STORY #47: Victim

3.8K 266 44
                                    

DEDICATED TO: irish_anne_nicole (Irish)

DEDICATED TO: irish_anne_nicole (Irish)

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.







BAGO ako lumabas ng bahay ay isinuot ko ang aking malaking shades. Binuksan ko ang kulay itim na payong at naglakad palabas ng aming subdivision hanggang sa makarating ako sa isang waiting shed.

Mag-aabang kasi ako ng taxi para magpahatid sa isang milk tea shop kung saan magkikita kami ng aking long lost friend. Um-order kasi siya sa akin ng ginagawa kong moist chocolate cake.
Nakasuot ako ng damit na longsleeves. May scarf na nakaikot sa aking leeg. Ang skirt ko ay lagpas sa tuhod ang haba. Hindi ito ang usual na sinusuot ko. Kumportable ako sa mga damit na nagpapakita ng aking skin. Iyong kita ang aking cleavage, legs at braso. Pero iba ngayon. May kailangan akong itago. Mga kailangang itago, to be exact.

After a minute ay may nakita na akong paparating na taxi. Pinara ko iyon at nang huminto ay sumakay ako at sinabi sa driver kung saan ako pupunta.

Habang umaandar ang taxi ay malungkot ang mata ko na pinapanood ang aming dinadaanan.

“Ma’am, nandito na po tayo.”

Napatingin ako sa lalaking taxi driver. Nakalingon siya sa akin. Mukhang kanina pa nakahinto ang taxi sa harapan ng milk tea shop kung saang ko imi-meet ang buyer ng aking cake.

“Sorry po, manong.” Tiningnan ko ang metro.

Inabutan ko ng dalawang two hundred pesos bill ang driver. Hindi ko na kinuha ang limang pisong sukli dahil ganoon naman madalas sa mga taxi. Wala nang suklian.

Pagkabayad ay bumaba na ako at naglakad papasok sa milk tea shop. Agad kong nakita ang aking kaibigan. Nakapwesto siya sa sulok kung saan may bookshelf sa tabi ng table. Kinawayan niya ako nang makita niya ako.

Ngumiti ako kahit pilit at naglakad na papunta sa kaniya.

Tumayo siya para salubungin ako. Nakipagbeso siya sa akin.

“Irish! How are you na? It’s been so long!” Masayang tanong niya sa akin nang makaupo na kaming dalawa.

Matagal din kasi talaga kaming hindi nagkita. Nagulat na nga lang ako nang mag-message sa sa Messenger ko para um-order. Super close kasi kami noong highschool. Then noong nag-college ay medyo nawalan kami ng communication kasi mas naging busy at nagkaroon ng kaniya-kaniyang circle of friends. Magkaiba kasi ang university na pinasukan namin.

Um-order siya sa akin ng dalawang moist chocolate cake at minungkahi na meet up dahil malapit lang pala ang bahay niya sa bahay ko.

“I’m okay, Leah.” Ngumiti ulit ako ng pilit. Ipinatong ko ang paper bag kung saan nakalagay ang cake. “'Eto na pala iyong order mo. Bale, six hundred pesos lahat. Sorry kung wala munang discount, ha? Nagsisimula lang kasi ako at—”

“Irish…” Umusog si Leah. “Huwag tayong magmadali. Actually, dahilan ko lang ang pag-order sa iyo ng cake para makita at makausap kita ng personal.” Ipinatong ang kamay sa aking hita.

“Aray!” Napapitlag ako dahil may naramdaman akong sakit nag patungan niya ng kamay ang aking isang hita. “Masakit ang katawan ko. Sorry. Nag-start na kasi akong mag-gym.”

“No. Alam kong hindi iyan totoo, Irish.” Inalis na niya ang kamay sa aking hita.

Nanlamig ako. “W-what do you mean?” Kasunod niyon ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Paano kung alam nga ni Leah ang totoo? Pero paano niya nalaman? Ngayon nga lang kami nagkita ulit after ng ilang taon.

“Ilang weeks ko na kasing napapansin ang post mo sa Facebook. Puno ng sadness. Alam ko na may pinagdadaanan ka sa asawa mo dahil pinagdaanan ko na rin iyan. I am a battered wife, Irish. Sinasaktan ako ng asawa ko—si Reno. Pero nagkaroon ako ng lakas ng loob para umalis sa poder niya.”

Sobra akong nagulat sa isiniwalat ni Leah. Hindi ko iyon inaasahan.

Napaiyak ako. Humagulhol nang matindi. Pinakalma ako ni Leah sa pamamagitan ng paghaplos sa aking likuran. Humingi siya ng tubig at ipinainom sa akin.

“Makakatulong kung magkukwento ka, Irish… Maiintindihan kita. Hindi kita huhusgahan,” sabi ni Leah nang kumalma na ako sa pag-iyak.

Namumugto ang mata ko. “K-kung ano man ang iniisip mo ay tama ka.”

Inalis ko ang scarf sa aking leeg. Doon ay meron akong kalmot ng mga kuko. Sa pag-alis ko ng aking shades ay tumambad naman ang kulay ube sa paligid ng kaliwa kong mata.

“Kung mahuhubad ko ang aking damit at palda ay makikita mo ang napakaraming pasa. And yes… ang a-asawa ko ang may gawa nito sa akin.” Tuluyan kong pag-amin.

Naluha si Leah. Niyakap niya ako. “Lakasan mo ang loob mo. Pwede kitang tulungan. Hihingi tayo ng tulong sa awtoridad para makulong ang asawa mo—”

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Leah. “Ayoko! Hindi pwede!” Malakas kong iling. “A-ang sabi niya kapag ginawa ko iyon ay idadamay niya ang pamilya ko. Ayos na sa akin na ako na lamang ang saktan niya. Huwag na niyang idamay ang pamilya ko!”

“Okay. Okay… Huminahon ka. Kung iyan ang iyong desisyon.” Tila napipilitang sambit ni Leah. “Pero isipin mo rin ang sarili mo, Irish. Hindi pwedeng habangbuhay ay sinasaktan ka niya. Sana ay matuto kang lumaban. Basta kapag kailangan mo ng kausap ay huwag kang mag-hesitate na tawagan ako, ha.”

Hindi na rin ako nagtagal sa pakikipag-usap kay Leah. Sinabi ko na baka magalit ang asawa ko kapag nagtagal ako. Baka saktan niya ako ulit. Pagkabigay niya ng bayad sa cake ay umuwi na rin ako sa bahay.

Sumalubong sa akin ang katahimikan ng kabahayan. Naglakad ako papunta sa kwarto naming mag-asawa. Sa pagbukas ko ng pinto ng aming silid ay narinig ko agad ang mga impit na sigaw. Binalewala ko iyon at nagpalit ng damit na pambahay.

Patuloy pa rin ang impit na sigaw. Naitirik ko ang aking mga mata.

Nagtungo ako sa harapan ng isang pinto na nasa aming kwarto. Pinto iyon para sa banyo.

Sa pagbukas ko ay nakita ko ang aking asawa na padapang nakahiga sa sahig. Tanging puting brief lang ang suot niya. Nakatali ang mga paa at ang kamay niya ay nasa likod at nakatali rin. May duct tape na nakalagay sa kaniyang bibig kaya hindi siya makasigaw nang malakas.

Yumukod ako at hinaplos siya sa pisngi. Lalo siyang nagpumiglas at pilit na sumigaw.

Nainis ako sa ginawa niya. Sinabunutan ko siya at iniangat ang mukha sabay sampal. Malakas kong hiniklas ang duct tape sa bibig niya. Sumigaw siya nang malakas dahil may sumamang kaunting balat niya sa labi sa duct tape. Dumugo ang labi ng aking asawa.

“Bwisit ka! Ang ingay mo!” Nanlilisik ang mga mata na bulyaw ko.

“Parang awa mo na, Irish! Pakawalan mo na ako!” samo ng aking asawa.

“Hindi! Hindi kita papakawalan! Leche ka! Tatakasan mo pa ako kagabi! Dito ka lang sa bahay habangbuhay!”

“Bakit ba ayaw mong manilaw? Wala akong ibang babae. H-hindi mo na ito dapat ginagawa sa akin! Masyado ka lang paranoid at selosa—”

“Tumigil ka! Sinungaling ka!” Malakas akong tumawa na parang nasisiraan na ng bait.

Ang mga pasa at sugat ko sa aking katawan ay hindi ko natamo dahil sa pambubugbog niya. Nakuha ko ang mga ito dahil sinubukan niyang tumakas. Nanlaban siya nang mahuli ko. Akala ko ay makakatakas na siya pero hindi siya nagtagumpay.

Alam kong oras na makatakas siya ay magsasama na sila ng kabit niya. Hinding-hindi ko iyon mapapayagang mangyari. Magkamatayan na!






THE END

100 Tales Of HorrorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora