong Victorian porcelain doll na ito.”

“Talaga? Nakakagawa na ba ng talking doll ng ganoong panahon?”

“Ha? Bakit mo naitanong, Kuya Christopher?”

“Gawa ng doll na iyan. 'Di ba, talking doll iyan?”

Natawa ang kapatid ko. “Talking doll? Hindi ito talking doll, kuya! Normal na porcelain doll lang ito. Ano bang pinagsasabi mo diyan?”
Bigla akong nanlamig. Kung nagbibiro lang ang kapatid ko ay hindi iyon nakakatawa. “Pero, kagabi, nagsalita iyan! Gusto niyang makipaglaro ng—”

“Kuya, baka nananaginip ka lang. Hindi magsasalita si Belladonna dahil hindi siya talking doll.” Tumayo na ang kapatid ko at niyakap si Belladonna. “I’ll just go to my room with my new doll. Bye, kuya!”

Tuluyang gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Kung hindi talking doll si Belladonna, bakit narinig ko siyang nagsasalita kagabi?






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now