STORY #54: Smudge

Start from the beginning
                                    

Umalis na si Madam Mathilda at iniwan akong mag-isa sa basement. Bago siya umalis kanina ay sinabi niya na naka-preserve ang katawan ng mama niya doon kaya naka-sealed nang maganda ang kabaong nito. Isang taon na daw ito doon ay dahil sa husay ng pagkaka-preserve ay hindi talaga iyon naaagnas o nabubulok.

Lakas-loob kong sinilip ang kabaong. Kinilabutan ako nang makita ang bangkay sa loob. Ang takip kasi niyon ay purong salamin kaya kita ang buong katawan ng patay. Matanda na ang naroon. Kulubot ang balat pero mestisa. Maganda ang make-up niya, in all fairness. Tapos parang damit ng mga santo ang damit. Kulay red na parang sinabugan ng milyon-milyong diyamante. Kumikinang-kinang. Bongga naman pala!

First three days ng work ko sa Madrigal family ay talagang natatakot ako kasi kabaong na may dead body ang nililinis ko everyday!

Inisip ko na lang ang malaking sahod kaya unti-unti nang nawala ang takot ko. Nasanay na ako. Saka wala naman akong dapat ikatakot sa patay na dahil hindi na siya gumagalaw. Wala na siyang magagawa para saktan ako o may gawin siyang hindi maganda sa akin.

Ang ginagawa ko lang ay pinupunasan ko ang buong kabaong gamit ang special na pamunas at solution. Talagang pinapakintab ko nang husto. Lalo na ang salamin na takit ng kabaong, iyon talaga ang pinagtutuunan ko ng paglilinis ko. Madali kasi siyang makapitan ng dumi at madaling makita kasi salamin.

Tapos kapag nahawakan ko pa ay nagkakaroon ng smudges. Bumabakat iyong kamay at fingerprint ko sa salamin. Ayaw na ayaw ni Madam Mathilda ng ganoon.

Twice a day ko lang nililinisan ang kabaong. Pagkagising ko at bago umuwi si Madam Mathilda sa gabi. Pumupunta kasi siya sa basement pagdating niya para tingnan ang kabaong. Isang beses ay may nakita siyang bakat ng fingerprint ko sa salamin na takip. Napagalitan ako ng bongga!

Weird noon una pero na-realize ko na ganoon siguro kamahal ni madam ang mother niya.

“Hey, guys! Basta advice ko sa inyo, huwag kayong sumuko na mangarap. Huwag kayong susuko na tuparin ang inyong mga pangarap…” Hawak ko ang aking cellphone ng sandaling iyon habang nasa basement at nagba-vlog. “Kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, wala kayong mararating. Kagaya nito…” Isinama ko sa frame ang kabaong at ipinakita sa video ang mukha ng bangkay doon. “Magiging ganiyan kayo kapag wala kayong pangarap!”

Malakas akong tumawa. Magandang content ito for my latest vlog.

Isang umaga, napansin ko na puno ng smudges ang salamin. May bakas ng kamay kaya pinunasan ko. Ang nakakaloka, kahit anong gawin kong kuskos sa bakas ng kamay ay ayaw niyong maalis. Nasa tapat pa naman ng face ng mother ni Madam Mathilda!

Ilang beses kong nilagyan ng glass cleaner ang salamin pero ayaw talagang maalis ng bakas ng kamay.

“Yari ako nito kay, madam…” Kinakabahan kong tanong.

Maghapon akong nasa basement. Talagang lahat na yata ay ginawa ko para maalis ang bakas ng kamay pero nabigo ako.

Pagsapit ng ala sais ng gabi ay kumain muna ako. Dalawang oras na lang ay darating na si madam. Paniguradong mapapagalitan na naman ako nito!

After kong kumain ay bumalik na ako sa basement at napasigaw talaga ako.

“What is the meaning of this?!” Nanghihinang napaupo ako dahil sa aking nakita.

Halos maloka ako nang makitang nadagdagan ang mga bakas ng kamay sa salamin. Sino naman kaya ang pumasok sa basement at hinawakan ang salamin ng kabaong? Sinasadya ba niya na mahirapan ako sa paglilinis? Sigurado ako nang umalis ako ay hindi ganoon karami ang smudges sa salamin ng kabaong.

Anumang oras ay parating na si madam. Baka kapag nakita niya na ganito kadumi ang kabaong ng mother niya ay maimbyerna siya sa akin at alisin pa ako sa trabahong ito. Kung kailan sanay na ako sa paglilinis ng kabaong na may patay… Huwag naman sana, 'no!

Naku, tama na ang pag-e-emote. Kailangan ko na talagang alisin ang bakas ng kamay sa salamin. Agad kong kinuha ang pamunas at nilagyan iyon ng solution na panglinis sa salamin.

Pupunasan ko na sana ang mga bakas nang kamay nang mapakunot ang aking noo nang mapadako ang tingin ko sa mga bakas. Hinawakan ko ang salamin at maingat na ikinuskos ang isa kong daliri.

Nakakapagtaka. Kung smudges talaga iyon ay sigurado akong mag-iiba ang porma niyon sa pagkuskos ko. Pero kahit anong kuskos ko ay hindi, e.

Inilapit ko ang aking mukha sa mga bakas ng kamay para makita iyon nang maigi.

“OMG!” impit kong sigaw nang ma-realize kong wala sa labas ng salamin ang mga bakas ng kamay kundi nasa loob ng salamin!

Nanlamig ako at parang sasabog ang ulo ng sandaling iyon. Kung nasa loob ang bakas ng kamay ang ibig sabihin ba niyon ay…

Biglang gumalaw ang bangkay sa loob at malakas nitong inihampas ang kamay sa salamin na para bang gusto niyang lumabas!

Doon na ako malakas na sumigaw lalo na nang bumukas ang mata ng bangkay. Nagtayuan lahat ng buhok sa katawan ko. And yes, pati ang buhok ko sa down under.

Napatakbo ako palabas ng basement at nakasalubong ko pa si Madam Mathilda.

“Hey! Anong nangyayari—”

“Ayoko na magtrabaho dito, madam! Ayoko na!” Mangiyak-ngiyak at naghihisterikal kong sabi.






THE END

100 Tales Of HorrorWhere stories live. Discover now