STORY #06: Meet Up Nightmare

7.3K 426 112
                                    

DEDICATED TO: HereIsSenpai (Thonio)

DEDICATED TO: CalliaJacy (Callia)

DEDICATED TO: CalliaJacy (Callia)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.













THONIO: Anong kulay ng suot mo?

CALLIA: Red dress. U?

THONIO: Red shirt. Black pants.

Tumingin ako sa paligid ng park kung saan ako nakatayo. Nasa tabi ako ng fountain na ang tubig ay kulay berde dahil sa lumot. Sa pagtingin ko sa aking kaliwa ay isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay pulang t-shirt ang nakita kong papalapit sa akin. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Siya na kaya ang ka-meet kong si Thonio na nakilala ko sa dating app na Tinder.

“Thonio?” tanong ko nang makalapit siya sa akin. Gwapo siya. Maputi at may kalakihan ang katawan.

“Ako nga. Callia? Right?” He smiled. Flashing his perfect teeth.

Nag-shake hands kami.

Tumango ako at sinagot ang tanong niya. “Yes!”

“So, saan tayo?” “Ayokong nag-aaksaya ng oras. Pwede bang sa…” Ibinitin niya ang kaniyang sasabihin.

“S-sure.” Nahihiya ko pang tugon.

Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad paalis ng park.

Kagabi ko lang nakilala si Thonio sa Tinder. Obviously, we matched sa naturang dating app. After that ay nag-chat na kami hanggang madaling araw. Attracted na agad kami sa isa’t isa hanggang sa nagkasundo kaming mag-meet ngayon. Mukhang hindi naman ako nagkamali na i-meet si Thonio dahil gwapo siya. Kung ano siya sa picture ay ganoon din sa personal. Hindi katulad ng mga dating naka-meet ko na sa picture lang gwapo pero sa personal pangit.

Sa paglalakad namin ay may nakita kaming mumurahing motel. Nag-check in kami.

Nauna na akong mag-shower sa kaniya. Habang nakatapat ang hubad kong katawan sa shower ay bigla siyang pumasok. Napasigaw ako nang sumugod siya na may dalang kutsilyo. Muntik niya akong masaksak pero nakaiwas ako.

Tumakbo ako palabas ng banyo. Tatakbo sana ako palabas ng kwarto pero nahablot niya ako sa buhok. Hinila niya ako pabalik. Inihagis niya ako sa ibabaw ng kama at pumaibabaw siya sa akin. Pinadaan niya sa aking pisngi ang malamig na dulo ng kutsilyo.

Nanginginig na ako sa takot. “M-maawa ka. 'Wag mo akong papatayin…”

“Tsk. Tsk. Tsk… Callia, nagkamali ka ng lalaking mi-neet.” Nakakatakot ang ngiti niya. “Nasaan ang pera mo? Anong password ng ATM mo?!”

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Malas. Sayang ang kagwapuhan ni Thonio. Isa pala siyang magnanakaw!

“Bilis! Sabihin mo bago ako mainip. Kapag nainip ako, papatayin na lang kita!” May kasamang gigil niyang sabi. Nakatutok sa mukha ko ang kutsilyo. Halos isang pulgada lang ang layo ng dulo niyon sa aking mukha.

Dahil sa mukha niya nakatingin si Thonio ay hindi nito pansin ang paggapang ng kaliwang kamay ko papunta sa aking bag na nakapatong sa side table. Mula sa bag ay hinugot ako ang kutsilyo na may habang anim na pulgada at walang pagdadalawang-isip na isinaksak iyon sa gilid ng kaniyang leeg!

Nagulat si Thonio. Paghugot ko ng kutsilyo ay pumulandit ang masaganang dugo. Hindi pa ako nakuntento at sa harapang parte ng leeg ko siya sinaksak at agad na inalis ang kutsilyo mula sa pagkakabaon.

Napapikit ako nang pumulandit sa mukha ko ang dugo ni Thonio. Pumikit ako upang mas lalong manamnam ang mainit-init at sariwang dugo niya. Hinayaan kong mahilamusan ng dugo ang aking buong mukha.

Bumagsak na siya sa ibabaw ko. Itinulak ko siya hanggang sa malaglag sa sahig. Tumayo ako at inihilamos ang dugo sa aking mukha hanggang sa aking leeg at braso. Gusto ko kasi ang pakiramdam ng malagkit na dugo sa aking balat. Meron iyong kakaibang dalang sarap para sa akin.

Tiningnan ko ang naghihingalong si Thonio at ngumisi. “Hindi ako ang nagkamali ng mi-neet, Thonio. Kundi ikaw!” sabi ko sabay tawa ng mahina.

Maya maya ay biglang tumunog ang aking cellphone. Isang unregistered number. “Hello. Sino ito?” kaswal na sagot ko sa tumawag.

“Ako ito—si Jeric. Iyong naka-match mo sa Tinder last night.”

“Oh, ikaw pala iyan, Jeric. I’m sorry. Bakit ka napatawag?”

“'Di ba, magme-meet tayo today. Nakalimutan mo na rin ba?”

“I’m really sorry. Medyo magulo lang ang utak ko ngayon. Sorry!”

“It’s okay. So, tuloy ba tayo?”

“Oo naman!” Mabilis kong sagot. Naglalakad na ako papunta sa banyo. “I-text mo na lang sa akin kung saan kasi maliligo pa ako. Bye, Jeric! See you later!” Pagkatapos ng tawag ay isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa aking labi.

Next victim!






THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon