STORY #04: Will Kill For Food

8.7K 441 92
                                    

DEDICATED TO: Sakurenggg (Sakura)

DEDICATED TO: Sakurenggg (Sakura)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








PIKIT-MATA kong itinarak sa leeg ng kaibigan kong babae ang malaking piraso ng basag na salamin. Ipinagdiinan ko iyon para masigurong patay na siya. Kumikislot-kislot pa ang ilang bahagi ng katawan niya na para bang isang naghihingalong isda na nasa lupa. Halos hindi ako makatingin sa kaniya habang ginagawa ko iyon. Naroon ako sa isang may kadilimang silid. Ang tanging liwanag doon ay ang bintana na merong makakapal na rehas ng bakal.

Ilang araw na kaming dalawa doon ng aking kaibigan. Sa pagkakatanda ko ay siyam na araw na. Hindi ako sigurado.

Naglalakad kami ng kaibigan ko mula sa isang cosplay event. Naka-costume pa kami. Siya ay si  Erza ng anime na Fairy Tail habang ako ay si Sakura ng Cardcaptor Sakura dahil iyon din ang name ko—Sakura.

Dalawa lang kaming naglalakad at inambot na kami ng halos eleven ng gabi. Masyado kasi kaming nag-enjoy sa cosplay event. Ang dami naming na-meet na new friends na same ng aming interest. Nagkasundo pa nga ang iba na magkaroon ng meet up sa susunod na linggo.

Nasa isang madilim na kalye na kami ng aking kaibigan nang biglang may humintong kotseng kulay pula sa aming tabi. Napakabilis ng pangyayari. Isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa kotse at walang kahirap-hirap na pilit kaming isinakay. Dahil sa malaki ang katawan ng lalaki at kapwa payat kami ng kaibigan ko ay madali niya iyong ginawa.

At 'eto na nga kami. Nakakulong sa isang silid. Kaming dalawa lang. Walang kama, walang banyo kaya sobrang baho na dito. Wala kaming pagpipilian kundi doon dumumi at magbawas. Ang bagay na naroon ay isang lubid at salamin na nakasabit sa dingding.

Simula ng ikulong kami doon ng lalaki ay hindi niya kami pinapakain. Ang ibinigay lang niya sa amin ay tig-isang tubig na nakalagay sa baso. Ibinigay niya iyon noong ikalawang araw namin dito at tinipid namin iyon ng husto. Naubos ang tubig tatlong araw na ang nakakaraan at ang iniinom namin ay ang sarili naming ihi.

Nanghihina na kami ng kaibigan ko. Gutom na gutom na kami. May pakiramdam kami na papatayin kami ng kumidnap sa amin sa gutom. Pero nagkamali ako, nagkamali kami. Dahil kahapon, ay pumasok sa silid na iyon 'yong lalaki. Hindi namin siya kilala. At sinabi niya sa amin na kapag nagpatayan kaming dalawa ng kaibigan ko at kung sino ang mabubuhay ay makakakain na.

“Hindi kita kayang patayin, Sakura. We’re bestfriends!” sabi ng kaibigan ko sa akin nang umalis ang lalaki.

“Ikaw din… Hindi kita kayang patayin para lang sa pagkain.” Iyon ang sagot ko sa kaniya kahapon pero… iba na ngayon.

Iba na ngayon dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom na nararamdaman ko. Kailangan ko na ng pagkain dahil mamamatay na ako sa gutom. This is survival. Labag man sa aking kalooban ay pinatay ko ang aking kaibigan. Gamit ang lubid ay sinakal ko siya habang siya ay natutulog. Nang nanghihina na siya ay binasag ko ang salamin at kinuha ang pinakamalaking piraso. Isinaksak ko iyon sa leeg niya hanggang sa tuluyan siyang mamatay.

Nang hindi na gumagalaw ang kaibigan ko at umaagos na ang dugo sa sahig ay doon ako tila natauhan. Binitawan ko ang salamin at umiiyak na napaupo sa sahig. “Sorry! I am sorry!” Iyak ko.

Sa gitna ng aking pag-iyak ay bumukas ang pinto ng silid. May narinig akong yabag ng sapatos. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko iyong lalaki habang nakatayo sa aking harapan.

Lumuhod ako habang nasa tabi ang bangkay ng aking kaibigan. “G-ginawa ko na ang gusto mo! Pinatay ko na siya at ako ang buhay! Ngayon, pwede mo na akong pakainin. N-nasaan na ang pagkain ko? Please, gutom na gutom na ako!” Kulang na lang ay halikan ko ang paa niya sa sobrang pagmamakaawa.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa labis na gutom. Parang kinakain na ng malalaking bituka ko ang maliliit na bituka sa loob ng aking tiyan.

Ngumisi ang lalaki habang nakatingala ako sa kaniya. “Magaling… Huwag kang mag-alala dahil marunong akong tumupad sa aking sinasabi.” Malalim ang boses niya. Buong-buo. “Ngayon ay maaari ka nang makakain.”

May sayang nabuhay sa aking dibdib. “T-talaga?! Nasaan na ang pagkain ko.”

“Nasa tabi mo na ang pagkain mo, Sakura. Magpakabusog ka!” sagot niya. Tumatawa siyang tumalikod at lumabas ng silid na iyon.

Sa muling pagsara ng pinto ay natitilihan kong tiningnan ang walang buhay na katawan ng akong kaibigan na sa aking tabi.













THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon