STORY #78: Jealousy Kills

2.8K 230 88
                                    

DEDICATED TO: syelVee (Syvel)

DEDICATED TO: syelVee (Syvel)

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.






UNICA IHA. Only child. Nag-iisang anak. Iyan ang buhay ng magandang si Syvel.

Mula siya sa maykaya na pamilya na naninirahan sa isang exclusive subdivision sa siyudad. Dahil sa nag-iisang anak ay lumaki siyang nasusunod ang lahat ng gusto at luho niya. Lalo na sa daddy niya. Spoiled na spoiled siya dito. Kapag may gusto siyang ipabili o hingin ay hindi na siya nagdadalawang salita pa at agad na ibinibigay nito.

Umabot na sa punto na ayaw niyang magkaroon ng kapatid dahil alam niyang magiging kahati niya ito sa atensiyon ng mga magulang niya. Gusto niya na siya lang ang anak ng mga ito at sa kaniya lang ang atensiyon ng mommy at daddy niya. Madali pa naman siyang makaramdam ng selos at kapag ganoon ay nasusundan iyon ng galit na hindi niya kayang makontrol. Kaya nga kapag nakikipag-boyfriend siya ay nakikipaghiwalay agad ang mga ito kapag nakita na ng mga ito ang ugali niyang iyon.

Sa mga taong nakapaligid sa kaniya ang gusto niya ay siya lang ang maganda, siya lang ang magaling at siya lang ang binibigyan ng atensiyon.

Hanggang isang araw, binawian ng buhay ang daddy niya. Nawalan ng preno ang minamaneho nitong kotse habang paakyat ito ng Baguio para tingnan ang branch ng negosyo nila doon. Nahulog ang kotse nito sa bangin at dead on arrival ito ng dalhin sa ospital.

Halos gumuho ang mundo ni Syvel sa pangyayaring iyon sa kaniyang buhay. Nabawasan na kasi ang taong nagbibigay ng atensiyon sa kaniya. Ang masaklap pa nito ay pumanaw ang daddy niya na buntis ang mommy niya. Ibig sabihin ay magkakaroon siya ng kapatid!

“Nawala na nga ang daddy, may dadagdag pang asungot na magiging kaagaw ko kay mommy!” Himutok ni Syvel.

Sa mga araw na lumilipas ay nasasaksihan ni Syvel ang paglaki ng tiyan ng kaniyang mommy. Hindi pa man lumalabas ang kapatid niya ay nararamdaman niya na agad na nababawasan na ang atensiyon ng mommy niya sa kaniya.

Madalas ay ang mga kasambahay at ang nag-iisa nilang driver ang kausap niya. Ayaw man niyang kausap ang mga ito ay wala naman siyang choice. Alangan naman kung wala siyang nakakausap sa bahay. Lalo na at mas malaki ang oras na tulog at nagpapahinga ang mommy niya dahil sa buntis ito.

Mas lalong nainis si Syvel nang halos pumutok na sa laki ang namimintog na tiyan ng mommy niya. Tila may mga boses na bumubulong sa kaniya na saksakin ang malaki nitong tiyan. Bago matulog sa gabi ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya para hindi matuloy ang panganganak ng kaniyang mommy. Gusto niyang mawala ang sanggol na nasa sinapupunan nito!

Ngunit huli na ang lahat dahil sa ika-walong buwan ng pagbubuntis ng mommy niya ay iniluwal nito ang kaniyang kapatid. Taliwas sa siyam na buwan dapat bago ito manganak.

Doon na naramdaman ni Syvel ang kawalan ng oras ng mommy niya sa kaniya. Mas lalo siyang nagngitngit sa galit sa kapatid niya.

Makailang beses niyang sinubukan na patayin ito ngunit bigo siya. Palagi kasing nakabantay ang mommy niya dito.

“Kailangan mo nang mawala!” buong poot na sambit ni Syvel habang pinagmamasdan ang kapatid na nakahiga katabi ng mommy niya.

Isang paraan ang naiisip ni Syvel at iyon ay ang lasunin ang baby para hindi siya paghinalaan sa oras na mamatay ito. Kaya naman kumilos na agad siya. Naghanap siya ng taong nagbebenta ng epektibong lason na hindi makikita kapag ineksamin ang makakainom niyon.

Makalipas ang tatlong araw ay nakakuha na siya ng hinahanap na lason. Wala pa man ay ngiting-tagumpay na siya dahil nakikita na niya na maibabalik na sa kaniya ang atensiyon ng mommy niya na inagaw ng kapatid niya.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Syvel. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog ang mommy niya sa kwarto nito habang nasa crib ang kapatid niya at tulog din ay pumasok siya.

Nakikita niya sa manipis na pantulog ng mommy niya na wala itong suot na bra. Nagpapasuso kasi ito.

Ano kaya kung… Isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa labi ni Syvel dahil sa ideyang pumasok sa utak niya.

Tahimik niyang nilapitan ang ina at inililis paitaas ang damit nito. Sa sobrang himbing ng tulog nito ay hindi nito namalayan na pinatakan niya ng lason ang utong nito. Nang sa gayon kapag dumede dito ang kapatid niya ay malalason ito at mamamatay!

Pigil ang halakhak ni Syvel nang lumabas siya sa silid na iyon. Tumakbo siya sa kaniyang silid at doon pinakawalan ang halakhak. Sumayaw siya at uminom ng alak bilang selebrasyon. Alam niya kasi na magtatagumpay ang pagpatay niya sa sanggol na iyon.

Sa labis na kalasingan ay nakatulog siya sa sahig.

Kinabukasan ay nagising si Syvel sa malakas na pagtili ng mommy niya mula sa silid nito.

Nagtagumpay ako! Napakahusay ko talaga! Puri niya sa sarili.

Tumayo siya at sa pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya ay nakita niyang pinagtutulungan na buhatin ng mommy niya at ng dalawang babaeng kasambahay ang kanilang driver na lalaki. Bakas sa mukha ng mommy niya ang labis na pag-aalala. Nakita niya ang pagbula ng bibig ng driver na may kasama pang dugo!

Sumunod siya sa mga ito sa ibaba at nang nakita niya ang isa pa nilang kasambahay ay hinila niya ito at tinanong. “Anong nangyari sa driver?”

“Ma’am Syvel, nalason daw po, e!” Kinakabahan nitong sagot.

Natigilan si Syvel. Napaisip. Paanong ang driver ang nalason? Ang kapatid niya ang dumedede sa mommy niya kaya paanong nangyari iyon?

Hanggang sa natilihan siya nang mapagtanto ang kasagutan…





THE END

100 Tales Of HorrorKde žijí příběhy. Začni objevovat