"Cute." natulala ako sa sinabi niya, kaya napabitaw ang pagkakahawak ko sa braso niya. At nang mag sink in sa akin ang sinabi niya kaya biglang namula ang aking pisngi.

"Joke lang. Namula agad pisngi mo, hindi ka mabiro." Pagalit ko siyang tinignan.

"Kahit naman hindi mo sabihing cute ako, alam ko na yon 'no!" Pasigaw ko na sabi sa kanya.

"Akin na nga kasi, 'yang envelop!" sigaw ko ulit.

"Umuusok na 'yang ilong mo bakla. Oh! Kawawa ka naman." Sabay abot niya sa akin ng envelop, pero nung iaabot ko na bigla niya itong iniwas at biglang binuksan.

"Dear, John Larenz Fernandez." basa niya ng mabilis sa letter na nakalagay sa loob ng envelop.

Nahihiyang napayuko ako.

"Akala ko ba para sa kambal ko ito? Bakit pangalan ko yung nakasulat?" ani niya sa seryosong boses. Hindi talaga ako sanay kapag nagiging seryoso siya.

"A-ano-" hindi ko na alam ang idadahilan ko.

"Basahin mo sa harap ko." Sabay abot niya ulit sa akin ng envelop.

Tinitigan ko lang iyon.

"Titigan mo o kukunin mo?" Inabot ko na lang ang envelop, pero nanginginig ang aking kamay.

"Basahin mo na."

"Huwag na lang, bakla. Maawa ka sa akin." Sabay pout ko.

"Hindi sa akin uubra 'yan."

"D--dear, J-J--John L--La-larenz--"

"Ayusin mo nga yang pagsasalita mo."

"DearJohnLarenzFernandezGustonakitasimulanungunanatingpagkikita--ARAY!"

Tinignan ko ng masama ang bakla, binatukan ba naman ako.

"Oo naintindihan ko. Ayusin mo nga Lianne!"

"E-eto na."

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Dear, John Larenz Fernandez. Gusto na kita nung una kitang makita, ang gwapo mo kasi parang lahat nasayo na. Kaso bigla kong nalaman na bakla ka pala, pero masaya ako na naging kaibigan kita. Pero hindi ko pa rin maipagkakaila na gusto pa rin kita hanggang ngayon. Mas lalo pa nga akong nahuhulog sayo, habang tumatagal yung pagsasama natin. Excuse ko lang yung may gusto ako sa kambal mo, para hindi mahalata, lalo na ikaw Larenz na may gusto ako sayo. Hays, kainis ka bakla! Sayang yung beauty mo talaga, magpakalalaki ka nga tapos akin ka na lang. Nagmamahal ang iyong bakla." Pagtapos ko sa aking pagbasa.

Nang tinignan ko siya, nakangiti ito.

"Hoy! Bakla! Mukha kang baliw diyan!" Sabay tawa ko.

"May gusto ka pala sa akin?" pang-aasar niya, kaya bumalik ulit yung hiya ko sa katawan.

"Masisisi mo ba ako?"

"Hindi. Pero pinagsisihan ko na nagpanggap pa ako na bakla, para mapansin mo. But it's okay, worth it naman." Sabay ngiti niya na halos magpahulog pa ng husto sa akin.

"H-hindi ka bakla?" Turo ko sa kanya na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Yes. Hindi ako bakla." At ayun sumeryoso ulit siya.

"P-paano? Bakit?"

"Hindi mo ba napapansin? Halos lahat ng lalaki, hindi lumalapit sayo. And yung kambal ko? Close kami pero pagdating sayo kaaway ko siya. At tinakot ko silang lahat para hindi ka nila malapitan."

halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kaya pala, kapag lumalapit ako sa mga classmate kong lalaki ay ilag sila pati rin yung kambal niya. Tapos yung may balak sana sa akin na manligaw na lalaki, kinabukasan halos hindi na makatayo, nabugbog daw.

"I-ikaw yung bumugbog sa lalaking manliligaw sana sa akin?"

"Yes. Mabuti lang 'yon sa kanya." Walang pag-aalinlangang sabi niya. Hindi ito yung kilala kong bakla.

"So nalaman mo ng lalaki ako. Nalaman ko na may gusto ka sa akin at nalaman mo rin na may gusto ako sayo." Tumingin ako sa kanya ng pagtataka.

"So?" mataray kong sabi.

"So akin ka na? Tayo na?" nakangiti niyang sabi.

Gusto ko mang ngumiti pero ginawa ko ang lahat para pigilan ito. Pinag-cross ko ang dalawa kong kamay sa aking dibdib at tinignan siya ng mataray.

"Anong tayo na? Manigas ka. Manligaw ka muna sa akin."

"My pleasure. I love you." Nagulat ako sa huli niya sinabi pero niyakap niya ako. At doon ko inilabas ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.

"Akin ka lang, ah? I'm possesive pagdating sayo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Sayo naman ako palagi."

"Good."

Hinampas ko yung balikat niya habang magkayakap kami.

"Hmmp, bwiset ka talagang bakla ka pinapakilig mo ako palagi" humiwalay na kami sa aming yakap

"Pwede ba Lianne, huwag mo na akong tawaging bakla. Naiirita talaga ako sa tuwing tinatawag mo akong bakla, hindi ko lang pinapahalata" tumawa ako ng malakas sa sinabi niya

"Wala kang pakialam, basta bakla pa rin tatawag ko sayo. Hi bakla." pang aasar ko sa kanya

Kumibit balikat lang siya "If you say so, I love you bakla" at namula na naman ang aking pisngi.

--

©HartleyRosesGrey

One Shot StoriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang