STORY #01: Glory Hole

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ipasok mo sa butas ang titi mo. Papaligayahin kita.” Nakakaakit ang boses ng babae kaya kahit kinakabahan ay sinunod ko ang gusto niya.

Hinaplos-haplos ko ang aking kaselanan at nang matigas na iyon ay ipinasok ko iyon sa butas sa dingding. Kulang na lang ay tawagin ko ang lahat ng anghel sa langit nang maramdaman ko na isinubo niya iyon. Ang init ng bibig niya. Madulas at malaway. Hindi nagtagal ay sumabog na ako sa loob ng kaniyang bibig.

Paghugot ko sa aking pagkalalaki sa butas ay hingal na hingal ako.

“Ang galing mo! Ano palang pangalan mo?” Walang sumagot. “Ikaw lang ba ang nandiyan?” tanong ko pa pero hindi na ako nakakuha ng sagot mula sa babaeng nasa kabilang unit.

Hindi na ako nakatulog ng gabing iyon. Ilang oras na akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Wala akong idea sa trip ng babae sa kabilang unit pero hindi maalis sa utak ko ang ginawa namin. Ngayon ko lang kasi iyon na-experience. 'Yong makipag-quickie sa pamamagitan ng butas sa dingding!

Bumalikwas ako ng bangon. Wala akong pakialam kahit na alas-dose na ng hatinggabi. Pupuntahan ko iyong babae sa kabilang unit. Kailangan namin ng round two. And this time, sa personal na namin iyon gagawin!

Palabas na sana ako ng unit ko nang marinig ko ulit ang boses niya. “Round two?” Sinundan pa iyon ng malanding hagikhik at halinghing.

Lumapit ako sa butas. Sumilip. Labi lang niya ang nakikita ko.

“Punta na lang ako diyan. Gusto mo?”

“Hmm… Mas exciting kung dito. Ipasok mo na sa butas ang dapat ipasok.”

Parang may kapangyarihan ang salita ng babae. Napasunod na naman niya ako. Kahit hindi pa matigas ay ipinasok ko ang pagkalalaki ko sa butas sa dingding. Napapikit ako sabay ungol nang mahaba nang isubo niya iyon hanggang sa tumigas sa loob ng kaniyang bibig. Sa pangalawang pagkakataon, sa parehas na paraan ay naabot kong muli ang langit.

Nanghihinang napaluhod ako para silipin siya. Namatay ang ilaw at wala na akong nakita sa unit niya. Nagpahinga na lang ako dahil nakakapagod din ang ginawa namin. Ngunit wala pang limang minuto ay inaaya na naman ako ng babae. Ipasok ko daw ulit sa butas ang pagkalalaki ko.

“Last na ito, ha. Ang sunod ay pupuntahan na kita diyan o baka gusto mong ikaw ang pumunta dito?”

“Sige na. Ipasok mo na sa butas. Papaligayahin kita!”

Muli kong ipinasok sa butas ang matigas kong titi. Habang pinapaligaya niya ako ay sinabi ko sa sarili ko na kapag natapos kami sa third round ay pupuntahan ko na siya. Kaya naman nang labasan na ako ay isinuot ko lang ang shorts ko at tumakbo palabas ng aking unit. Kinatok ko nang paulit-ulit ang pinto ng unit ng babae.

“Earl?” Nakita ko ang landlady na papalapit sa akin. “Aba ako ay nagising sa pagkatok mo.”

“Sorry po, manang.” Itinigil ko ang pagkatok. “May sasabihin lang sana kasi ako sa babae dito. Sige po, tutulog na ako.” Tumalikod na ako. Nakakahiya kasi ang ginawa ko. Bago pa lang ako pero nambulahaw na agad ako.

“Wala nang nakatira sa unit na kinakatok mo.” Napahinto ako sa akmang pagpasok sa unit ko sa sinabi ng landlady. “Isang buwan nang bakante ang unit na iyan. Si Roma ang nakatira diyan dati.”

Humarap ako sa kaniya. “Pero naririnig ko siyang nagsasalita—”

“Satanista si Roma. Huli na nang malaman ko. Kung nalaman ko lang sana ng maaga ay hindi ko na siya tinanggap. Pinatay siya ng nobyo niyang satanista din. Inalay daw si Roma ng boyfriend niya sa demonyo. T-tinusok ng matulis na tubo sa noo niya si Roma. Iyong boyfriend niya… hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli.”

Nagtaasan ang balahibo ko sa braso sa narinig ko. Nakatulala akong pumasok sa unit ko. Mas lalo akong hindi nakatulog dahil sa takot. Kumuha ako ng packing tape at tinapalan ko ang butas sa dingding. Nanginginig pa ang katawan ko dahil sa takot na patay na pala iyong nagpapaligaya sa akin sa butas na iyon.

Ilang patong ng packing tape ang inilagay ko pero parang may malakas na hangin mula sa kabila na nagtulak doon kaya natanggal lahat ng tape.

Akmang lalagyan ko ulit iyon nang muli kong marinig ang mapang-akit na boses no’ng babae. “Halika. Ipasok mo na sa butas. Papaligayahin kita…”

Itinakip ko ang dalawang kamay sa aking mga tenga. “Ayoko na! Tigilan mo na ako! Alam kong patay ka na, Roma!” sigaw ko na may kasamang pag-iling.

“Sige na. Ipasok mo na. Papaligayahin kita.”

“Tama na! Tama na! Tumigil ka na!”

“Kaya kitang paligayahin.” Paulit-ulit na turan ni Roma. Sa pandinig ko ay parang nag-iiba ang boses niya. Kung kanina ay normal lang iyon ngayon ay para bang nakakulong siya sa isang drum tapos ume-echo ang pagsasalita niya.

“Ayoko naaa!!!” Pagkasigaw ko niyon ay hindi na nagsalita si Roma.

Nakiramdam ako. Makalipas ang halos isang minuto na wala na akong naririnig ay buong tapang na gumapang ako palapit sa butas. Pagsilip ko doon ay labis ang takot na lumukob sa akin sa aking nakita.

“Ipasok mo na sa butas.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ng buo ang mukha ni Roma. Nakangiti siya. Puro puti ang mata. May malaking butas sa noo niya. May malapot na dugo na umaagos doon. Wala siyang saplot kundi ang kulay puting panty.

Ngayon ko lang na-realize na hindi lipstick ang dahilan kung bakit mapula ang labi niya. Iyon ay dahil sa dugo na umaagos doon.

“Halika. Papaligayahin kita gamit ito…” Humagikhik siya sabay turo sa malaking butas sa kaniyang noo.

Parang gusto kong himatayin at masuka nang mapagtanto kong hindi pala bibig ang ginagamit ni Roma para paligayahin ako.





Parang gusto kong himatayin at masuka nang mapagtanto kong hindi pala bibig ang ginagamit ni Roma para paligayahin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon