STORY #55: Mirror On The Wall

3.5K 241 22
                                    

DEDICATED TO: parengmario (Cislyn)

DEDICATED TO: parengmario (Cislyn)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







“THIS is perfect!” Masayang bulalas ni Cislyn nang makita niya ang bagong studio-type apartment na tinitingnan niya. Nasa gitna siya ng naturang unit.

Spacious, maaliwalas, maliwanag dahil sa malaking glass window kung saan tumatagos ang liwanag ng araw. Tapos nasa third floor pa iyon. Hindi siya mai-stress sa baha kung magkakaroon.

Nakangiti siyang humarap sa landlady na nasa likuran niya. “Kukunin ko na po ito. As in, now na! I love this unit po!”

“Agad na? Joke! Sige, one month advance at deposit. Six thousand kada buwan.”

Nagbayad na si Cislyn sa landlady dahil baka makuha pa ng iba ang unit. Nag-iisa na lang daw kasi ito doon.

Isang zumba instructor si Cislyn sa gym na malapit lang sa bago niyang apartment. Walking distance lang. Hindi kagaya doon sa dati niyang inuupahan na kailangan niyang magdalawang sakay sa jeep. Tapos ang ingay pa kasi ang daming katabing bahay. Dito ay mukhang tahimik. Saka maganda ang dating sa kaniyang ng apartment building na ito. Kumbaga, love at first sight.

Nang araw na iyon ay lumipat na si Cislyn. Inayos niya ang kaniyang mga gamit.

Lahat ay perfect na maliban sa wallpaper sa isang parte ng dingding sa apartment. Kulay itim iyon at hindi niya gusto ang ganoong kulay. Kaya naisipan niyang alisin ang wallpaper.

Sinira niya iyon at binakbak. At namangha siya nang makita na merong isang malaking salamin sa likod ng itim na wallpaper. Malaki ang salamin. Umaabot ang taas hanggang sa may kisame at ang lapad ay isang dangkal niya.

“This is perfect!” bulalas ni Cislyn.

Tamang-tama ang salamin na iyon sa tuwing nagpa-practice siya ng mga bago niyang zumb steps. Maganda na nakikita niya ang kabuuan ng kaniyang sarili.

Tuwing umaga pagkagising ay tinitingnan ni Cislyn ang sarili sa malaking salamin sa dingding. Ganoon din kapag bago siya umalis. Nagagamit na rin niya iyon sa tuwing sumasayaw siya at nagzu-zumba.

Isang gabi, papasok na siya sa kaniyang unit nang makita niya ang landlady na galing sa kabilang unit.

“Ginabi ka na yata, Cislyn,” bati nito.

“Oo nga po, e. Niyaya po kasi ako ng mg students ko sa gym ng dinner.”

“Naku, nagtuturo ka nga pala ng zumba, 'no?”

“Yes po, manang. Gusto niyo po, mag-enroll kayo sa class ko sa gym. Para po mawala iyang bilbil ninyo sa tiyan.”

“Pasmado din pala iyang bunganga mo, ano? Hayaan mo’t pag-iisipan ko.”

Bigla niyang naalala iyong malaking salamin. “Ay, oo nga pala, manang. Salamat pala at itong unit na ito ang ibinigay ninyo sa akin. Gustung-gusto ko po iyong malaking salamin. Very helpful po!” Naisipan niyang magpasalamat dito at baka babaan ang renta niya sa sunod.

Ngumiti ito. “Ah, iyong glass wall. Inalis mo pala iyong wallpaper na nakatakip doon. Nilagyan kasi iyon ng wallpaper ng dating nakatira diyan…” anito.

“Glass wall?” kunot-noo niyang tanong.

“Oo. Glass wall iyon. Inilagay iyon ng naunang tumira sa unit mo at ang gusto ay nakikita niya iyong labas. Ewan ko ba kung bakit niya iyon ginawa. Hala, sige na. Ako ay tutulog na,” anito sabay alis.

Natitilihang naiwan mag-isa si Cislyn. May kaunting takot siya nang pumasok sa kaniyang unit. Paanong naging glass wall lang ang salamin na iyon kung nakikita niya ang sarili niyang repleksiyon doon?

Binuksan niya ang ilaw. Kinakabahang tumapat siya sa malaking salamin.

Nakikita pa rin niya ang sarili. Niloloko lang ba siya ng landlady niya? Kung glass wall ito ay hindi niya sana nakikita ang kaniyang repleksiyon.

Marahang lumapit si Cislyn sa salamin. Tinitigan niya ang sariling mukha doon.

Napasinghap siya nang biglang ngumiti ang repleksiyon niya sa salamin. Isang malaking ngiti na halos nakikita na ang lahat ng kaniyang ngipin!







THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon