STORY #16: Save The Turtles!

4.9K 313 83
                                    

DEDICATED TO: HiromiTsunoda (Hiromi)


DEDICATED TO: HiromiTsunoda (Hiromi)

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.







“ONE caramel frappuccino for Miss Hiromi!”

“Oh! That’s mine!” Itinaas ko pa ang isa kong hands before ako tumayo sa aking seat. I go straight sa counter to get my favorite frappe. Nakasuot ako ng flowy floral dress kaya feeling ko ay isa akong fairy habang naglalakad.

Kinuha ko ang frappe na nakalagay sa tray. “Arigatou gozaimasu—” My eyes widen nang makita ang aking frappe. “OMG! What is this?!” Maarte at parang nandidiring kinuha ko ang green plastic straw.

Tiningnan iyon ng babaeng barista. “Straw po, ma’am.” Kuntodo smile pa siya.

Itinirik ko ang aking eyes dahil super imbyerna na ako sa barista na ito. She’s so dumb. “I know that this is a fucking straw. Why plastic straw? I don’t like plastic straw!” Inilagay ko sa tray ang nakakadiring plastic straw.

“Iyan lang po ang meron kami—”

“Don’t you know that this horrible straw kills the poor turtles? OMG! You don’t know that? My God!” Kulang na lang ay maiyak ako. I really love turtles kasi that’s why I am emotional right now.

“Talaga po ba , ma’am?” Hindi makapaniwalang tanong pa niya.

“You are so ignorant! Kapag napunta sa seas and oceans ang platstic straw ay may big chance na mapunta iyon sa nose or mouth ng poor turtles and may cause their death! OMG! I’m about to cry right now!” Ginawa kong pamaypay sa mata ko ang isa kong kamay. Mula sa pagiging emotional ay bigla akong nag-smile. “Anyways, don’t worry dahil I always have my metal straw.”

From my pink shoulder bag ay inilabas ko ang aking metal drinking straw na nakalagay sa isang maliit at pahabang box. Kinuha ko na ang frappe at ginamit ang metal straw to drink on that.

“This is my simple way para ma-save ang turtles. Use metal straw and save the turtles!” I flipped my hair at tumalikod na. Lumabas na ako sa coffee shop na iyon dahil sobrang disappointed ako na hindi sila gumagamit ng metal straw or kahit iyong straw na gawa sa paper.

Isinuot ko ang aking malaking shades dahil super init na sa labas. Nakatayo pa ako sa may tapat ng door ng coffee shop. Parang ayoko pa palang umalis ng coffee shop kasi masasayang ang ginagamit kong skin care. I don’t have my umbrella pa naman with me.

Sumipsip muna ako sa aking metal straw and when I was about to come back sa loob ng coffee shop biglang bumukas iyong door. Kaya pagharap ko while drinking my frappe ay humampas ng super lakas ang aking face ang door at tumapon pa sa aking beautiful dress ang hawak kong frappe.

“What the fuck?!” sigaw ko sa babaeng nagbukas ng door. “Look what have you done to my dress! Stupid bitch!”

“I’m sorry—”

Nanlaki ang mata ko nang hindi ko makita sa cup ng aking frappe ang very important sa life ko—my metal straw!

Nataranta ako dahil importante iyon sa akin para ma-save ang mga turtles.

“Where’s my metal straw?!” I shouted.

Pagtingin ko sa girl na nasa harapan ko ay nagtaka ako dahil parang takot na takot siya. She’s trembling and pointed at me. Iyong mukha ko pa talaga ang itinuro niya.

“What?!”

“I-iyong… s-straw…” Itinuro niya ang kaniyang nose kaya napahawak ako sa ilong ko.

To my horror—nakapa ko ang metal straw na nakatusok sa left hole ng aking nose! Humarap ako sa glass door at doon ko nakita na halos two inches na lang nakikita sa metal straw at ang natitira ay bumaon sa aking ilong nang hindi ko man lang naramdaman.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko before ako mawalan ng malay…







THE END

100 Tales Of Horrorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن