STORY #35: Bloody Mary

4.3K 275 40
                                    

DEDICATED TO: CoffeeLoveYou (Angelibeth)

DEDICATED TO: CoffeeLoveYou (Angelibeth)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.











“BLOODY Mary… Bloody Mary. Bloody… Mary…”

Shit. Bakit ko ba 'to ginagawa? Kalokohan lang naman ito at hindi totoo.

Kahapon kasi ay naglaro kami ng friends ko sa school dahil wala kaming teacher sa last subject. Truth or dare—iyan ang nilaro namin. At ang dare sa akin ay gawin ko ang Bloody Mary while filming.

Gusto kasi nilang malaman kung totoo ba si Bloody Mary. I-summon ko daw si Bloody Mary. Mga leche sila. E, kung sila kaya ang gumawa! Porket hindi ako naniniwala sa mga paranormal things ay sa akin na nila ipapagawa ang Bloody Mary—shit na iyan.

Paano ba tawagin o i-summon si Bloody Mary? Simple lang. Pumunta ka ng hatinggabi sa banyo na merong salamin at magdala ka ng isang kandila na may sindi. Patayin mo ang ilaw at ang magiging ilaw mo lang ay ang kandila. Humarap ka sa salamin habang hawak ang kandila at iwasang mapaso sa mga patak niyon. Pagkatapos, sambitin mo ang pangalang “Bloody Mary” nang labing-tatlong beses. Mahina sa umpisa hanggang sa palakas nang palakas. Magpapakita na daw sa iyo si Bloody Mary sa salamin.

“Bloody Mary. Bloody Mary. Bloody Mary!” Anim na beses ko nang sinasabi ang pangalan na iyon. Medyo malakas na din ang boses ko. Wish ko lang ay hindi magising ang nanay ko at siguradong mapapagalitan niya ako.

'Eto ako ngayon. Mag-isa sa banyo ng aming bahay. Hawak ang isang kandilang may sindi at patay ang ilaw. Nakaharap sa salamin habang palakas nang palakas na sinasabi ang pangalang Bloody Mary. May camera na naka-set up sa likuran ko para kita iyong salamin. Doon daw kasi magpapakita si Bloody Mary kaya dapat ay doon nakatutok ang camera.

“Bloody Mary! Bloody Mary—”

Napahinto ako sa ika-walong pagtawag ko sa pangalan ni Bloody Mary. Parang may humampas na malakas na hangin sa mukha ko. Malamig na hangin. Nakakapagtaka dahil kulong ang banyo at walang bintana sa harapan ko. Saan nanggaling ang hangin-shit na iyon?

Huminga ako nang malalim. Tuloy mo lang, Angelibeth. Five na lang. Five na lang… sabi ko sa aking sarili.

“Bloody Mary—shit!!!” Napamura ako sa gulat nang may narinig akong nag-aaway na pusa sa bubungan ng aming bahay.

Bakit ba paboritong battlefield ng mga pusa ang bubong?! Aatakihin ako sa puso sa gulat!

“Bloody Mary! Bloody Mary!” Sumisigaw na ako. Hindi ako natatakot sa pagpapakita ni Bloody Mary kundi sa nanay ko kapag nagising siya.

“Bloody Mary!” Okay. Isa na lang. Matatapos na ang kalokohan na ito.

“Bloody Mary!!!” Finally. Nasabi ko na ng labingtatlong beses.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa salamin. Hinihintay kong magpakita si Bloody Mary pero lumipas ang ilang minuto ay walang kakaibang nangyari. Walang Bloody Mary. Sinasabi ko na nga ba, kalokohan lang ito.

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now