STORY #76: Couple's Trouble

2.9K 229 49
                                    

DEDICATED TO: agua456 (Arnel)

DEDICATED TO: fictions-wife (Arlene)

DEDICATED TO: fictions-wife (Arlene)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




“AHHH… Dahan-dahan. Aray ko po! Sandali, Arnel! Ang sakit na… Ang sakit na ng paa ko. Hayop ka!” Hindi ko na napigilan ang magreklamo dahil sa hirap na hirap na ako. Nagmumura na ang mga paa at binti ko sa sobrang sakit.

Ikaw ba naman ang maglakad ng mag-iisang oras sa gitna ng isang malawak na kagubatan kung hindi ganito din ang maramdaman mo. Gutom pa ako. Ang huling kain ko ay breakfast pa nang mag-stop over kami sa 7-Eleven. Dire-diretso na ang biyahe namin hanggang sa makarating na kami dito sa kagubatang ito.

Ayon kasi kay Arnel na boyfriend ko ay merong magandang spot dito para mag-camping. May malapit daw doong falls. Inabot na kami ng dilim pero kahit lagaslas ng tubig sa falls ay wala pa akong naririnig!

Ang nakakasama pa ng loob, birthday ko ngayon. Tapos ganito pa ang pinapa-experience ng jowa ko. Lilipas na lang ang araw na ito nang hindi ako nakakapag-celebrate!

Bwisit talaga!

Huminto si Arnel nang marinig ang reklamo ko. Nasa unahan ko siya dahil siya ang may hawak ng nag-iisang baon naming flashlight.

“Malapit na tayo, Arlene! Promise!”

“Demonyo ka! Kanina mo pa iyan sinasabi.” Nagdududang nilapitan ko siya. “Umamin ka nga sa akin. Naliligaw na ba tayo?”

Hindi agad siya nakasagot. Kanina ko pa iyon naiisip pero dahil sa may mapang dala si Arnel ay nagtiwala pa rin ako. Tapos ngayon ay parang hindi na siya tumitingin sa mapa. Nakakaduda!

“Arnel! Sumagot ka!” Napapadyak na ako sa inis.

“Ah, e… M-magagalit ka ba kung sasabihin kong oo?” Kakamot-kamot sa likod ng ulo na saad niya.

“Sinasabi ko nga nga ba! Dapat talaga 'di ako nagtitiwala sa iyo, e! Paano na tayo nito ngayon? Nasa gitna tayo ng gubat, gabi na at mukhang tayong dalawa lang ang nandito—”

Mabilis na tinakpan ni Arnel ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. “Arlene, sandali!”

“Bakit?!” Inis kong inalis ang kamay niya.

“May nakita akong bahay.” May itinuro siya sa akin at tama ang kaniyang sinabi. Merong isang bahay na yari sa malalaking kahoy ang dingding sa hindi kalayuan. Nakatutok doon ang ilaw ng flashlight kaya sigurado ako sa aming nakikita.

Hindi na ako nagsalita pa at nauna na ako sa paglapit sa bahay. I don’t feel safe kaya kailangan namin ng bahay na pansamantalang tutuluyan kahit ngayong gabi lang. Nakasunod lang si Arnel sa akin. Kumatok ako pero walang nagbukas. Baka tulog na ang mga tao sa loob.

Medyo nilakasan ko na ang pagkatok. Desperada na kasi ako na may matulugang bahay talaga.

“Ano ba? Baka walang tao sa loob!” Pinigilan ni Arnel ang kamay ko.

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon