STORY #20: Who's Dead?

4.6K 337 98
                                    

DEDICATED TO: marivicmartinito (Marivic)

DEDICATED TO: marivicmartinito (Marivic)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




“BABY, kumusta ka na? O, bakit parang sad ang baby ko? Nagugutom ka na ba? Gusto mo ng milk? Hay… Big girl ka na kaya hindi ka na dapat nagmi-milk. Remember, nine years old ka na next month.” Magiliw na sabi ni Marivic sa isang batang babae na nasa kaniyang kandungan.

Nakaupo siya sa gilid ng kama ng gabing iyon. Tahimik ang kapaligiran ang ang ugong ng aircon ang tanging naririnig niya. Nakatingin lang sa kaniya ang batang babae na ang pangalan ay Marie.

Anak niya si Marie. Araw-gabi ay binabantayan niya ito.

Plain housewife siya kaya madali para sa kaniya na matutukan ang nag-iisang anak. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak lalo na at sinabi ng doktor na hindi na siya pwedeng magkaroon ng anak matapos niyang ipanganak si Marie. Delikado daw para sa kaniya at baka kapag nabuntis ulit siya ay maging dahilan pa para manganib ang buhay niya at ng magiging baby niya.

Tanggap na ni Marivic na ganoon ang kaniyang kapalaran. Ang importante ay meron na siyang anak ngayon.

“Mahal na mahal kita, baby ko. Aalagaan kita habang ako ay nabubuhay…” buong pagmamahal na sabi ni Marivic kay Marie.

“I love you too, mama!” Labis na sumaya si Marivic nang bigyan siya ng anak nang mahigpit na yakap. “Mama, gusto ko po ng milk, please.”

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. “Sige. Ititimpla kita pero sa glass ka na iinom at hindi na sa feeding bottle. Okay lang ba?” Masayang tumango si Marie.

“Okay po, mama!”

Ibinaba muna ni Marivic ang anak sa kama at lumabas ng kwarto. Lumabas siya at napunta sa kusina. Kumuha ng babasaging baso at ipinagtimpla ng maligamgam na gatas ang kaniyang mahal na anak.

Pagbalik ni Marivic sa kwarto ay nagulantang siya nang hindi niya makita doon si Marie. Wala na ito sa kama kung saan niya ito iniwanan.

“Marie? Anak? Nasaan ka? N-nandito na ang gatas mo, anak! Halika na kay mama!” Tila nasisiraan ng ulo na tawag ni Marivic.

Sandali niyang ipinatong sa ibabaw ng mababang drawer ang baso ng gatas para hanapin si Marie. Kinakabahan siya dahil hindi basta-basta umaalis ang anak niya sa isang lugar kapag iniiwan niya ito. Masunurin kasi si Marie.

Una niyang tiningnan ang ilalim ng kama. Wala.

Kasunod ang loob ng kabinet. Wala.

Sa salas. Wala din.

Kahit saang sulok ng bahay. Wala. Hindi niya makita si Marie.

Bumalik siya sa kwarto at umaasang makikita doon ang anak pero bigo pa rin siya. Imbes na si Marie ay ang kaniyang asawa ang naabutan niya doon. Nakatayo ito sa tabi ng bintana at matamang nakatingin sa kaniya.

“Si M-marie? Nasa’n ang anak natin?” tanong ni Marivic sa lalaki.

Tahimik na humakbang ang lalaki palapit sa kaniya. “Huminahon ka, Marivic. Kailan mo ba matatanggap na wala na ang anak natin na si Marie? Matagal na siyang patay! Hindi naging matagumpay ang operasyon niya sa puso!” deklara pa ng kaniyang asawa.

Natigalgal siya. “H-hindi totoo iyan! Papaanong patay na si Marie? Nakikita ko siya—”

“Tanggapin mo na lang ang katotohanan,” anito sabay hawak sa kaniyang balikat. “Siguro ay hindi ka na naman uminom ng iyong gamot, Marivic. Halika, uminom ka na ng gamot mo.”

May luhang pumatak mula sa mata ni Marivic. “A-ayokong uminom ng gamot. D-dahil kapag ginawa ko iyon pati ikaw ay mawawala na rin. Pati ikaw ay hindi ko na rin m-makikita…” Nanghihinang napaupo sa sahig si Marivic.

Nakatulala lang siya habang nakatingin sa paa ng kaniyang asawa na hindi sumasayad sa sahig.








THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now