STORY #67: Till Death

4K 254 88
                                    

DEDICATED TO: LKAM15 (Lana)

DEDICATED TO: Bernardo_1999 (Bernardo)

DEDICATED TO: Bernardo_1999 (Bernardo)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





MATAGAL nang patay na patay si Lana sa napakagwapong binata na si Bernardo. Magkababata sila ng lalaki ngunit kaibigan lamang ang tingin nito sa kaniya. Hanggang doon na lang sila para dito ngunit para sa kaniya ay gagawin niya ang lahat para mapunta sa kaniya si Bernardo. Mahal na mahal niya kasi ito. Lihim siyang nasasaktan sa tuwing may nililigawan ito sa kanilang baryo at nagkakaroon ito ng nobya. Magkapitbahay kasi sila kaya alam niya ang halos lahat ng nangyayari dito.

Sa ika-dalawampu’t anim na kaarawan ni Lana ay dumating ang kaniyang lola na isang mahusay na manggagamot at mangkukulam sa lugar kung saan ito nakatira. Binigyan siya nito ng isang maliit na bote na may kulay pulang likido sa loob.

“Lola, ano po ito?” tanong ni Lana sa lola niyang payat na payat. Kumakain silang dalawa ng lumpiang shanghai malapit sa bintana.

“Iyan ang regalo ko sa iyo, apo. Isa iyang napakabisang gayuma. Epektibo iyan, maniwala ka!”

“Gayuma talaga, lola? Anong tingin mo po sa akin? Hindi maganda at kailangan pa ng ganito?”

“Maganda ka nga pero nararamdaman ko na walang gusto sa iyo ang lalaking nasa puso mo!”

“Ang sakit niyo naman magsalita, lola! Baka hindi ko kayo ipagbalot ng lumpiang shanghai pag-alis ninyo mamaya!”

“Ikaw naman, hindi ka na mabiro, apo. Joke lang… Alam mo namang lumpiang shanghai is lifer! Basta, gamitin mo ang gayuma na iyan sa lalaking walang gusto sa iyo.”

Naisip ni Lana si Bernardo at bigla siyang nagkaroon ng interes sa gayuma na hawak niya. “E, paano naman ito gamitin, lola?” curious niyang tanong. Medyo hinanaan niya ang boses at baka merong makarinig sa kanila.

“Madali lang, apo. Ipapatak mo iyan sa pagkain o inumin niya. Isang patak at magugustuhan ka niya. Dalawang patak, mamahalin ka niya. Tatlong patak, kaya ang sebong sangkatutak!”

Napangiwi si Lana. “Ano ito? Dishwashing liquid? Lola, naman, e! Niloloko ninyo ako!”

“Hindi kita niloloko, apo. Tatlong patak at nanaisin ka niyang pakasalan.”

“E, paano kung ilahat ko ito?”

“Mamahalin ka niya forever! Kahit kamatayan ay hindi magiging hadlang sa kaniya para mahalin ka niya, apo.”

“I-ibig sabihin ay ako lang ang mamahalin niya hanggang kamatayan?”

“Oo, apo. Kahit pagkatapos pa ng kamatayan!”

Desperado na si Lana. Gusto na niyang makuha si Bernardo. Maraming taon na siyang nagtiis sa sakit kapag may iba itong minamahal kaya hindi naman na siguro kalabisan kung siya naman ang makinabang dito.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now