STORY #85: Hotel de Moon

Start from the beginning
                                    

“Okay. I want a deluxe room, please.”

Inabutan niya agad ako ng key na may room number na 306. So, nasa third floor ang room ko. Hindi na ako nag-request ng mas malapit na room. May elevator naman, e.

Sakay ng elevator ay nakapunta ako sa third floor. Pumasok na ako sa aking hotel room at binuksan ang ilaw. Okay lang ang laki ng kwarto at may sariling CR din. Ang queen size bed lang ang nakita ko sa sobrang pagod ko. Patakbo akong lumapit sa bed at ibinagsak ang sarili doon.

“Finally…” I smiled. Pumikit ako dahil pagkalapat ng likod ko sa malambot na bed ay nakaramdam na agad ako ng antok.

Pero wala pang one minute akong nakapikit ay may narinig akong ingay sa kabilang room. Parang pinupukpok nang malakas at paulit-ulit ang dingding. Sa inis ko ay hinampas ko din ang katapat ng dingding kung saan ko naririnig ang noise. Nasa ulunan ko iyon kaya ang sakit sa tenga.

It stopped naman.

Pipikit na sana ulit ako nang may marinig na naman akong ingay. Parang nagwawala na iyong nasa kabila. May naririnig na akong nababasag na mga gamit.

“Hey! Ano ba?! May gustong matulog dito!” Hinampas ko ulit ang dingding at nawala na ang ingay. Sana naman ay wala nang kasunod, 'no. I really want to sleep!

My God! Nakakairita naman ang nasa kabilang room! Walang consideration!

Imposibleng hindi niya or nila alam na may tao dito dahil sumigaw na ako. I am hundred percent sure na narinig ako ng kung sino man na nasa kabilang room.

Naku, isa pa talaga. Pupuntahan ko na sila at ako na mismo ang magpapatahimik sa kanila!

Hindi pa nga ako nakakapikit ay may narinig ulit akong ingay sa kabilang room. This time ay parang ms matindi na. Nagsisigawan na parang nag-aaway. May babaeng sumisigaw na akala mo ay kinakatay na. Tapos may kasama pang pagbabasag ng kagamitan!

Wait. Sinabi ko na kapag nag-ingay ulit sa kabilang room ay pupuntahan ko na sila, 'no?

Uhm… I think hindi safe na pumunta ako doon. Parang nag-aaway kasi sila at baka madamay pa ako. Mabuti pa siguro ay ireklamo ko na sila sa ibaba.

Tumayo ako at dinampot ang telephone. Alam kong automatic na naka-connect iyon sa front desk. Kaunting ring lang ang narinig ko at sumagot na ang old lady.

“Magandang gabi. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?”

“Iyong sa kabilang room… They are so noisy. I can’t sleep. Ang ingay nila doon! Pwede bang ilipat niyo ako ng room now? As in… now!” I may sound demanding pero I don’t care. Karapatan ko iyon dahil magbabayad ako sa kanila.

Mas lalong nadadagan ang inis ko dahil wala akong narinig na sagot sa kabilang line.

“Hello?! May kausap pa ba ako?” Mataray kong turan.

Kalma, Betchay… Please, remain calm, Betchay… paalala ko sa self ko.

“S-sa third floor po kayo, 'di ba?” tanong ng matandang babae sa nanginginig na boses.

“Yes! I demand na—”

“Ma’am, ipapaalam ko lang sa inyo na kayo lang ang nasa third floor. Wala nang ibang naka-check in sa kahit na anong kwarto diyan maliban sa kwarto ninyo. Sa totoo lang, kayo lang ang nag-iisang guest namin ngayon kaya imposible ang sinasabi ninyo na may gumagawa ng ingay sa kabilang kwarto.”

Feeling ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig. Parang dinaanan ng yelo ang batok ko pababa sa aking spine. Sa tono ng pagsasalita niya ay alam kong seryoso siya at hindi basta tinatakot lang ako. Saka, wala siyang reason para takutin ako!

Sa takot ko ay nagmamadali akong umalis ng kwartong iyon at bumaba na sa front desk. Pero imbes na matandang babae ang naabutan ko ay isang dalaga na ang nandoon.

“Nasaan na iyong old lady dito kanina? Iyong receptionist!” Natataranta kong tanong sa babae.

Kumunot ang noo niya. “Ma’am, wala pong old lady dito—”

“Anong wala? Siya ang nagbigay sa akin ng susi sa third floor! Ayoko na. Aalis na ako dito!”

“Ma’am, ang tinutukoy niyo po bang old lady ay maliit at payat?”

Kinakabahan ako sa takot na nakikita ko sa mata niya.

“Y-yes. Siya nga.”

“Ma’am, imposible pong makausap or makita ninyo ang matandang babae na tinutukoy niya dahil matagal na po siyang patay. S-siya po ang pinalitan ko dito sa front desk. Ako ang pumalit sa kaniya nang mamatay siya…”

Para na akong mababaliw. Napasigaw na ako!

So, ibig sabihin ay kagagawan ng multo ang ingay sa third floor at iyong old lady ay multo rin?! Kung ganoon ay kailangan ko nang makaalis dito! Baka mabaliw na ako ng tuluyan!

“I hate this hotel!” sigaw ko pa at nagtatakbo ako palabas.

Ngunit mas lalo akong nagulantang nang paglabas ko ng hotel ay hindi na hotel ang nasa harapan ko. Isa na iyong abandonado at sira-sirang building!

Takot na takot akong sumakay ng car at naiiyak na nag-drive pabalik ng aming house. Saka na lang ako maglalayas. Kapag morning at maliwanag na. And I will never stay sa hotel at baka maulit ang creepy experience ko na 'yon!






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now