STORY #57: Shower At Night

3.5K 304 159
                                    

DEDICATED TO: clengyyyy (Claire)

DEDICATED TO: clengyyyy (Claire)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






“GRABE! Sobrang nakakatakot 'yong movie! Sulit na sulit ang pera natin. Ilang beses din akong napasigaw, ha!”

“Ako nga din! Pero iba talaga itong si Claire! Poker face lang ang drama. Hindi man lang yata ito tinatablan ng takot sa horror movies!”

Maarte kong itinirik ang aking mata habang papalabas na kami ng movie house kasama ang dalawang kaibigan kong babae. “Duh! Nakakatakot na ba iyon? Sa dami kasi ng horror movies na napanood ko ay immune na ako sa mga jump scares and everything!” Pagmamalaki ko.

“Ikaw na talaga ang malakas, Claire!”

“Tama. Si Claire lang ang malakas!” At nagtatawanan na nag-apir pa ang dalawa kong kaibigan.

Iyon ang akala nila… Dahil ang totoo ay matatakutin talaga ako. Ang hindi nila alam ay pumipikit ako kapag alam kong nakakatakot na ang scene sa movie. Siyempre, madilim sa loob ng cinema kaya hindi nila napapansin. Ayoko lang kasi na alaskahin nila ako kaya nagpapanggap akong hindi matatakutin.

Last full show kami nanonood kaya late na akong nakauwi sa bahay. Nakasanayan ko nang maligo bago ako matulog para presko. Lalo na ngayon na galing kami sa labas. Feeling ko ay napakaraming alikabok ang nakadikit sa balat ko kaya kailangan ko talaga ng ligo.

Kasama ko sa bahay ang aking buong pamilya. Tapos share kami sa kwarto ng nag-iisa kong kapatid na babae din.

Pag-uwi ko ay tulog na silang lahat. Patay na ang ilaw sa buong bahay kaya natatakot ako. Mapapagilatan ako kapag binuksan ko dahil lalaki daw ang bayarin namin sa kuryente. Kaya wala akong choice kundi ang pumunta sa banyo nang patay ang ilaw sa salas at kusina. Binuksan ko agad ang ilaw sa banyo pagkapasok ko.

“Hay, thank you…” Wala naman akong nakitang kahit na anong nakakatakot bago ako makapasok ng CR.

Malakas din kasi ang imagination ko. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak kong nakakatakot kaya mas lalo akong nakakatakot lalo na kapag mag-isa lang ako.

Naghubad na ako ng lahat ng suot ko at isinampay iyon sa sampayan sa banyo. Binuksan ko ang gripo na may timbang nakasahod. Pinuno ko muna iyon bago kinuha ang tabo at nagbuhos ako ng sunud-sunod.

Pumasok sa isip ko ang hitsura ng matandang babae na multo doon sa movie na pinanood namin habang nagbubuhos ako at nakapikit. Na-imagine ko na nasa isang sulok siya ng banyo at nakatingin sa akin. Nakakatakot pa naman ang hitsura ng multong iyon. Halos buto’t balat na tapos may lubid sa leeg. Palaging nakanganga, malaki ang mga mata at mahaba ang buhok na puro puti na.

Itinigil ko ang pagbubuhos ng tubig at tumingin sa aking paligid.

Walang matandang multo.

Hay! Bakit ba kasi ako ganito matakot? Talagang gumagana nang sobra ang imagination ko!

Takot man ako na baka sa tuwing nakapikit ako ay may nakatingin sa aking multo ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paliligo. Takot is life but ligo is lifer! Ayokong humiga sa kama nang madumi ang aking katawan, 'no!

Kaya mo iyan, Claire. Walang multo. Walang multo… sabi ko sa sarili.

Nagbuhos ako. Isa lang. Sabay shampoo. Buhos ulit ng tubig gamit ang tabo.

Nagtaasan ang balahibo ko nang ma-imagine ko na may nakasilip na matandang babae sa maliit na bintana sa banyo.

Itinigil ko agad ang pagbubuhos at tumingin sa bintana. Wala naman.

“Ano ka ba naman, Claire? Ang OA na ng pagiging matatakutin mo!” Mahina kong sabi sa aking sarili. Kapag nalaman ng mga kaibigan ko na ganito ako ay pagtatawanan talaga nila ako.

Isinara ko muna ang bintana at saka ako nagpatuloy ulit sa pagligo.

Sinabon ko na ang katawan ko. Huli ang mukha. Kahit mahapdi ang sabon sa face ko ay hindi pa rin ako pumipikit. Sa tuwing pumipikit kasi ako ay kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Feeling ko ay may nakatingin sa akin, e.

Buhos ulit. Binilisan ko. Habang nagbubuhos ng tubig ay na-imagine ko na nasa kisame na parang butiki iyong matandang multo!

Kahit medyo nalulunod sa sunud-sunod na buhos ko ng tubig ay tumingala ako. Wala akong nakitang multo o kahit na ano doon.

Grabe na talaga itong pagiging matatakutin ko. Medyo sobra na.

Teka nga. Makapag-music na nga lang at baka mabawasan ang takot kong ito.

Ipinunas ko ang kamay ko sa pinaghubaran kong damit at dinukot sa nakasampay kong shorts ang aking cellphone. Nagpatugtog ako ng How You Like That at ipinatong iyon sa gilid ng sink. Medyo nilakasan ko.

Napakanta at sayaw na ako habang naliligo hanggang sa matapos na ako. Effective pala ang may music para ma-divert ang takot ko, e. Ganito na lang ang gagawin ko sa sunod kapag natatakot akong maligo kapag gabi.

Ay, shit. Nakalimutan kong kunin iyong tuwalya ko sa kwarto.

Wala akong choice kundi ang tawagin si mama. Binuksan ko nang kaunti ang pinto ng banyo saka sumigaw. “'Maaa! Tuwalyaaa!!!” malakas talaga para magising siya kung tulog na.

Wala pang kalahating minuto ay may kamay na pumasok sa kaunting awang ng pinto at nag-abot sa akin ng tuwalya.

Kinuha ko agad iyon. “Thanks, 'ma!” Isinarado ko na ang pinto at tinuyo ang aking sarili gamit iyon.

Nagtatapis na ako ng tuwalya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Muntik na akong mapamura sa gulat. Si mama lang pala. Tumatawag.

Anong trip nitong si mama at may pagtawag pa talaga?

Sinagot ko na lang at baka mabungangaan ako. “Hello, 'ma. Salamat sa tuwalya, ha!” Baka kasi papagalitan ako kasi hindi niya narinig ang pagpapasalamat ko kanina.

“Ano bang tuwalya pinagsasabi mo, Claire? Oo nga pala, nasa bahay ka na ba? Wala kami diyan ng papa mo at ng kapatid mo. Nandito kami sa kabilang kalye at nakikipaglamay kami sa nanay ng kumare ko. Si Lola Insiang! O, baka naman magbabad ka sa internet! Tama na kaka-Omegle mong harot ka, ha! Kung gusto mo ay sumunod ka dito…”

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni mama dahil nanlamig ang buong katawan ko.

Kung wala akong kasama dito sa bahay… sino iyong nag-abot sa akin ng tuwalya?

Literal na nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko habang unti-unting humaharap sa may pintuan.

Nanlaki ang mata ko sa takot nang may makita akong isang matandang babae na nakasilip doon habang nakangiti sa akin. Sinubukan kong sumigaw pero walang lumabas sa bibig ko.

Gusto kong isarado ang pinto ng banyo pero hindi ko magawang igalaw ang kahit na anong parte ng aking katawan.

“May ipapaabot ka pa ba?” tanong ng matanda habang binubuksan na niya nang malaki ang pinto ng banyo.

Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas sa akin. Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan kong sumigaw. Doon na ako nagtagumpay sa pagsigaw. Mabilis kong isinara ang pinto at narinig ko ang paghampas ng mukha ng matanda sa makapal na pinto ng banyo.

Natatarantang ibinalik ko sa aking tenga ang cellphone. “Mama! Mama!”

“Ano ba iyong narinig kong sumigaw ka, Claire?! Nandiyan ang lola mo. Iyong nanay ng papa mo. Baka magising sa bunganga mo! Nakakita ka na naman ba ng ipis?! Matatakutin ka talagang leche ka!”

Lola ko? Nanay ni papa?

Naku… Yari na!

“Aray ko… Nagkabukol yata ako…” Napakagat na lang ako sa aking daliri nang marinig ko ang pagdaing ng matanda sa labas ng banyo namin.




THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now