Nakita niya ang paparating na suntok ng pangalawang kalaban kaya mabilis siyang umilag. Nawakan niya ang paa ng kabalyerong iyon at malakas niya iyong hinila kaya natumba ang huli sa sahig. Nang makita niyang babangon ito ay buong lakas niyang siniko ang batok ng lalaki kaya nawalan ito ng malay.

Nakalabas na si Ophelia sa selda at tutulungan na sana niya si Raiden nang sinimukraan siya ni Asher na hindi niya napansing naroroon pala. Namimilipit siya habang hawak ang kanyang tiyan pero sinakal naman siya ng lalaki bago itinaas sa ere.

“I didn't know that you’re a one tough girl, Ophelia. Looks can really be deceiving.”

Pilit na tinanggal ni Ophelia ang kamay ni Asher pero nahirapan siya dahil nauubusan na siya ng hininga at hindi na makapasok ang hangin sa kanyang baga. Napahiyaw naman siya sa sakit nang tumama ang kanyang likuran sa makapal na rehas.

“But try escaping again and I’ll torture you just like your friend.”

Hinahapong huminga si Ophelia nang ibagsak na siya ni Asher. Nakita niya rin ang bagong tanikalang nakasuot sa kanyang leeg. Pero kahit natatabunan na ang parteng iyon ng kanyang katawan ay alam niyang may iniwang marka roon ang pagkakasakal sa kanya ng lalaki.

Napahawak naman siya sa kadena nang bayolente iyong hinila ng dating Pillar ng House na kinabibilangan niya. Lilingon pa sana siya sa selda ni Raiden pero hindi na niya iyon nagawa. Napilitan siyang gumalaw pagkatapos na parang aso na sunud-sunuran sa kanyang amo.

Hindi pa rin matanggap ni Ophelia na trinaydor sila ng lalaki. Akala niya dalisay at wasto ang hangarin ng lalaki dahil sa posisyon nito habang nasa Stronghold pa sila. Pero magaling lang talaga siyang magpanggap. At naloko sila ng taong hindi nila inakalang may tinatago palang baho.

Hindi namalayan ni Ophelia na nakarating na sila sa unang palapag ng palasyong pagmamay-ari ng emperyo. Napakalawak ng buong lugar pero napansin niyang wala halos palamuti sa paligid. Wala rin itong sigla at kabuhay-buhay kagaya ng bilangguang pinanggalingan niya.

Inaasahan ng dalaga na makita ang liwanag nang tuluyan na silang makalabas sa kastilyo pero natakot siya dahil kadiliman ang bumungad sa kanya. Malakas ang kutob niya na gawa ng isinumpang mahika ang itim na ulap na kasalukuyang sumasaklob sa buong kalangitan. Napako siya sa kanyang kinatatayuan nang may makita siyang mga nilalang na lumilipad sa ere gamit ang mga pakpak na kagaya ng sa isang paniki.

Naglakad ulit siya nang hilahin siya ni Asher. Nag-aapoy na sa hapdi ang kanyang leeg dahil napakahigpit ng kadenang nakapulupot doon. Pero pinakalma naman ni Ophelia ang kanyang sarili para makahinga siya ng maayos.

Nadaanan naman nila ang kumpol ng mga Crimson Knights na para bang may pinapanood na laban. Nagkakantyawan pa ang mga ito at mukhang nasisiyahan sa kung ano mang nasasaksihan nila ngayon.

Humawi naman ang grupo ng mga kabalyero nang makita nila ang pagdating ni Asher. Mga tingin na puno ng pagnanasa at kalupitan ang ipinukol ng mga ito sa babaeng nakasunod pa rin sa Imperial Mercenary na naunang naglakad.

Napatigil naman si Asher nang makarating na siya sa tabi ni Lady Mirage. Sumulyap naman si Ophelia sa bilog na espasyong nasa kanyang harapan at halos masuka siya nang makita ang ginawa nila sa isang tao roon.

Kasalukuyang hinahampas ng isang Imperial Mercenary ang duguang lalaking nakahandusay na sa lupa gamit ang isang makapal na latigong nababalutan ng tinik. Nang tumama iyon sa lantad na balat ng lalaki ay halos mapunit ang katawan nito dahil sa lakas ng pagkakapalo sa kanya. Ang nakakabinging tunog ng paglagitik ang pumailanlang sa paligid sa loob ng napakatagal na oras. Nang makita na ni Ophelia na naliligo na ang taong iyon sa sarili niyang dugo ay umiwas na siya ng tingin.

“Are you not going to save one of your loyal subjects, Princess Lithuania?”

Nakayuko si Ophelia pero bakas ang pagtataka sa kanyang mukha dahil sa sinabi ni Lady Mirage. Pero napaluhod siya nang tuluyan na niyang mamukhaan kung sino ang pinapahirapan ngayon. Lumandas na ang mga luha sa kanyang mukha na kanina pa niya pinipigilang lumabas.

“You can save Orion by telling me where to find the Channel. We couldn’t start the real fun without Blaire, right?”

Nagtama naman ang mga mata ni Ophelia at ni Orion pagkatapos. Mahinang daing lang ang sinasagot ng huli sa bawat paghampas sa kanya ng latigo pero nakikita ni Ophelia na malapit nang bumigay ang lalaki. Naaawa na siya sa kondisyon nito. Pero binigyan siya ni Orion ng isang tingin na nagpahinto sa kanyang gagawin.

“You wouldn’t find her,” matapang na sagot ni Ophelia. Eksaktong pagkasabi niya noon ay nawalan na rin ng malay si Orion.

Tumawa naman si Lady Mirage bago binaling ang kanyang tingin sa Imperial Mercenary na nagpahirap sa lalaki. “Call the healer to patch him up. Whip him again after he’s completely healed.”

Hindi makapaniwalang tinignan ni Ophelia ang babaeng nagbigay ng utos. Kumuyom ang kanyang mga kamo dahil sa galit. Hindi niya mapapatawad si Lady Mirage sa pagtrato nito kay Orion na parang hayop.

Pero sa gitna ng kadiliman ay may liwanag na bumulag sa kanila.

“Mukhang hindi na natin siya kailangang hanapin. She’s throwing herself at us,” namamanghang saad ni Lady Mirage bago niya dinilaan ang mapula niyang mga labi.

Walang mapagsidlan ang kabang nararamdaman ni Ophelia ngayon habang nakatingin sa liwanag na nasa hilaga na patuloy pa rin sa pagkinang.

Seryoso naman si Asher nang tanungin niya ang kanyang katabi. “Ano ang gagawin natin, Lady Mirage?’

Parang demonyo na ngumisi ang babae bago tumugon. “We’ll wait for her. And we’ll give her bloodshed.”

The Lost ProdigyOn viuen les histories. Descobreix ara