STORY #54: Smudge

3.5K 249 68
                                    

DEDICATED TO: Evangelista143 (Janella)

DEDICATED TO: Evangelista143 (Janella)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






NAMATAYAN ba siya? All black talaga dapat kahit nasa bahay lang? Piping tanong ko sa aking sarili habang nakaupo sa magandang upuan sa salas ng pamilyang Madrigal.

Kausap ko kasi si Mathilda Madrigal. Nakasuot siya ng kulay black na blouse at skirt. Pati ang lipstick niya ay black din. Ang shoes niya ay black din. Kaloka! Siya ang may-ari ng bahay na kinaroroonan ko ngayon.

Nandito ako para sa bago kong trabaho. Nakita ko kasi ang ad niya sa Facebook na nangangailangan siya ng isang kasambahay. Malaki ang sahod kaya grab ko na agad-agad. Wala nang patumpik-tumpik pa! I need money.

Hindi ako tapos ng highschool kaya mahirap ang maghanap ng work. Kapag may ganitong opportunity ay hindi ko na pinapakawalan pa. Hindi naman kasi malaki ang kinikita ko sa pagiging vlogger sa Youtube lalo na at kakaunti pa ang subscribers ko doon.

“Madam, hindi po kayo magsisisi sa pagtanggap ninyo sa akin. Magaling po ako magluto, maglinis ng bahay at maglaba. Wait po, madam, may washing machine naman po kayo, 'di ba? Automatic po ba? Iyong ititiklop ko na lang pagkatapos?” Dire-diretso kong tanong. Ganiyan talaga ako magsalita. Walang preno. Vlogger nga kasi.

“I don’t need those skills, Janella.”

“Po? Bakit naman po? 'Di ba, kasambahay ako dito?”

“Yes. At meron nang gumagawa ng mga sinasabi mo. Iba ang magiging trabaho mo sa bahay ko, Janella.”

“Talaga po ba? Ano po iyon, madam?” curious kong tanong.

“Sumunod ka sa akin…”

Tumayo si Madam Mathilda at sumunod ako sa kaniya. Sa ilalim ng kanilang eleganteng hagdan ay may kulay gintong pinto. Doon kami pumasok. May hagdan pababa at nalaman kong papunta kami sa basement ng kanilang bahay.

Puro kulay puti ang ang dingding at sahig sa basement. Natakot ako dahil may kabaong sa gitna. Gawa iyon sa ginto. Ang yaman naman talaga!

“M-madam! Ano po iyan?” Nahihintakutang itinuro ko ang kabaong.

Hindi siya sumagot. Nilapitan niya ang kabaong. Ako ay hindi makalapit dahil afraid much ako. Matatakutin kasi ako sa mga kabaong at patay. Isang dipa ang layo ko sa kabaong.

“Ito ang magiging trabaho mo dito, Janella. Kailangan mong panatilihing malinis ang kabaong ng aking mama. Lilinisin mo araw-araw. Ayokong magkakaroon ito ng alikabok o kahit na anong dumi. Naiintindihan mo ba?”

“M-madam, t-takot po ako sa—”

“Hindi mo kaya? Sayang naman ang ten thousand pesos every week. Kung ayaw mo ay hahanap na lang ako ng iba.”

“Naku, madam! Joke lang po. Kayang-kaya ko po iyan!” Mabilis kong bawi.

“Magaling kung ganoon. Lahat ng kailangan mo sa paglilinis ay nasa cabinet sa dirty kitchen.”

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now