STORY #85: Hotel de Moon

2.8K 207 33
                                    


DEDICATED TO: vaugnhe0106 (Betchay)

DEDICATED TO: vaugnhe0106 (Betchay)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.











AYOKO na. Aalis na ako sa house na ito. Hindi naman nila nakikita ang worth ko, e. Maybe, kapag nawala ako ay saka nila makikita kung ano ang ginagawa ko sa family na ito.

Ako ang palaging naghuhugas ng pinggan pero si ate palagi ang pinupuri nina mommy at daddy. Kahit na galingan ko sa school ay sinasabi nilang mas galingan ko pa. Palagi na lang si Ate Hiromi ang favorite nila. Lalo na ngayon na naaksidente si ate kaya lahat ng attention ay nasa kaniya. That, dumb, girl! Natusok ng metal straw sa ilong. Swab test the gory and bloody style!

Anyways, ayoko na talaga. Maglalayas na talaga ako! I packed my things. Ninakaw ko sa kwarto nina daddy ang susi ng car at hindi nagpaalam na pumuslit ng tulog na ang lahat ng gabing iyon. Well, wala namang naglalayas na nagpapaalam. Right?

Marunong na akong mag-drive. Nag-enroll ako sa isang driving lesson last month pero wala pa akong liscense. The hell I care kung wala pa! Basta, gusto kong umalis sa bahay at lumayo. May money ako on my debit card. Pwede akong mag-withdraw anytime. Nag-iipon kasi ako. Pinaghandaan ko ito matagal na. Ang hindi ko napaghandaan ay kung saan ako pupunta.

Damn! Ang tanga-tanga mo, Betchay! Talagang pinagalitan ko ang aking sarili.

Gabi pa naman at ang hirap maghanap ng place na pwede akong mag-stay for a while. Almost one hour na akong nagda-drive at inaantok na. Ayokong matulog dito sa car. Very uncomfortable. I need a soft bed right now! As in… now.

Wait…

May nakikita yata akong hotel. Yes, hotel nga siya. Doon na lang siguro ako magpapalipas ng gabi then bukas ng morning ako maghahanap ng place kung saan ako mag-i-stay talaga.

Tumigil ako sa harapan ng hotel na nasa gitna ng kawalan. What I mean by “kawalan” is walang ibang building sa paligid ng hotel na iyon. Nag-iisa lang iyon at solo ang pinagkakapwestuhan.

Bumaba na ako ng car at pumasok sa loob ng hotel. Medyo soft ang ilaw sa loob. Nagtitipid ba sila? I saw the receptionist. Isang matandang babae. Bakit old lady ang nasa front desk? Kadalasan kasi sa hotels na napupuntahan ko ay magagandang babae or cute boys ang nandoon.

Anyways, wala akong pakialam kung sino ang nasa front desk. Ang importante ay may matutulugan na ako for tonight.

Nakangiti agad ang old lady habang papalapit ako.

“Magandang gabi! Welcome sa Hotel de Moon!” Masigla niyang greet sa akin.

“Hey! Uhm… May available room pa ba kayo? For one person lang?” tanong ko.

“Meron pa.”

“How much is the deluxe room?”

“One thousand pesos ang isang gabi.”

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now