STORY #17: Monsters Are Not Real

5.2K 355 57
                                    

DEDICATED TO: Kim-Jewel (Jewel)


DEDICATED TO: Kim-Jewel (Jewel)

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.







“AND so Cinderella and the prince were married and they lived happily ever after. The end!” Nakangiti kong isinara ang story book na binabasa ko para sa pamangkin kong babae na pinapabantayan sa akin ng aking kapatid.

Nasa bakasyon kasi ang ate ko at ang asawa niya kaya walang magbabantay sa nag-iisa nilang anak. Eight years old pa lang siya at mahilig magpabasa ng fairy tales bago matulog.

Pagtingin ko sa aking pamangkin ay napangiwi ako dahil gising pa rin siya. Dilat na dilat ang malalaki niyang mata habang nakatingin sa akin. Nandito kami sa sarili niyang kwarto. Nakatagilid ako at nakaharap sa kaniya. Lampshade lang ang ilaw na bukas. Sapat na iyon para makita ko ang nakasulat sa story book.

“You’re still awake? Aba, three story books na ang natapos ko, a.” Automatic akong napatingin sa digital clock na nakapatong sa table sa tabi ng kama. 11:26 na ng gabi at ilang minuto na lang ay hatinggabi na.

Nakakapagtaka lang dahil sa apat na gabing nagbabantay ako sa kaniya ay ngayon lang nangyari na inabot siya ng ganitong oras ng gising. Kadalasan, nine pa lang ng gabi ay tulog na siya kaya nakakapunta na ako sa guest room kung saan ako natutulog.

“Tita Jewel, please, dito ka na lang matulog for tonight. Please…” Pakiusap niya sa akin.

Hinaplos ko ang mataba niyang cheeks. “'Di ba, sinasanay na kita na matulog nang mag-isa? Nagawa na natin for three nights at kaya mo naman, e. Bukas ay darating na ang mommy at daddy mo. Matutuwa ang mga iyon sa iyo kapag nakita nila na kaya mo nang matulog dito nang ikaw lang,” turan ko.

Ang totoo ay gusto ko nang matulog ang pamangkin ko dahil kanina pa nag-va-vibrate ang phone ko sa bulsa ng aking shorts. Alam kong ang boyfriend ko iyon na tumatawag sa akin. Gusto ko na rin pumunta sa guest room para makapag-video call na kaming dalawa. Maganda kasi ang connection ng Wi-Fi dito sa bahay ng ate ko kaya magandang mag-video call.

Umiling siya. “I don’t like to sleep alone here tonight, tita. Please, doon na lang ako sa iyo.”

Bakit parang natatakot siya? Hindi naman horror ang storybook na binasa ko sa kaniya.

“Hay naku… Akala ko pa naman ay kaya mo na?”

Patuloy siya sa pag-iling. “N-natatakot po ako, Tita Jewel.” Legit ang panginginig ng pagsasalita niya.

Kumunot ang aking noo. “Bakit?” takang tanong ko.

“There is a monster.” Halos pabulong niyang sagot na para bang ayaw niyang iparinig iyon sa iba maliban sa aming dalawa.

“What? Monster?” Tumango siya sabay siksik ng sarili sa akin. “Hindi totoo ang monster. Product lang siya ng imagination mo. Wait… Nanood ka ba sa Netflix ng horror movie habang naliligo ako? Umamin ka.”

“No, tita. I hate horror movies!”

“E, bakit sinasabi mong may monster?”

“Because there is talaga, Tita Jewel. Please, believe me!”

“Okay. Kung totoo ang monster na sinasabi mo… nasaan?”

May takot sa mukha na itinuro niya ang nakasaradong closet na nasa tapat ng paanan ng kama. “He’s inside my close. I saw him. Ilang beses siyang sumilip kanina habang nagkukwento ka ng storybook,” aniya.

Napatingin ako sa closet. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa sinabi niya kahit alam kong hindi totoo ang sinasabi niya. Mataas kasi ang closet na iyon at kasya ang dalawang tao sa loob.

“Sige. Para mawala na iyang takot mo, iche-check ko ang closet para i-prove sa iyo na walang monster doon. Tapos kapag napatunayan kong walang monster sa closet, matutulog kang mag-isa dito. Deal?”

Nag-aalangan siyang tumango. “D-deal, tita.”

Tumayo na ako. Marahang naglakad palapit sa closet. Binuksan ko iyon at narinig ko ang mahinang pag-ingit ng pinto niyon. Medyo madilim sa bahaging iyon dahil lampshade lang ang bukas sa kabuuan ng kwarto. Hinawi ko ang ilang naka-hanger na damit saka ako at tiningnan ang kabuuan ng closet. Tumalikod na ako at bumalik sa kama.

Ngumiti ako sa pamangkin ko.

“N-nakita mo ba siya, tita?” tanong niya.

“Wala naman, e. Imagination mo lang talaga iyong monster na sinasabi mo. Wala akong nakitang monster sa closet. Wala talaga kaya wala kang dapat ikatakot,” giit ko.

“Pero, Tita Jewel—”

“Okay. Ganito. Doon ka na lang matulog sa akin sa guest room pero for tonight lang. Bukas ay dito ka na ulit matutulog.” Bumaba na ulit ako sa kama. Binalot ko sa kumot ang pamangkin ko at kinarga ko na siya.

Malalaki ang hakbang na nilisan namin ang kwartong iyon. Ngunit imbes na sa kabilang kwarto kami pumasok ay tinahak ko ang hagdan pababa ng second floor ng kanilang bahay. Sa bilis ng paglalakad ko ay para bang merong humahabol sa amin.

“Tita Jewel, akala ko po ba ay sa guest room tayo pupunta?”

“Shh… 'Wag kang maingay. Silent ka lang. Okay?” Nangangatal sa takot na sabi ko.

Paano ko ba kasi sasabihin sa pamangkin ko na totoo pala ang “monster” na sinasabi niya na nasa closet?

Kanina, nang tingnan ko ang loob ng closet ay may nakita akong lalaki sa likod ng mga damit na naka-hanger. Nakasuot siya ng hooded jacket at may dala siyang patalim. Nagkunwari lang ako na hindi siya nakita para magawa naming makalabas ng bahay ng aking pamangkin.

Sa wakas ay nakalabas na kami ng bahay. Tumakbo ako sa kapitbahay at kumatok para humingi ng tulong.





THE END

100 Tales Of Horrorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن