STORY #73: Nightmare/ Dream

3K 188 18
                                    

DEDICATED TO: kristinefayetan (Faye)

DEDICATED TO: kristinefayetan (Faye)

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.


“PAPATAYIN kita, Faye! Tumakbo ka ng mabilis, Faye!” Nakakatakot na sigaw ng matandang babae na humahabol sa akin sa kagubatan na parang walang hanggan.

Gabi. Bilog ang maliwanag na buwan. Nagtataasan ang puno sa paligid at sumasabay pa sa malakas na kabog ng aking dibdib ang iba’t ibang huni ng mga hayop na sa gabi lamang gising.

Hindi lang ang boses ng matandang babae ang nakakatakot kundi maging ang kaniyang hitsura. Nakasuot siya ng kulay puting bestida na puno ng putik at dugo. Ang buhok niya ay hanggang beywang niya at tumigas na iyon dahil sa putik. Kulubot ang mukha niya, malaki ang namumula niyang mata at walang ngipin. Puro gilagid lang.

Ang mas nakakatakot pa ay ang hawak niyang kutsilyong mahaba. Sa tuwing lumilingon ako para tingnan kung gaano na siya kalayo ay iwinawasiwas niya iyon sa hangin.

Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahabol at kung bakit niya ako gustong patayin. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako dahil tinatawag niya ako sa aking pangalan.

“Papatayin kita, Faye! Takbo, Faye! Takbo!!!”

Narinig ko na naman ang matinis niyang boses sa may likuran ko.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo dahil alam kong katapusan ko na oras na magpang-abot kaming dalawa. Umiiyak na ako sa takot. Panay ang sigaw ko para humingi ng saklolo kahit alam kong tila imposible na meron pang ibang tao sa gubat na iyon bukod sa aming dalawa ng matanda.

Wala akong balak na huminto sa pagtakbo kahit labis na ang pagod ko. Ayokong masawi sa kamay ng nakakatakot na matandang iyon!

Hanggang sa isang napakatarik na bangin ang bumulaga sa aking unahan!

Sa bilis ng aking pagtakbo ay hindi ko na nagawang makahinto. Tuloy-tuloy akong nahulog at bumulusok paibaba. Bago tuluyang bumagsak ang katawan ko sa matutulis na bato sa ibaba ng bangin ay narinig ko pa ang nakakakilabot na halakhak ng matandang babae…

-----ooo-----

HABOL ko ang paghinga nang magising ako mula sa panaginip na iyon. Panaginip nga ba? O mas tamang sabihin na bangungot?

Ako ay nasa aking kwarto. Sinapo ko ang aking ulo.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Napatalon ako sa aking kama nang may isang nakakatakot na matandang babae ang pumasok. May dala siyang matalim na kutsilyo!

“Papatayin kita, Faye! Takbo!!!” sigaw niya.

H-hindi! Siya na naman! Tili ng utak ko.

Mabilis akong tumalon sa kama nang tumakbo siya papalapit. Binuksan ko ang bintana at walang pagdadalawang-isip na tumalon. Pagbagsak ko ay nagtaka ako dahil nasa ibang lugar na ako. Nasa isang gubat ako. Gabi at bilog ang maliwanag na buwan.

Tumakbo ako nang tumakbo. Nasa likuran ko ang matandang babae na gusto akong patayin.

Maya maya ay isang bangin ang sumalubong sa akin at nahulog ako doon.

Mabilis na bumulusok ang katawan ko at napapikit na lang ako nang makita ko na puro matutulis na bato ang aking babagsakan…

-----ooo-----


HABOL ko ang aking paghinga nang magising ako. Nasa kwarto na ulit ako.

Sana gising na ako. Sana gising na ako. Diyos ko! Sana gising na ako— Naputol ang pagdadasal ko sa aking utak nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok ang nakakatakot na matandang babae.

“Papatayin kita, Faye! Takbo, Faye!!!”

Ano bang nangyayari? Ilang beses nang naging paulit-ulit ang bangungot kong ito.

Ang huli kong natatandaan ay natulog ako ng pagod na pagod. Tapos nanaginip ako na hinahabol ako ng matandang babae sa gubat. Magigising ako at akala ko ay gising na talaga ako pero nasa panaginip pa rin pala ako.

Paulit-ulit lang at hindi ko na mabilang kung ilang beses na.

Sana pagkatapos nito ay huli na.

Sana ay magising na ako sa panaginip o bangungot na ito…






THE END

100 Tales Of HorrorKde žijí příběhy. Začni objevovat