STORY #93: Leave The Door Open

2.6K 171 22
                                    


DEDICATED TO: Aerizze (Aerizze)

DEDICATED TO: Aerizze (Aerizze)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





“SIGURADO ka ba na hindi ka sasama sa amin, Aerizze?” Tanong sa akin ni mommy nang inihahatid ko na sila nina daddy at dalawa ko pang kapatid sa van namin na naka-park sa harapan ng aming bahay.

Papunta kasi sila kina lola sa province para mag-vacation. One week kasing walang pasok ang mga nakakabata kong kapatid kaya they think na this is the best time para magbakasyon.

“Mommy, you know na hindi ako pwedeng sumama. Exam week is next week. Kailangan kong mag-review. Saka may pasok pa kami. College na ako, remember?”

“Worried lang ako kasi mag-isa ka lang sa bahay. Are you sure okay ka lang? Kung gusto mo ay papapuntahin ko ang pinsan mo na si Annie para may kasama ka?”

“No need na, mommy. Nag-iwan naman kayo ng money at maraming stocks ng food. I’ll be okay! Iu-update ko po kayo palagi!”

“Okay. Basta huwag mong kakalimutan na mag-lock ng pinto bago ka matulog. Ang please, no visitors muna lalo na ang boyfriend mo. May tiwala kami sa iyo pero—”

“Mommy, enough. Alam ko na po. Sige na. Umalis na kayo kasi pagabi na.”

Pagkaalis ng family ko ay pumasok na ako sa bahay. Nagtatalon ako sa saya kasi gusto ko talagang masolo ang bahay. Bonus pa na one week na mangyayari iyon. The truth is… gusto kong mag-overnight ang boyfriend ko mamaya dito sa bahay. I texted him at nag-reply siya. Sabi niya, late na siya makakapunta kasi may part-time job siya tapos ten o’clock ng gabi ang out niya.

Sayang. Akala ko ay magkakasabay kami sa dinner. Pero okay lang din pala kasi marami pang next time dahil one week na ako lang mag-isa dito sa house.

Bakit mo ba ako gustong papuntahin diyan? Baka magalit parents mo… Text pa ng boyfriend ko na si James.

AERIZZE: Wala sila dito. One week silang on vacation. The house is all ours for seven days!

JAMES: Talaga?! Wow! Ayos iyan. Sige, after ng work ay diretso na ako diyan. May gusto ka bang gawin?

AERIZZE: Naughty! Wala, 'no! I just want to be with you tonight…

-----ooo-----

DINNER time na. Ininit ko na lang sa microwave ang carbonara sa ref. Iyon ang kinain ko for dinner. Original plan ko ay magpapa-deliver ng pizza then movie marathon with my boyfriend pero dahil sa may pasok pala siya sa work ay hindi na iyon natuloy. Next time… Maybe bukas.

After ng dinner ay nanood ako ng movie hanggang sa inantok na ako…

Ten o’clock na pala. Nasaan na kaya si James?

Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot kaya nag-text na lang ako.

AERIZZE: Sa’n ka na? 10pm na…

JAMES: Sorry 'di ko nasagot call mo. Nandito pa ako sa work, e.

AERIZZE: What time na out mo?

JAMES: After one hour pa. OT. Sorry, ha.

AERIZZE: It’s okay. Pero sleepy na ako, e. Baka makatulog na ako.

JAMES: Matulog ka na. Gisingin kita kapag nandiyan na ako. Leave the main door open na lang para ma-surprise ka kapag nasa tabi mo na ako.

AERIZZE: Ikaw talaga! Oo na. I’ll leave the main door open saka 'yong gate.

Haaay… 'Di ko na talaga kaya. Sobrang antok na ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa bed. Hindi ko ini-lock ang gate at main door para hindi na ako gigisingin ni James kapag nandiyan na siya para ipagbukas siya. Wala kasi siyang susi ng house namin. Saka bakit siya magkakaroon, e, hindi naman siya nakatira dito. Silly me!

Mabilis akong makatulog lalo na kapag antok ako kaya wala pang one minute after kong pumikit ay tulog na ako. Humihilik pa ng slight.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tulog pero naalimpungatan ako dahil sa pagbukas ng pinto ng aking room. Rusty na kasi ang hinge no’n at hindi pa napapalitan kaya umiingit kapag binubuksan or isinasara.

“James…” Alam kong ang boyfriend ko iyon. Siya lang naman ang hinihintay ko, e.

Nakatagilid ako patalikod sa gawi ng pinto. Nasa harapan ko ang bedside table kung saan nakapatong ang aking phone at digital clock.

10:20PM na ng gabi. So, it means ay hindi pa ako ganoon katagal na nakakatulog.

Gumalaw ang kama ko at naramdaman kong tumabi si James sa akin. Yumakap siya mula sa aking likuran. Hinaplos ko ang braso niya.

“Akala ko ba ay one hour ka pa sa work mo? Ang bilis mo naman. Ikaw talaga… gusto mong sinu-surprise ako always!” Kinikilig kong sabi kahit antok-antok pa ako.

Biglang nag-ring ang phone ko. Inabot ko iyon at medyo nagtaka ako nang makitang tumatawag sa akin si James. Ano bang trip niya? Katabi ko na siya at kayakap dito sa kwarto ko pero tumatawag pa rin siya sa akin.

Hmm… Sige na nga. Sakyan ko na lang ang trip nitong boyfriend ko!

I answered his call.

“James, ano ba? Bakit ka pa tumatawag—”

“Aerizze! Pauwi na ako. Thank God kasi pinayagan ako ni boss na umuwi na. See you and I love you!”

Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabing iyon ni James. Feeling ko ay binuhusan ako ng isang timbang tubig na puno ng yelo. Hindi ko alam kung haharap ba ako sa taong nakayakap sa likuran ko o tatakbo na lang palabas ng bahay at hihingi ng saklolo sa mga kapitbahay.






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now