STORY #87: All Eyes On Me

2.7K 215 39
                                    


DEDICATED TO: kayeshiri (Kayeshi)

DEDICATED TO: kayeshiri (Kayeshi)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






DISAPPOINTED na itinaktak ni Kayeshi ang lahat ng rejuvenating set na isang taon na niyang ginagamit. Wala na. Sumuko na siya sa mga produktong nangangakong papagandahin ang balat niya lalo na ang sa mukha sa maikling panahon lang.

Hindi siya pumapalya sa paggamit ng mga produktong iyon sa umaga at lalo na sa gabi. Kahit inaantok siya ay pilit siyang gumagamit niyon. May facial wash, rejuvenating toner, cream at mositurizer. Parang mas lumala pa nga ang pimples niya sa mukha, e. Hindi na nabakante ang mukha niya sa mga tigyawat na akala mo ay nagsi-sex kaya hindi matigil ang pagdami.

“Ayoko nang maging pangit!” Iyak ni Kayeshi habang nakatingin sa salamin.

Palagi na lang siyang tinutukso sa trabaho niya sa opisina na hindi siya magkakaroon ng jowa dahil sa mga pimples niya. Hindi daw siya kagandahan kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay walang nangangahas na manligaw sa kaniya.

“Kailangan kong gumanda! Agad-agad! Ipapakita ko sa lahat ng nanlalait sa akin na may pag-asa pa akong gumanda!” Puno ng pag-asang sabi ni Kayeshi matapos niyang umiyak sa harapan ng salamin sa kaniyang kwarto.

Kung hindi na kaya ng mga produktong pampaganda ang kaso niya ay sa iba na niya ilalagay ang pag-asa niyang gumanda!

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at naghanap ng mahusay na doktor na pwedeng gumawa sa mukha niya. Oo. Magpapa-retoke siya. Iyon na ang last resort niya. Walang problema ang pera kung iyon ang usapan. Gagastusin muna niya ang ipon niya sa banko para sana sa pambili niya ng bahay. Saka na ang bahay. Ganda muna ang uunahin niya!

Sa paghahanap niya sa Google ng mahusay na doktor ay nakita niya ang pangalan na Dr. Vlad Dee. Ayon sa isang advertisement sa website na nakita niya ay mura at safe ang serbisyo ng naturang cosmetic surgeon.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Kayeshi. Kinabukasan ng umaga at sinadya niya ang clinic ng naturang doktor. Medyo tago ang clinic kaya nahirapan siyang hanapin iyon. Isang babaeng nurse ang humarap sa kaniya at tinanong kung may schedule siya.

“Wala po, e. Walk in lang ako.” Iyon ang isinagot niya sa nurse na parang ang sungit. Hindi kasi ngumingiti. Panay pa ang nguya ng bubble gum na akala mo ay kambing.

“Maswerte ka dahil walang pasyente ngayon si Dr. Vlad. Sumunod ka sa akin sa opisina niya!” Parang galit pa ang nurse kung magsalita.

Sumunod na lang si Kayeshi sa nurse. Ipinasok siya nito sa isang opisinang maaliwalas. Isang matangkad at gwapong lalaki ang nakaupo at busy na nakaharap sa laptop sa table nito. Lihim siyang kinilig sa lalaking iyon lalo na nang makita siya nito.

“Good morning, doc. May pasyente po kayo,” sabi ng nurse at lumabas na ito.

Lumapit si Kayeshi. “Doc, magandang umaga. Ikaw po ba si Dr. Vlad Dee?”

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now