STORY #29: Take Home

4.1K 318 89
                                    

DEDICATED TO: JSMiracle (Joyang)

DEDICATED TO: JSMiracle (Joyang)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





“JOYANG!!!”

“Po?!”

“Joyang!!!”

“Ano po 'yon, mama?!”

“Joyang!!!”

“Ano nga po iyon—”

“Putang ina kang bata ka! Lumapit ka dito!”

Napakamot sa likod ng ulo ang batang si Joyang. Kinse anyos na siya ngunit isip-bata pa rin. Mula sa paglalaro ng manikang papel sa sahig sa salas ng kanilang bahay ay tumayo siya at pinuntahan ang nanay niya sa kusina. Nakaupo ito sa upuan sa kanilang hapag-kainan.

“Bakit po, mama?” tanong ni Joyang. Nakasuot siya ng dress na pambata. Kulay puti. May pulang ribbon siya sa buhok. Dalawa.

“Parating na ang papa at kapatid mo. Bumili ka ng pagkain sa labas. Ikaw na ang bahala basta 'yong masarap. Bilisan mo at magha-hapunan na tayo.”

“Pero naglalaro pa ako—”

“Leche! Nire-regla ka na at lahat ay naglalaro ka pa! Umalis ka na at nang-liliit na ang tingin ko sa iyo! Alis!” Pagtataboy ng nanay ni Joyang sa kaniya.

Sa takot niya na baka mapalo pa siya ay sumunod na lang siya. Lumabas na si Joyang ng kanilang bahay kahit madilim na. Naglakad siya nang mag-isa sa madilim na kalsada. Walang katao-tao dahil siguro kumakain na ng kani-kanilang hapunan ang kanilang mga kapitbahay ng oras na iyon.

-----ooo-----

ISANG lalaki na may katamtamang pangangatawan ang nakasunod sa isang dalagita. May suot siyang cap sa ulo at medyo nakayuko. Nakita ng lalaki ang bata kanina nang lumabas ito ng bahay. Umaayon pa ang pagkakataon sa kaniya dahil mag-isa lang ito.

Lumiko ang dalagita mas madilim na kalsada. Wala nang masyadong bahay doon.

Medyo binilisan ng lalaki ang paglalakad. Nang abot-kamay na niya ang dalagita at akmang hahablutin na niya ito ay saka ito lumingon sa kaniya.

“Sino ka po?” inosenteng tanong nito sa kaniya.

Napansin ng lalaki na isip-bata ang kausap kaya mas lalo siyang nagdiwang. Madali niya itong mauuto. Hindi siya mahihirapan na pasunurin ito hanggang sa magawa na niya ang binabalak niya.

“Kaibigan mo ako. Ikaw. Anong pangalan mo?”

“Joyang.”

“Gusto mo ba ng maraming laruan at candy?”

Tumango si Joyang. “Saka chekelets.”

“Oo. Meron din no’n. Saka balloons!”

“Ay, ayoko ng balloons!” Umiling si Joyang.

“Wala palang balloons!” Nakakatakot na ngumiti ang lalaki.

“Pero uuwi na pala ako. Pinabibili kasi ako ng mama ko ng pagkain tapos nakalimutan ko ang pera. Wala akong pambili.”

“Ganoon ba? Teka, sino ang kasama ng mama mo sa bahay?”

“Wala. Kaming dalawa lang ang nasa bahay ngayon. Bakit po?”

Lihim na napangiti ang lalaki. Mukhang dalawa pa ang mabibiktima niya ngayong gabi. Ito na yata ang pinaka swerteng gabi niya.

“Nauuhaw kasi ako. Baka pwedeng makainom sa bahay ninyo. Kawawa naman ako, e.”

“Sige po. Pwede naman. Kaya lang ay wala yata kaming malamig na tubig.”

“Okay lang!” Mabilis na sagot ng lalaki. “Masakit kasi ang lalamunan ko kaya ayos lang kahit hindi malamig.”

“Naku po. Baka coronavirus na iyan po!”

Todo-iling ang lalaki. “Hindi. Napasobra kasi ang kain ko ng candy. Ano? Tara na sa inyo?”

“Okay po. Sumunod ka po sa akin.”

Nagpatiuna si Joyang sa paglalakad. Nakasunod ang lalaki sa kaniya na iniisip na agad kung sino kay Joyang at sa nanay nito ang uunahin niyang pagsamantalahan.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating na nila ang bahay nina Joyang. Katamtaman ang laki. May mababang gate na yari sa malalapad na kahoy. Binuksan iyon ni Joyang at pinayapay siya.

“Halika po. Sunod kayo sa akin!” ngumiti pa ito.

Ngayon pa lamang ay nagdiriwang na ang lalaki. Pagbukas ni Joyang ng pinto ng bahay ay agad itong pumasok. Naiwang nakaawang ang pinto kaya malaya siyang nakapasok sa loob. Nakita niya si Joyang. Nakatayo sa gitna ng salas.

Isinara ng lalaki ang pinto. Ngumisi siya na parang isang demonyo.

“Mama! Nandito na po ang pagkain natin!” sigaw ni Joyang.

Kumunot ang noo ng lalaki. Anong pagkain ang sinasabi nito? Wala naman itong dala.

Hanggang sa may naramdaman siyang presensiya ng tao sa likuran niya. Walang pag-aatubiling lumingon siya nang mabilis. Isang babae na may hawak na dos por dos na kahoy ang nakatayo malapit sa pinto. Sa hula niya ay nasa likod iyon kanina ng pinto nang pumasok siya kaya hindi niya nakita.

Tumakbo ang babae palapit sa kaniya sabay hataw ng kahoy sa ibabaw ng ulo niya. Umikot ang paningin ng lalaki. Bumagsak ito sa sahig. Nanghihina. Nararamdaman niya ang pagbulwak ng masaganang dugo sa ibabaw ng ulo niya.

“Very good, Joyang! Pwede na iyan kahit mukhang hindi masarap!” sabi ng babae. Hinawakan nito ang dalawa niyang paa at hinila siya papunta sa kung saan.








THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now