STORY #24: La Vendetta

5K 323 40
                                    

DEDICATED TO: akosiidhess (Desiree)

DEDICATED TO: akosiidhess (Desiree)

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.








"MA'AM Desiree, confirmed. May foul play sa pagkamatay ng kapatid mo. Hindi siya nag-suicide. Tama po ang hinala ninyo na may pumatay sa kaniya. Hawak ko na po ang lahat ng ebidensiya. 'Eto po." Iniabot ng lalaking private investigator kay Desiree ay dalawang brown envelope.

Nasa isang parke sila na kakaunti lang ang tao ng hapon na iyon. Nakaupo sila sa iisang bench na nasa ilalim ng isang mayabong na puno ng acacia. Kinuha ni Desiree ang mga envelope pero hindi binuksan.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mamatay ang nag-iisa niyang lalaki na mas bata sa kaniya. Natagpuan ito ng asawa nito na nakabigti sa kwarto. Lahat ay naniniwalang nag-suicide ito pero siya ay hindi. Kaya nag-hire siya ng isang private investigator para malaman ang katotohanan. Hindi na kasi nagkaroon ng masinsinang imbestigasyon dahil sa nagpakamatay daw ito talaga.

"Sa investigation ko, lumabas na dalawang tao lang ang may motibo na gawin iyon sa kapatid mo. Ang isa sa empleyado niya na sinisante niya last year at ang asawa niya." Pagpapatuloy ng private investigator.

Tumiim ang bagang ni Desiree. "Sino sa kanila ang pumatay sa kapatid ko?"

-----ooo-----

DAHIL dalawa lang silang magkapatid ay labis na naging close sa isa't isa sina Desiree at ang kapatid niyang lalaki. Lalo na at tatlong taon lang ang agwat ng kanilang edad kaya halos magkasundo sila sa lahat ng bagay.

Bilang nakakatandang kapatid ay tagapagtanggol ang naging role ni Desiree sa kapatid niya. Payat kasi ito noong bata pa kaya palaging binu-bully. Nandoon siya palagi para ipagtanggol ito. Nag-improve ang pisikal na anyo ng kapatid niya nang matapos ito sa kolehiyo. Naging matagumpay ito sa pagtatayo nito ng restaurant. Yumaman ito sa sarili nitong sikap kahit pa mayaman na ang kanilang pamilya. Doon na nito nakilala ang napangasawa nito.

"Ate Desiree! What are you doing here?" Bakas sa mukha ng asawa ng kapatid niya ang gulat nang siya ang mapagbuksan nito sa gate ng bahay nito.

Maganda at sexy ang asawa ng kapatid ni Desiree. Wala itong trabaho at sa bahay lang. Pala-ayos at palaging updated ng selfies nito ang social media account nito. Tapos ito ng pag-aaral pero hinahayaan lang nito na ang kapatid niya ang mag-isang kumayod. Sa loob ng limang taon na nagsama ang dalawa ay hindi biniyayaan ng anak ang mga ito.

"Gusto ko lang dalawin ka." Matipid na sagot ni Desiree. Nakasuot siya ng kulay itim na bodycon dress. Mahaba ang manggas pero lantad ang kaniyang mga balikat. Ang haba niyon ay hanggang itaas ng kaniyang tuhod. Mula sa pakikipag-usap sa private investigator ay may ginawa lang siya sandali at dumiretso na siya dito.

"Nagulat lang kasi ako. This is unexpected."

"May mga gusto lang akong kunin na gamit ng brother ko. Saka nagdala din ako ng dinner and wine." Walang ngiting turan niya. "Kukunin ko lang sa kotse ko. Pumasok ka na sa loob at ayusin ang dinner table."

Hindi na hinintay ni Desiree na makapagsalita ang babae. Tumalikod na siya at kinuha sa kotse ang isang tupperware at isang bote ng alak. Diretso siyang pumasok sa loob ng two-storey na bahay at nagpunta sa dining area. Naabutan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na naglalagay ng mga pinggan at kubyertos sa lamesa. Inilapag niya sa lamesa ang tupperware.

"Ano bang dala mo, ate?"

Inalis niya ang takip. "Buttered shrimps. Ako mismo ang nagluto."

"Pero, ate, you know na allergic ako sa shrimps. Right?"

"Ipapahiya mo ba ako? Ako ang nagluto niyan para may pagsaluhan tayo. I don't care kung allergic ka diyan. Ang gusto ko, kumain ka."

Natameme ito. Hindi na umapela. Umupo sila sa magkabilang dulo ng lamesa. Pinapanood lang niya ang babae habang binabalatan ang hipon at kinakain.

"You killed my brother!" ani Desiree. Napahinto ito sa pagbabalat at tumingin sa kaniya. "Alam kong ikaw ang pumatay sa kapatid ako."

"A-ano bang sinasabi mo, Ate Desiree? Hindi ko siya pinatay. Nagpakamatay si-"

"You're a filthy, gold-digger, two-faced bitch. You killed my brother dahil sa insurance niya! For thirty million pesos? Ginawa mo iyon!" Mariin na naikuyom ni Desiree ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nangingilid ang luha niya dahil sa sobrang galit.

Mula sa mabait na mukha ay tila isang demonyong ngumisi ang asawa ng kapatid niya. "So, alam mo na pala ang lahat. Ano pa ang nalaman mo?" Patuloy ito sa pagbabalat at pagkain ng hipon.

"May iba kang lalaki! Kayong dalawa ang naplano ng pagpatay sa kapatid ko!"

"Yeah. Tama ka. At ano ang kasunod na gagawin mo? Magsusumbong sa pulis?" Tumawa ito nang malakas. "Sa tingin mo ba ay maniniwala sa iyo? E, dati kang drug addict. Kung hindi ka lang nagpa-rehab, baka hanggang ngayon ay adik ka pa rin, Desiree. Walang maniniwala sa iyo."

"Alam ko. Alam kong walang maniniwala sa akin. Kaya nga, naisipan kong gumanti sa iyo. Pinakain kita kung saan ka allergic!"

Mataginting na tumawa ang asawa ng kapatid niya. "Hindi ako allergic sa shrimps! Umaarte lang ako. Wala lang. Gusto ko lang na mas lalo akong kaawaan ng kapatid mo kapag kunwari ay nagkakaroon ako ng allergic reaction sa pagkain ng shrimps! Mami-miss ko talaga ang pagiging uto-uto ng kapatid mo, Desiree!" Umiling-iling pa ito.

Napangisi si Desiree. "Alam ko namang hindi ka allergic sa shrimps, e."

"Alam mo naman pala. E, bakit ito ang pinakain mo sa akin?"

"Hindi naman shrimps ang tinutukoy kong may allergy ka. May isang pagkain na alam kong allergic ka."

Kumunot ang noo ng babae. "Ano pa bang ingredients nitong buttered shrimps mo? I'm sorry to say pero wala akong allergy sa kahit na anong pagkain kaya you're just wasting your-"

"Sa lason! Hindi ka ba allergic sa lason?" Nag-uuyam na sabi ni Desiree. Natigilan ang babaeng kasama niya sa dining table. Napanganga ito at kita niya ang panginginig ng mukha nito. "O, bakit natahimik ka diyan? Naku... mukhang tama ako. Allergic ka nga sa lason! Ang dami ko pa namang inilagay diyan sa buttered shrimps!"

Tumayo ang asawa ng kapatid niya. "H-ha... y-yop k-ka..." Nahihirapang sabi nito. Napahawak ito at bakas sa mukha nito ang labis na paghihirap.

Tinawanan lang ito ni Desiree dahil alam niyang naipaghiganti na niya ang kaniyang kapatid na walang awa nitong pinatay dahil lang sa pera!










THE END

100 Tales Of HorrorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora