STORY #95: I Don't Feel Safe

2.6K 193 26
                                    


DEDICATED TO: JohnYuan38 (John)

DEDICATED TO: cocaKOALAxx (Thalia)

DEDICATED TO: cocaKOALAxx (Thalia)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






KANINA pa napapansin ni John ang isang babae na hindi mapakali sa inuupuan nito sa fastfood restaurant kung saan siya nagtatrabaho bilang waiter. Nakapwesto ito sa gitna kaya madali itong mapansin. Kapag nag-se-serve kasi siya ng pagkain ay hindi niya mapigilang hindi ito tingnan. Medyo late na ng oras na iyon. Siguro ay malapit nang mag-alas diyes ng gabi. Malapit na ring matapos ang kaniyang shift.

Ang una niyang dahilan kung bakit siya napapatingin sa babae ay maganda ito. Kumbaga, head turner. Iyong gandang bibigyan mo ng second look kasi sobrang ganda. Hanggang sa napansin na niyang balisa ang babae. Panay ang check sa cellphone. Titingin sa likod, kaliwa at kanan. Halos hindi na nito nagagalaw ang fries, burger at coke na nasa harapan nito.

Parang gusto na tuloy niyang lapitan ang babae at tanungin kung may problema ba pero baka nagkakamali lang siya ng iniisip at masabihan pa siya na pakialamero. Saka hindi naman iyon kasama sa trabaho niya.

May mga pagkakataon na nahuhuli ni John na tumitingin ang babae sa kaniya kapag nakatayo siya malapit sa counter at naghihintay ng pagkain na ihahatid sa mga kumakain.

Hanggang sa magtama ang mga mata nila ng babae at doon niya nakita ang takot sa maganda nitong mukha. Itinaas nito ang isang kamay na para bang tinatawag siya.

“Ako po?” Muwestra ng bibig ni John. Itinuro niya ang sarili.

Ngumiti ang babae at tumango.

Baka may kailangan kaya agad siyang lumapit. “Hello po, ma’am. Bakit po?” Magalang na tanong ni John.

Imbes na magsalita ay inabot nito sa kaniya ang bill nito. Agad niyang napansin na may nakasulat sa likod ng bill kaya binasa niya iyon.

Sorry sa istorbo pero I don’t feel safe kasi. Iyong lalaki sa likuran ko na nakasuot ng red cap and black shirt, feeling ko sinusundan niya ako. I have pictures of him sa phone ko na proof na sinusundan niya ako. Please, help me. I don’t know what to do. I am not sure pero I don’t feel safe. Gusto ko nang umuwi pero hindi ko kaya ng ako lang… —Thalia

Kumabog ng malakas ang dibdib ni John. Pasimple niyang sinulyapan ang lalaking sinasabi nito at nahuli niya na nakatingin nga ito sa babae. Malaki ang katawan ng lalaki at mukhang matangkad. Unang tingin niya pa lang ay mukhang hindi na gagawa ng maganda.

Nginitian ni John ang babae. “Okay po, ma’am. Ipapa-check ko po itong bill ninyo sa manager namin.” Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng lalaki sa likuran ng babae. Baka kasi malaman nito na nagsumbong sa kaniya ang babae.

Saglit siyang umalis at nagpunta sa locker room. Kumuha siya ng papel at ballpen niya sa locker at nagsulat…

Miss, kung natatakot kang umuwi ng mag-isa ay pwede kitang ihatid. Patapos na rin naman ang shift ko. Hintayin mo na lang ako. Baka kasi sundan ka niya. Kung payag ka sa suggestion ko, mag-kumagat ka ng isa sa burger mo…

Ibinigay ni John ang sulat na iyon kasama ng bill sa babae. “Ma’am, okay naman po ang bill ninyo. Walang problema,” pagkukunwari niya dahil nandoon pa rin iyong lalaki.

“Thank you.” Sweet ang boses nito. Bagay sa maganda nitong mukha.

Bumalik na siya malapit sa counter. Nakatingin siya sa babaeng ang pangalan ay Thalia para makita ang sign na sinabi niya sa sulat. Pagkatapos nitong ilagay sa loob ng bag ang sulat niya ay kumagat ito ng isa sa burger.

Okay. Ako ang superhero mo ngayong gabi, Thalia! Matapang na turan ni John sa sarili.

-----ooo-----

SUMABAY na kay John si Thalia sa paglabas ng fastfood restaurant. Wala na ang lalaki na pinaghihinalaan nitong sumusunod dito nang lumabas sila pero ayaw nilang maging kampante. Baka nasa paligid lang ito. Mas mabuti na makita nito na merong kasamang lalaki si Thalia. Baka sakaling matakot ito at tigilan na si Thalia kung tama nga ang hinala nila na sumusunod ito dito.

Dahil sa halos magkalapit lang ang subdivision na tinitirahan nila ay nagsabay na sila sa taxi. Magkatabi silang nakaupo sa backseat. Ipinakita sa kaniya ni Thalia ang mga pictures sa cellphone nito kung saan may stolen shot ito ng lalaki. Kung nasaan si Thalia ay naroon ang lalaki. Mula sa sakayan ng bus, mall, bilihan ng damit at hanggang sa fastfood restaurant kung saan siya nagtatrabaho.

“Sobrang obvious. Sinusundan ka nga niya.” Pagkumpirma ni John.

“Kaya nga, e. Salamat at naniwala ka. Thank you, John! Natatakot talaga akong umuwi mag-isa. Mag-isa pa naman ako ngayon sa house.” Nararamdaman pa rin niya ang takot sa pagsasalita ni Thalia. Baka ma-trauma ito.

“Wala iyon. Hindi kasi kaya ng konsensiya ko ang pabayaan ka.”

“Thank you talaga, John…”

Pagdating ng taxi sa harapan ng bahay ni Thalia ay inimbita siya nito sa loob. Noong una ay nahihiya siya pero nang maging mapilit ito ay pumayag na rin siya. Hindi ganoon kalaki ang bahay ni Thalia pero merong second floor.

Ang sabi ni Thalia ay magkape muna siya bago umuwi. Pasasalamat daw nito sa tulong na binigay niya lalo na at ligtas itong nakauwi.

Pinauna siyang papasukin ni Thalia sa bahay. Madilim sa loob at halos wala siyang makita.

Nang isarado ni Thalia ang pinto ay binuksan nito ang ilaw sa salas. Nagulat si John nang makita niya ang lalaking sumusunod dito kanina sa gitna. May hawak itong palakol na sa hula niya ay bagong hasa!

Natigalgal si John nang lumapit si Thalia sa lalaki at naghalikan ang mga ito.

“A-anong ibig s-sabihin n-nito?” Nagkakanda-buhol na ang dila niya sa kaba.

“What do you think, babe? Ano kayang magandang gawin natin sa kaniya?” Makahulugang tanong ni Thalia sa lalaking katabi nito.

“Torture then kill.”






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now