STORY #14: Momo App

6K 363 153
                                    

DEDICATED TO: CarmeRed86 (Maricar)

DEDICATED TO: CarmeRed86 (Maricar)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





“HELLO, Maricar!”

Nagulat ako nang tumabi ang kaklase kong babae sa akin habang mag-isa ako sa classroom. Break time namin at nasa labas lahat ng kaklase ko. Ako lang ang nandoon. Loner talaga kasi ako. Ayokong nakikihalubilo sa ibang kaedad ko. Nahihiya kasi ako saka takot makipag-friends.

“May kailangan ka ba?” Medyo kinakabahan ako dahil baka tudyuhin niya ako kasi palagi akong mag-isa. Alam ko kasi na pinag-uusapan ako ng mga kaklase ko sa pagiging loner ko. Umiling siya habang naka-smile.

“Wala, 'no. Napapansin ko lang kasi na palagi kang mag-isa. Malungkot ka ba? You can tell me your problems. You can trust me!” For the first time ay may naglakas-loob na kausapin ako.

I looked straight to her eyes. Nakikita ko na sincere siya pero bakit parang may takot akong nakikita? Marunong kasi akong bumasa ng emosyon ng mga tao sa pamamagitan ng pagtingin sa mata nila. Siguro dahil sa observant ako. Kapag mag-isa ako ay palagi kong pinapanood ang galaw ng mga tao.

“Are you sad, Maricar? Come on, I can be a friend!” pilit pa niya.

Hanggang sa pamimilit niya ay naikwento ko na sa kaniya ang aking pinagdadaanan. “Iyong mommy at daddy ko kasi… I heard them talking last year na maghihiwalay na sila at pina-process na ang annulment nila. Kaya palagi akong malungkot kasi dahil doon.” Pagkukwento ko sa kaniya.

“Ang sad nga niyan. Alam mo, may alam akong app sa phone na magpapawala ng sadness mo. I-da-divert niya ang sadness mo sa paggawa ng mga task. Easy task lang naman.”

“Really? Anong app iyan?” Naintriga ako sa app na sinasabi niya. Inilabas ko agad ang aking cellphone.

“Wala sa app store, e. Wait…” Kinuha niya ang cellphone ko at inilabas din niya ang kaniya. “Pili lang kasi ang nagkakaroon nito and you’re lucky kasi magkakaroon ka na.” Ngiming ngumiti siya habang ipinapasa ang app na sinasabi niya. Maya maya ay ibinalik na niya sa akin ang cellphone ko. “Iyan… Meron ka nang Momo App!”

“Momo App?”

“Yes! Hanapin mo na lang diyan sa phone mo.” Bigla siyang natigilan. Tumitig nang matagal sa akin. Naiiyak ba siya? Bakit parang may luhang babagsak mula sa mata niya?

“May problema ka ba?” I asked her.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. “Sorry, Maricar! Good luck! Basta, sundin mo lang lahat ng iuutos ni Momo. Bye!” At mabilis siyang tumayo at patakbong lumabas ng classroom.

Ang weird niya. Ano bang pinagsasabi niya? Napakamot na lang ako sa likod ng aking ulo. Kakausapin niya ako tapos aalis na lang bigla. Ano kaya 'yon?

-----ooo-----

“KANINO mapupunta si Maricar?” Napahinto ako sa pagkatok sa pinto ng kwarto ng parents ko nang marinig ko ang boses ni daddy. Nag-aaway na naman sila ni mommy.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now